Naging viral ang post ni Ashutosh Samal sa Instagram last May 3, 2025.
Si Ashutosh ay isang Indian national at software developer na naninirahan sa Sweden.
Sa uploaded video ay ibinahagi niya ang mga benefits na natatanggap ng mga full-time employees tulad niya sa mga opisina sa Sweden.

Gayun na lang ang pagkamangha ng netizens—at pagkainggit na rin.
Ang caption ni Ashutosh sa kanyang post: “What are the benefits an employee gets at a corporate office in Europe, especially in the Nordics.
“Just [so] you know it’s not for one/two companies. Most of the companies be it a small or large, give you these benefits.
“Note—I mentioned some amounts in INR as SEK may not be known to many.”
Ang INR ay currency sa India, at ang SEK o Swedish krona o ang pera sa Sweden.
Bukod sa suweldo, ibinahagi rin niya ang iba pang incentives na natatanggap, gaya ng extended vacations at wellness packages.
Read: UPDATE: Tiny dog lost on island 529 days reunites with owners
SWEDEN OFFERS 30-DAY PAID VACATION, GADGETS FOR NEW HIRES
Ikinuwento ni Ashutosh na sa Sweden, ang isang full-time employee ay entitled sa 30 days of paid vacation every year.
Bukod dito, marami rin aniyang opisina roon na pinapayagan ang mga empleyado na umuwi nang maaga o kaya ay mag-half day kung ang susunod na araw ay holiday.
Ang mga bagong recruits ay binibigyan ng latest model ng iPhone at laptop bilang bahagi ng kanilang onboarding kit.
Read: Why Filipino hot dogs are so unique
COMPANIES IN SWEDEN LOOK AFTER EMPLOYEES’ WELL-BEING
Ayon kay Ashutosh, importante rin para sa mga kumpanya sa Sweden na mapangalagaan ang well-being ng mga empleyado.
Nagkakaloob ang mga kumpanya rito ng allowances mula Rs 30,000 (PHP19,691.42) hanggang Rs 40,000 (PHP26,253.34) para sa gym memberships, massages, and wellness services.
Kung work from home naman ang empleyado, ang mga kumpanya ay nagbibigay ng additional setup allowance na hanggang Rs 50,000 (PHP32,782.03), at maaari itong gamitin para sa computer, printer, Wi-Fi services, at furniture tulad ng table and chair.

At hindi lang iyan—maging ang daily expenses ay sagot ng mga kumpanya.
Kabilang dito ang Rs 10,000 (PHP6,557.41) monthly lunch allowance.
Ang mga employees ay maaari ring magrenta ng sasakyan na discounted ang rates.
Kung may mga anak ang empleyado, binabayaran ang kanilang parental leave.
Read: Why do towels have embroidered stripes?
WORKING IN SWEDEN A PERFECT DREAM JOB SCENARIO
Binigyang-diin naman ni Ashutosh na kapag ang isang empleyado ay nawalan ng trabaho, suportado ito ng union system ng Sweden sa loob ng siyam na buwan.
Kapag summer, mas flexible ang working hours at pinapayagan ang mga empleyado na magkaroon ng extra time off.

Sa mga binanggit niyang benepisyo, ang pinakanagustuhan ng mga nagkomento ay ang sinabi niyang sa Sweden, ang isang empleyado ay hindi kailangang mag-request ng vacation.
Sa naturang bansa, itinuturing na ang pagbabakasyon ay karapatan ng bawat empleyado.
Halos iisa naman ang naging komento ng netizens sa post ni Ashutosh.
Ayon sa mga ito, ang mga binanggit niyang benepisyo ng mga empleyado sa Sweden ay perpektong halimbawa ng dream job scenario.
Read: REPORT: Pork is world’s most consumed meat
SWEDEN IS HEAVEN FOR EMPLOYEES
Ang mga binanggit ni Ashutosh ay patunay sa artikulong nalathala sa news website na The Local Sweden noong June 28, 2021, na may titulong, "Nine reasons Sweden is heaven for employees."
Ayon sa artikulo, may siyam na dahilan kung bakit "heaven" ang magtrabaho sa Sweden.
Nasa kanilang batas ang five weeks of paid vacation—at may mga kumpanyang nagbibigay ng six weeks. Kaya pag summer, puwedeng magbakasyon ang empleyado sa loob ng isang buwan.
Sagrado rin sa kanila ang holidays at hindi sila puwedeng gambalain ng boss. Hindi maaaring utusan na tingnan ang text messages o email na may kinalaman sa trabaho kapag nasa bakasyon ang empleyado.
Partikular ang mga Swedes sa equality. Sa workplace ay tinatawag ang mga empleyado sa kanilang first name—maging ang chief operating officer. Personal nilang kilala ang CEO—at puwedeng magbahagi rito ng idea nang walang pangamba.
Mataas din ang pagrespeto ng Sweden sa gender equality kumpara sa ibang bansa.
Read: Employee commutes by plane daily for work; saves PHP8K monthly
Sikat naman ang parental leave system dito. Ang mag-asawa ay nakatatanggap ng 480 days of parental leave per child, at binabayaran nang 80 percent ang salary habang ine-enjoy ang naturang benepisyo.
Ang 90 days sa 480 days ay dapat gamitin ng male employee para magkaroon ito ng chance na maging stay-at-home dad—though pinapayuhan ang mag-asawa na hatiin nang pantay ang parental leave hangga’t maaari.
Totoo ang binanggit ni Ashutosh na sa Sweden ay suportado ang mga nawalan ng trabaho.
Makakukuha ng 80 percent ng salary na may maximum na 26,400 kronor (PHP151,212.55) kada buwan.
Pinapayagan din sa mga kumpanya sa Sweden ang pagtatatag ng union para mas maipaglaban ng mga empleyado ang kanilang mga karapatan. Kung may collective bargaining agreement, kahit hindi miyembro ng union ay makikinabang sa mga benepisyong naipaglaban ng union.
Maaari ring mag-avail ang empleyado ng anim na buwang leave of absences for studies.
Hindi ito binabayaran ng kumpanya, pero maaaring balikan ng empleyado ang kanyang trabaho pag natapos ang pag-aaral. Bahagi ito ng Employee’s Right to Educational Leave Act of 1974 ng Sweden.
Na-e-enjoy rin ng mga empleyado ang tinatawag na “fika” at dito ay tumitigil sila pansamantala sa pagtatrabaho para sa coffee and pastries—at kuwentuhan.
Bawal kasi sa kanila ang limang oras na dire-diretsong pagtatrabaho.
Ang fika ay isinasagawa sa loob ng 10 minutes. Nasa batas nila ito. Isa itong paraan para magkaroon ang mga empleyado ng mas matibay na bonding.
Isang oras naman ang lunch break, para mas ma-enjoy ng mga empleyado ang pagkain.
Malaya rin ang mga empleyado na magsuot ng kung anong gustong attire sa pagpasok sa trabaho—pero kung nasa managerial position, ine-encourage na kahit naka-jeans ay mag-blazer.
Hindi problema ang language barrier dahil maraming Swedish companies ang gumagamit ng English bilang language of business.
Read: Mom and son receive master’s degrees together on same day
