Isang Pilipinong negosyante ang nagtayo ng sariling sneakers brand at lumikha ng mga sapatos na tatak Pinoy, ang Finn Cotton.
Mula sa naluging negosyo noong panahon ng pandemya, isinapalaran ni Paul del Fuente ang natitira niyang PH50,000 sa paggawa ng sneakers.
Ang negosyo niya ngayon ay nakabenta na ng kabuuang 100,000 pares ng sapatos. Meron na rin siyang dalawang stores sa mall.
Ang hangad ngayon ni Paul ay mapasok ng kanyang negosyo ang international market.
Read: What happens when you don’t turn on airplane mode during flight
FILIPINO-brand SNEAKERS
Ipinagmamalaki ni Paul ang kanyang shoe designs dahil ito aniya ay original Filipino brand.
Gumawa rin siya ng design collection na tinawag niyang Makabayan na ipinagmamalaki ang lahing Pinoy.
Paglalarawan niya sa kanyang collection, mga sapatos ito, “that best represents your Filipino heritage or you’re really proud of being a Filipino. Yun yung Makabayan,” aniya sa episode ng Pera Paraan, May 10, 2025 episode.
“It’s loud and proud, which tells everyone, ‘I am a Filipino.’”
Bukod sa magandang disenyo, kalidad din daw ang kanilang mga produkto.
May height-enhancing designs din sila para magmukhang mas matangkad ang nagsusuot ng sapatos.

THE BIRTH OF A FILIPINO SNEAKERS BRAND
Nagsimula si Paul bilang owner ng sneakers-cleaning business sa mga mall.
Nang tumama ang pandemya noong 2020, nagsara ang mga malls at bumagsak ang kanyang negosyo.
Hindi niya alam noon na ang pagkakataong iyon ang magiging susi para tuparin ang isa pa niyang matagal na pangarap.
“Pinangarap ko rin naman ito kahit noong nasa sneakers-cleaning business pa lang ako. Sinabi ko talaga, ‘I will start a sneakers brand.’ Napaaga lang.
“So yung pandemic, for me, was God’s intervention na parang, ‘Papaagahin ko pa yung dream mo na magkaroon ng sneakers brand.’”
Gamit ang PHP50,000, naglakas loob si Paul na buksan ang Finn Cotton.
Read: Joy Ochangco: How a single mom became Sweet Inspirations CEO
SUCCESS BECAUSE OF COLLAB
Sa paliwanag ni Paul, gumamit siya ng mga mga modernong paraan para makilala ang kanyang negosyo.
Nakikipag-collab siya sa mga kilalang personalidad at influencers para mas malaking audience ang maabot.
“So it became a community of individuals, and influencers, and celebs na nagtutulungan,” paliwanag ni Paul.
“We promote them and then they promote us also. So dun kami lumaki.”
Nagla-live selling din sila dahil epektibong paraan ito ng pagpapakilala sa social media.
Sabi ni Paul, “Social media-ish na shoe brand na ine-embrace ng tao, ng Pilipino.”
Ang manufacturing ng kanyang mga produkto ay ginagawa sa ibang bansa.
“Mas mura sa ibang bansa dahil naroon na ng infrastructure, mas affordable ang cost, and yung quality sobrang taas.”
Ang kanyang mga sapatos ay nagkakahalaga ng PHP2,000-PHP6,000.
Ang sunod niyang pangarap ngayon ay makilala ang kanyang negosyo sa ibang bansa.
“I hope and pray, and I believe it 100%... that within the next five years, when we get a percentage of the market share of the global shoe market, we can go back to the Philippines, and add value to the Filipino by manufacturing here, adding more jobs and influence the people of influence in the country, for the betterment of us as Filipinos.”
