Aminado si RR Enriquez na lapitin siya ng mga DOM (Dirty Old Men) at lalaking may sabit na. Pero, itinanggi niyang mayroon siyang rich benefactor at dito galing ang bago niyang kotse.
At the same time, lumabas ang kaprangkahan at kapilyahan ni RR sa pagsasabing mas type niya ang lalaking mature tulad ni Willie Revillame, kung sakaling ligawan nga siya Wowowee host. Hindi rin daw niya tatanggihan sakaling may magbigay sa kanya ng mamahaling kotse, kahit may kapalit pa ito, depende na lang kung sinong lalaki ang magbibigay sa kanya nito.
"Sana nga may nagbigay na lang talaga ng kotse sa akin para hindi ako nahihirapang magbayad nun every month," diretsahang sinabi ng sexy actress nang dumalaw ang PEP (Philippine Entertainment Portal) last Thursday night sa taping ng Banana Split sa ABS-CBN Studio.
"E, three years to pay 'yan, ibinayad ko yung payment ng White Castle, bale 20 percent lang ang ibinayad ko, nandito pa nga iyong resibo, e. Monthly nagbabayad ako ng P50,841.00, nasa calendar ko pa nga yun, e. Ang laki talaga.
"Every 20th of the month iyon, para alam ko kung ano babayaran ko. 'Tapos sa bahay naman, P44,000, kaya kahit nagkakasakit ako ay kailangan talagang mag-work," dagdag pa niya sabay pakita ng resibong pinagbayaran sa kotse.
Ayon pa kay RR, talagang pinagbubuti niya ang trabaho sa Wowowee at Banana Split dahil mahal niya ang kanyang mga trabaho "Talagang work ako nang work, para akong si Valerie [Concepcion] na trabahong kalabaw. Grabe, tulad din niya ako, e. Ganoon kami, kumikita sa mga out-of-town show and mga endorsement kung meron man."
LAUGHING AT INTRIGUES. Napipika na ba siya sa mga sari-saring intrigang ipinupukol sa kanya?
"Hindi naman, nakakatawa nga, e. Sina Direk Bobot [Mortiz] at Papi [Willie Revillame], lagi akong inaasar sa Wowowee. Sinasabi nilang, 'Itong si RR, ang yaman-yaman na,' at dapat daw maging proud ako, huwag akong mahiya. Kung may mga nang-iintriga, hayaan ko na lang daw kung alam ko namang hindi ko ninanakaw. Huwag akong mahiya o makonsensiya.
"Alam din kasi nilang pinaghirapan ko yun. 'Tapos sila yung sobrang proud sa akin, sabi nga nila, 'Naku wag mong intindihin 'yung mga tsismis na 'yan, kung si Paris Hilton nga may sex video, e. Ikaw yan lang, hayaan mo sila. Basta 'wag ka lang gagawa ng sex video, ha.' Kaya nakakatawa talaga, e, ha-ha-ha!" hirit pa ni RR.
"Sa totoo lang, wish ko lang na may nagbigay nga para hindi na ako maghirap. Kung may gustong magbigay willing po akong tanggapin yun. Why not, di ba?"
LIKES OLDER MEN. E, kung may "kapalit"?
"Like sex?" diretsahang sagot-tanong ni RR. "E, depende yun kung ano hitsura niya at edad niya. Kung si Sam Milby siya, why not? May kaunting katandaan, lets say 40? Actually, ako, I don't care naman sa age, mas gusto ko yung mas matanda talaga sa akin. Kahit yung mga naging ex-BF ko, nasa 35 to 37.
"Kasi, na-experience ko na bata ang naging BF ko, mga nasa 20's at walang nangyari, e. Lolokohin ka lang pag bata. E, mas gusto ko yung pina-pamper ako," nakangiting saad pa niya.
Patuloy pa ni RR, "Hindi ko naman idine-deny na mas gusto ko talaga yung matanda sa akin at ayaw kong ako pa gagastos. Gusto ko ako ang gagastusan nila. Sabi nga ni Papi, kumuha ka ng mas may edad.... Iyang si Papi okey na sa akin 'yan, kung liligawan niya ako, why not?
"Hindi mo talaga maiiwasan yung ganoon, e. Magkagusto yung mga ganoong may edad na lalo na at nagpapa-sexy ako. Para hindi lang [Mitsubishi] Montero ang ibibigay sa akin, BMW pa . Hindi lang 'yon yung pinakamahal pa...yung katulad ng kotse ni Papi, yung Ferrari. 'Yon mas okey yun."
THE 27-YEAR-OLD SUITOR. Inamin din niyang madalas sa kanya ang mga indecent proposals.
"Actually hindi mo maiiwasan 'yun, lalo na sa akin dahil nagpapa-sexy ako. Maraming dumarating lalo na kapag nagso-show ako. Minsan sa mga e-mail, hindi mo naman mga kilala pero nakakapag-e-mail sa iyo. Maging GF lang daw ako, ibibigay niya ang lahat.
"Meron pa nga one time, 27 years old, sabi niya sa akin 'wag na akong magtrabaho, ibibigay niya lahat-lahat sa akin. E, hindi ko siya kilala personally, nakuha niya lang ang number ko sa friend ko. Gusto niya makipag-meet sa akin, 'tapos sabi ko, 'Talaga bang lahat-lahat kaya mong ibigay sa akin? Sige nga padalhan mo ako ng Louis Vuitton.' Nagpadala nga.
"Nagpaparamdam pa rin hanggang ngayon. Pero wala talagang dating sa akin, e. Textmate na lang kami ngayon. Nagkita na kami, pagkabigay niya sa akin ng LV, friend-friend ko na siya, kasi bagets, 'tapos nagbigay pa ng LV, siyempre.
"Nag-date kami once, yun lang. Ako kasi mahilig makipag-date, pero hanggang isang beses lang, 'tapos kung wala kang dating sa akin, hangang doon na lang iyon. Isang beses lang," saad niya.
BE A 'MANYAK' TO STOP A 'MANYAK.' "Kahit may mga asawa na maraming nagpaparamdam sa akin. At para makaiwas, sinasabi ko sa kanila na, 'Sorry po.' Actually, very friendly ako at mga kaibigan ko, may mga edad talaga, kasi mas may matutunan ako sa kanila.
"Hindi maiwasan 'pag nasa labas, kunwari may magkakagusto sa iyo. Hindi lang nila masabi na gusto nila ng ganoon, pero malalaman mo naman sa kilos nila or sa ano... Yung lalandiin ka?
"Ako kasi sobrang bait ako, e. Hindi ako nambabastos ng tao kahit alam kong may gusto silang ano sa akin. Ano lang parang, sinasakyan ko, kino-comedy... yung tipong, 'Talaga, grabe ka naman.'
"Iyon ang kagandahan, kasi kapag ipinakita mong game ka, lalo na sa kausap mo, parang nawawalan na sila ng gana. Kunwari manyak yung kausap ko, ipakita mong mas manyak ka sa kanila. Titigil sila, e. Yun ang napapansin ko. Nakikisakay talaga ako. Pero hanggang doon lang.
"Kapag tumatawag na, ang lagi kong sagot, 'Naku busy po ako, e, next time na lang,' ganoon. Ang dami talaga, may mga may asawa, DOM, sikat-sikat pa sila, pero dedma lang talaga ako," tuluy-tuloy at mahabang litanya pa ni RR bago siya nag-babu para magpatuloy sa taping ng Banana Split.