PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PDA winner Laarni Lozada says she has no attitude problem

Laarni explains non-appearance on Valentine show with Bugoy Drilon.
by Alex Datu
Published Mar 22, 2009
Pinoy Dream Academy Grand Dreamer Laarni Lozada explains to PEP her non-appearance in her concert with runner-up Bugoy Drilon. "Alam ba ninyo bago ang show na 'yan, ang dami-dami naming provincial shows. So, noong time na yun, siyempre nag-aaral pa ako. So, parang... Hindi sa ginagawa kong excuse, pero yun nga talaga, sobrang nag-ano talaga ang katawan ko. Sobrang hindi nakayanan, e, nagkataon," she says.

Hiningan ng pahayag ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Pinoy Dream Academy (PDA) Season 2 winner na si Laarni Lozada tungkol sa sinasabing rivalry nila ng runner-up niyang si Bugoy Drilon.

Nagmamadali siya nang mga sandaling 'yon na bitbit pa ang dalawang envelopes, isa ay may pangalan niya at ang isa naman ay may nakalagay na pangalan ni Bugoy. Ibibigay raw ni Laarni ang naturang envelope kay Bugoy.

Pero ang balita ay mayroon konting tampo si Laarni dahil mas prayoridad ng ABS-CBN si Bugoy pagdating sa exposure, lalo sa promo ng kanyang album. Totoo ba ito?

"Wala pong katotohanan 'yan," mabilis na sagot ni Laarni. "Hindi naman ako nagtatampo. Kung mas malaki ang exposure ng album ni Bugoy, e, dahil po nag-aaral ako. Ito muna ang binigyan ko ng priority dahil magtatapos na ako ng aking course and, thank God, graduate na po ako at puwede na ako sa full promo ng album ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit hindi niya sinipot ang Valentine show nila ni Bugoy kung wala talagang tampuhan sa pagitan nila? May nagsasabi rin na may "attitude problem" daw si Laarni.

"Naku, hindi po totoo 'yon! Naku naman, sobra!" reaksiyon niya. "Alam ba ninyo bago ang show na 'yan, ang dami-dami naming provincial shows. So, noong time na yun, siyempre nag-aaral pa ako. So, parang... Hindi sa ginagawa kong excuse, pero yun nga talaga, sobrang nag-ano talaga ang katawan ko. Sobrang hindi nakayanan, e, nagkataon.

"Siguro normal lang naman sa isang performer, e, nagkataong hindi na kaya ng katawan ko ang pagod. Siguro marami ang na-disappoint na mga fans na umasa sa akin, ganun. Talagang disappointed talaga sila. Kasi sa simula pa talaga, sobra ang suporta nila sa akin, then suddenly ganun 'yong nangyari," paliwanag ni Laarni

JED MADELA. Na-link noon si Laarni sa kapwa niya singer na si Jed Madela. Aminado ang PDA winner na crush niya si Jed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa hiwalay na interview ng PEP kay Jed, nasabi nitong hanggang kumustahan lang sila ni Laarni kung nagkikita sa ASAP '09 at pagkatapos ng palabas ay sugod agad sila sa kani-kanilang commitments.

"Anong sabi niya?" tila kinikilig na tanong ni Laarni sa amin.

Sinabi namin sa kanya na sinabi ni Jed na wala silang oras para mag-bonding dahil sa sobrang busy.

"Talaga? Wala nang iba?" tanong ulit ng singer.

Sa isa pang interview ng PEP kay Jed ay natanong siya kung siya ang papiliin, sino ang puwede niyang irekomenda para ipadala sa World Championship of Performing Arts (WCOPA) sa taong ito. Sina Frenchie Dy at Bituin Escalante ang binanggit ni Jed, na inimbitahang maging judge sa WCOPA this year.

Kung i-recommend ba siya ni Jed na isali sa WCOPA ay papayag ba si Laarni?

"Si Jed, wow! Siyempre naman. Oo naman, why not?" sagot niya.

"Sobrang willing na willing ako kapag bigyan ako ng chance na magkaroon ng international exposure. Wow, sobrang masaya!"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ASAP '09. Mag-iisang taon na mula nang maging Grand Dreamer sa PDA si Laarni, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya napapasama sa regular performers sa ASAP '09, lalo na't kayang-kaya naman niyang makipagsabayan sa mga singer na nandoon.

"Wow, salamat naman po!" sambit ni Laarni. "Siguro po... Hindi ko rin naman alam, e. Sana ngayon po, under na ako ng Star Magic, sana mabigyan ako ng pagkakataon, exposure. Pero sobrang blessed talaga ako dahil sa kabila ng mga nangyayari sa akin, hayun, hindi ako pinapabayaan ni Lord. Ang dami pa namang mga exposures. Ganun."

Sa ngayon ay masayang-masaya na si Laarni dahil napapanood na ang TV ad ng kanyang first album.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy Dream Academy Grand Dreamer Laarni Lozada explains to PEP her non-appearance in her concert with runner-up Bugoy Drilon. "Alam ba ninyo bago ang show na 'yan, ang dami-dami naming provincial shows. So, noong time na yun, siyempre nag-aaral pa ako. So, parang... Hindi sa ginagawa kong excuse, pero yun nga talaga, sobrang nag-ano talaga ang katawan ko. Sobrang hindi nakayanan, e, nagkataon," she says.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results