Hindi inaasahan ni Maritoni Fernandez ang pagdalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa set ng indie production na Sabungero, intended to be premiered sa darating na Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na gaganapin this July. Grabeng kumustahan tuloy ang naganap.
Mula nang magkahiwalay sila ng TV personality na si Hans Montenegro, mukhang nanatiling single na lang ang aktres. At ang latest nga na nasagap ng PEP, kinukuyog ng mga bagets na manliligaw si Maritoni.
"As in around 20 years old, mga ganoong age bracket!" tila nagulat na sabi ni Maritoni. "My gosh, they're everywhere! I don't welcome them. Naiinis ako. Feeling ko, 'Hoy! Halos kabarkada ko na ang mommy mo!'
"Imagine, mga 20 years old sila, 'tapos, nanay nila, mga 44 or 45 years old, and I'm 40! Mga kabarkada ko na lang mga nanay nila kung tutuusin. I was just a late mom. Mga friends ko, nag-asawa at nagkaanak, 22 or 23, so yung mga kids nila ngayon, mga ganoon na ang age, 20 or something.
"Pero, ang eldest ko, 14 years old. Sabi nga ng anak ko, 'Mom, I think he's just trying to hit on you!' Naku, huh! Sabi nga niya, seriously raw, ganoon ang tingin niya, and I told my kid, 'Come on, slap him for me!'" tawa nang tawa si Maritoni sa kuwento niya.
Pero gulat si Maritoni sa lakas ng loob ng mga bagets ngayon.
"When I was younger, and my mom was like 40, no one would dare! Okay, 21st century na nga and all, but I find it kapaaaal!" bulalas ng aktres.
Impluwensiya nga raw 'yan ng ugnayang Demi Moore and Ashton Kutcher sa Hollywood. Like most younger men find older women cool.
"Hayun, they make it appear na parang okey lang!" sabi niya. "There's something very wrong with that and I don't feel comfortable.
"Pero maraming mga artista ngayon na talagang ang babata ng mga asawa. Like Eula Valdez, 20-something lang yung husband niya. Kris Aquino! Her husband [James Yap] is very young. Hindi ko lang kasi ma-imagine na someone in his 20s, parang... Hey, we're going to have great sex, but what are we going to talk about?"
Ayaw lang ni Maritoni na parang lumalabas na siya pa ang nagtuturo sa bagets niyang lover, if ever.
"Hindi ko feel magkaroon ng isa pang anak," aniya. "Ayoko! Gusto ko naman, ako yung spoiled. Ayoko yung ako ang nang-i-spoil. Ano yun? Sugar mommy?! I don't want to be one.
"Okey na yung ka-age ko. Kung sa iba nakaka-thrill yun, pero hindi sa akin. Feeling mo lang, you're so pretty pa rin, pero yung seseryosohin mo? Naman!
"Feeling maganda ka na lang, hanggang doon lang. Ang haba lang ng hair ko, abot hanggang EDSA! Ayoko nang seryosohin. Isipin mo na lang, we won't be listening to the same kind of music. Gusto ko, '80s music, pero yung gusto nila, most probably, hindi ko na kilala... like, the Who? Gusto nila, rave music pa rin, and I hate that, " sabi pa niya.
Naibiro tuloy namin kay Maritoni na baka hindi pa niya nakikilala ang guy who would bring back her groove, parang doon sa movie starring Angela Bassett and Taylor Diggs, How Stella Got Her Groove Back.
"Grooooove? Excuse me? I never lost it?" tawa nang tawa si Maritoni.
"Maraming ganyang movies ngayon, like I saw an Uma Thurman movie where she dated a younger man, nakalimutan ko na ang title [Prime]. Naku, itong mga ganitong movies ang nagbibigay ng pantasya sa mga bagets!"