PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas expresses dismay on Box-Office Queen ruling

The Comedy Concert Queen tells the GMMSFI to be clear on its rules.
by Eric Borromeo
Published Mar 21, 2009
"Nag-e-expect ako. Pag all-time high ka, siyempre, yun ang ine-expect mo, ikaw ang mananalo. Pag hindi ikaw, di ba, nakakalungkot naman? Pero sabi ko nga, but then again, blessings 'yan. Tanggapin na lang natin nang tanggapin," says Ai-Ai delas Alas about the Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI)'s box-office awards. The Comedy Concert Queen did not win the Box-Office Queen title, but was given instead the new GMMSFI award, Comedy Box-Office Queen.

Iniintriga ang Comedy Box-Office Queen Award na ipararangal kay Ai-Ai delas Alas ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI). Bago kasi ang naturang category sa award-giving body, kaya naman ayon sa naglabasang report, pampalubag-loob lang daw ang naturang parangal. (Click here for the complete list of winners.)

Matatandaang naging isyu kung kanino mapupunta ang Box-Office Queen award sa pagitan nina Sarah Geronimo at Ai-Ai. Pinagtatalunan kasi kung aling pelikula ang may mas malaking kinita sa takilya—ang Tanging Ina N'yong Lahat ni Ai-Ai o A Very Special Love nina Sarah at John Lloyd Cruz.

Sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ nina Ogie Diaz at Fernan de Guzman kahapon ng umaga, March 20, nahingan ang komedyana ng reaksyon hinggil sa isyung pampalubag-loob nga lang daw sa kanya ang Comedy Box-Office Queen.

"Yun ang mga sabi-sabi," umpisa ni Ai-Ai. "Pero since nandiyan na 'yan, tanggapin na lang natin, kasi blessings 'yan. Wag na nating i-nega. Bonus na lang 'yan sa pagtangkilik nila sa pelikulang Pilipino, lalung-lalo na yung Ang Tanging Ina N'yong Lahat. Kung anuman 'yon, ke pampalubag-loob, at least kapag binigyan ka, tanggapin mo, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung wala ang naturang parangal, magsesentimyento ba siya?

"Hindi naman ako magsesentimyento. More of magtatanong ako sa sarili ko na bakit gano'n? Ano ba yung rules? Hindi naman ako nagpapakaplastik, di ba? Sinabi ko na 'yon. Siyempre, kahit papaano, sasama ang loob ko, kasi umiinom ako ng gamot sa ubo, expect-orant," biro pa ng komedyana.

Patuloy ni Ai-Ai, "Nag-e-expect ako. 'Pag all-time high ka, siyempre, yun ang ine-expect mo, ikaw ang mananalo. 'Pag hindi ikaw, di ba? Nakakalungkot naman. Pero sabi ko nga, but then again, blessings 'yan. Tanggapin na lang natin nang tanggapin."

Ano ba ang panawagan niya sa Guillermo regarding sa ruling nila?

"Dati ko pa siyang sinabi na i-clear lang yung rule. Kung mas maganda, para malinaw, pag yung Pasko, hindi na lang kasama. Yung kasama sa filmfest entry, 'wag nang isali. Kasi bukod sa madami 'yon, nakakalito yung five days na ilalaban mo sa four weeks na ordinary run," pahayag ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pag Metro Manila Filmfest, 'wag na lang nilang isali. Opinyon ko lang naman 'yon. Para yung mga sasali sa filmfest, 'wag nang mag-expect na baka kami ang box-office ganito...box-office ganyan."

Nang maitanong kay Ai-Ai ang kanyang lovelife, pabirong sagot nito, "Flop! Wala talaga. Nananawagan ako sa mga gustong manligaw...mga lima kaya!"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nag-e-expect ako. Pag all-time high ka, siyempre, yun ang ine-expect mo, ikaw ang mananalo. Pag hindi ikaw, di ba, nakakalungkot naman? Pero sabi ko nga, but then again, blessings 'yan. Tanggapin na lang natin nang tanggapin," says Ai-Ai delas Alas about the Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI)'s box-office awards. The Comedy Concert Queen did not win the Box-Office Queen title, but was given instead the new GMMSFI award, Comedy Box-Office Queen.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results