Aminado si Kim Molina na kinikilig pa rin siya kapag kaeksena o katambal ang fiancé na si Jerald Napoles.
Ito ay sa kabila ng mahigit sampung taon nilang relasyon at dami ng proyektong pinagsamahan nila.
Lahad ni Kim sa mediacon ng pelikulang Un-Ex You na ginanap noong March 12, 2025, sa Viva Café sa Cubao, Quezon City, “Meron pa rin, hindi ko alam kung bakit pero kinikilig pa rin ako."
Biro naman niya tungkol kay Jerald, "Si Je kasi ano siya, e... Paano ba?
“Dati kasi siyang chick boy talaga."
Sa tingin ni Kim ay kinikilig pa rin siya dahil sa kakayahan ni Jerald bilang aktor.
Paglalarawan niya, "Hindi, pero seryoso, he’s that kind of an actor kasi.
“Kahit sino ang makatambal niya. Actually, tinitingnan niya kung saan niya mahuhuli yung kiliti ng kanyang partner onscreen.
“Kasi it’s important, na magandang organic yung reaction nung partner niya.
“So that’s what he does.
“Ganun po kasi siya, meron siyang… he does something kapag nagtatrabaho.
"And ako I think I just… oo, every time nakakaeksena ko siya bilang aktor sa aktor, and at the same time, dagdag na lang din yung kinikilig ako kasi totoo.”
Nag-propose si Jerald kay Kim noong August 11, 2024.
kim and jerald: living together in separate rooms
Samantala, tinanong naman si Kim sa mediacon kung kumusta ang kanilang relasyon pagdating sa mga away at tampuhan.
Ito ang naging rebelasyon ng aktres: “Ano po kasi, ang set-up namin ni Je, we do live together pero may separate rooms kami!"
Paliwanag niya, “So nagkataon, ako kasi I was independent since I was sixteen kasi family ko nasa Saudi, di ba?
“'Tapos si Jerald naman, lagi siyang mag-isa ever since, kasi only child siya.
“So pareho kaming sanay mag-isa.
“So kapag nage-gets na namin na kailangan ng space itong isa, pupunta ako sa kuwarto ko, 'tapos siya pupunta siya sa kuwarto niya, 'tapos puwede siyang pumunta sa kung saan.
“Katulad nga ng sinabi ko sa podcast namin, ‘Masaya akong merong tayo, kahit meron pa ring ako.’
“So buo pa rin kami individually.
“And when we’re together, we’re stronger.
“So we have that kind of set-up na kapag we feel like we need space from everything, whether it be sa aming dalawa or the world, whatever, I have my own thing, he has his own thing.
“So I think that’s how it works for the both of us.”
Pagbibidahan nina Kim at Jerald ang Un-Ex You, kung saan gaganap sila bilang Zuri (Kim) at Andy (Jerald).
Kasama rin nila sa cast sina Candy Pangilinan, Vladia Disuanco, Kyosu Guinto, Bob Jbeili, at Marnie Lapus.
Sa direksyon ni RC Delos Reyes, ang Un-Ex You ay ipapalabas sa mga sinehan sa April 9, 2025.
