PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jennylyn Mercado admits fault on near-surgery infection

Jen said it was her scratching that caused the infection.
by Ruel J. Mendoza
Published Mar 28, 2009
"Fault ko rin naman kaya nangyari iyon. Kasi nagkaroon ako ng keloid sa C-section ko. So, minsan makati siya at hindi ko namamalayan na nakakamot ko pala. Lalo na kapag stressed out ako sa trabaho at sa pag-alaga kay AJ [Alex Jazz, her baby], talagang itchy siya," relates Jennylyn Mercado on how her C-section scar got infected and nearly landed her in major surgery.

Dinayo pa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn Mercado sa taping niya ng Paano Ba Ang Mangarap? sa Multinational Village in Parañaque City, kahapon, March 27, para malaman ang buong kuwento ng kanyang pagpapaospital kamakailan.

Last March 25 kasi ay isinugod si Jennylyn sa St. Luke's Medical Center in Quezon City dahil nagkaroon ng infection na malapit sa kanyang caesarian-section scar.

Ayon nga sa findings ng doctor ni Jennylyn ay nagkaroon ng skin irritation ito na malapit sa kanyang C-section na kung tawagin ay folliculitis. Kinailangan nga raw na ma-stitch ulit si Jen or else ay kakalat ang infection sa area na iyon.

MEA CULPA. Sa naging panayam namin kay Jennylyn, inamin nito na naging pabaya siya sa nangyari. Inakala niya na simpleng irritation lang iyon at madadaan sa gamot lang. Yun pala ay close to a major surgery na ang kailangang gawin sa kanya.

"Fault ko rin naman kaya nangyari iyon. Kasi nagkaroon ako ng keloid sa C-section ko. So, minsan makati siya at hindi ko namamalayan na nakakamot ko pala. Lalo na kapag stressed out ako sa trabaho at sa pag-alaga kay AJ [Alex Jazz, her baby], talagang itchy siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So ang nangyari, nagkaroon nga ng skin irritation na hindi ko pa pinansin kasi nga sunud-sunod ang work ko. Noong Monday pa siya nagsimulang sumakit pero hindi ko pa rin binigyan ng pansin kasi nakakapagtrabaho pa ako ng maayos.

"Noong Wednesday nga lumala yung sakit. Talagang hindi na ako makalakad nang maayos at hindi ko madiretso ang katawan ko. Binubuhat na nila ako kasi ang sakit kapag kumilos ako. Doon na ako dinala sa ospital. Yung doctor ko kasi ay nasa St. Luke's kaya doon ako nagpahatid pa. Ayoko magpatingin sa ibang doktor kasi kaya bumiyahe pa talaga kami from Parañaque City to Quezon City."

Dagdag pa ni Jen, wala nga raw siyang pinagsasabihan sa set ng Paano Ba Ang Mangarap? na may nararamdaman siyang masakit sa katawan. Ayaw daw kasi niyang maging sanhi ng delay sa taping nila. Kaya kahit may hindi siya nararamdaman na tama, nagtuluy-tuloy pa rin siya sa taping.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nahihiya kasi ako magsabi na may masakit sa akin. Ayokong may magsabi na inabala ko ang taping o naging cause of delay ako. Kaya I kept it to myself kasi kaya ko pa naman. Pero noong araw na iyon na sumakit na siya, doon na ako nagsabi at talagang inalagaan naman nila ako.

"Sinabihan ako na kapag may problema, magsabi lang ako dahil gusto nila na safe ang mga artista sa set. Nag-sorry din ako kasi ayoko ngang maging abala sa production. Naiintindihan naman nila. Ang importante raw ay safe at wala kaming mga sakit. Kaya nagpapasalamat ako sa staff ng show kasi naging understanding sila at inalagaan nila ako hanggang sa makalabas ako ng ospital."

ABORTED CATFIGHT. Nakabalik na nga ng taping si Jennylyn pero dahan-dahan ang kilos niya dahil fresh pa nga ang tahi sa kanyang tiyan. Inayos nga ang mga magiging eksena niya para hindi masyadong mabigla ang katawan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May eksena sana kami ni Chynna [Ortaleza] na mag-aaway kami. As in sabunutan, sampalan at tulakan. Iniba na nila iyon kasi nga pareho kami ni Chynna na may kapansanan ngayon!" sabay tawa ni Jen.

Kamakailan nga ay na-injure si Chynna habang nagsasayaw sa SOP.

"Ako bagong tahi, si Chynna naman napilayan noong SOP kaya hindi rin siya puwedeng kumilos nang mabilis. Kaya imbes na matinding catfight ang gawin namin ni Chynna, e, nagsasagutan na lang kami.

"Okey naman na ako pero marami akong iniinom na mga gamot. Anti-biotics at painkillers, kasi minsan kumikirot siya. Kaya sa set, minsan para akong bangag dahil sa painkillers. In a month's time naman at magiging okey na ako."

GOOD RATINGS. On a lighter note, masaya si Jen dahil mataas parati ang rating ng Paano Ba Ang Mangarap?. Since nag-pilot telecast sila noong February, hindi bumaba sa 20-plus rating ang drama series nila ni Mark Herras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun naman ang nakakatuwa dahil marami pa rin pala ang naka-miss sa team-up namin ni Mark. 'Tsaka base sa mga feedbacks na nakukuha namin, ibang Mark and Jennylyn ang napapanood nila. Mas mature na raw kami at very powerful yung story ng series namin.

"May mga nagtatanong nga kung magkakaroon ba kami ng love scene ni Mark? Hindi ko nga alam, e. Kasi wala namang nailalagay sa script. Siguro sa mga susunod na mga episodes, baka magkaroon din. Basta watch lang sila parati ng show namin."

COFFEETABLE BOOK AND CONCERT. Sa April nga ay binalita ni Jen na ilalabas na sa wakas ang kanyang pinakahihintay na coffeetable book. Marami nga raw kasing naging problema kaya na-delay ito nang husto. For sure daw na this April ay mailalabas na siya.

Sa buwan naman ng May ay magkakaroon ng two-night show si Jennylyn sa Music Museum. Birthday month kasi iyon ni Jennylyn at gusto niyang magpasaya ng kanyang mga fans na walang-sawang sumusuporta pa rin sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Jennylyn Mercado
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Fault ko rin naman kaya nangyari iyon. Kasi nagkaroon ako ng keloid sa C-section ko. So, minsan makati siya at hindi ko namamalayan na nakakamot ko pala. Lalo na kapag stressed out ako sa trabaho at sa pag-alaga kay AJ [Alex Jazz, her baby], talagang itchy siya," relates Jennylyn Mercado on how her C-section scar got infected and nearly landed her in major surgery.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results