Sa Intriga Crossfire segment ng Showbiz Central noong Linggo, March 29, si Carlene Aguilar ang nasa hot seat na babatuhan ng tanong ng bawat host ng GMA-7 showbiz talk show. Ang unang tanong sa 2005 Binibing-Pilinas World title holder came from John "Sweet" Lapus.
Unang tanong pa lang ni Sweet ay kontrobersiyal na. Ito ay may kaugnayan sa pagpili kay Carlene bilang anchor during the Binibining Pilipinas pageant held last March 7. May mga nagtatanong kung bakit raw siya ginawang host samatalang "immoral" naman daw siya.
Nagsimula ang issue na ito dahil hindi na-invite sa coronation night ang former beauty queen na si Maria Isabel Lopez at ipinagtanggol siya ni Azenith Briones. Matapos ang coronation night, binatikos ni Azenith ang presence ni Carlene sa naturang pageant samantalang ang kanyang kaibigan na si Maria Isabel ay hindi naimbitahan.
Ito ang naging pahayag ni Azenith sa isang panayam: "Sino si Carlene Aguilar? Hindi tayo sa naninira or something pero nasaan ang sinasabi nilang good moral and values. Carlene, I'm sorry to say, hindi ba nagkaanak ka nang walang tatay ang anak mo."
Ani Carlene sa Showbiz Central, "Hindi naman sa iniiwasan. Kasi, feeling ko, nadamay lang yung name ko, kasi ako yung una niyang nakita, kasi ako yung nandoon. At wala rin naman akong magagawa kung ako man yung napiling mag-segment host dun sa Binibini.
"Yung tungkol sa immorality issue, inaamin ko naman na nagkamali ako. Na nagka-anak ako out of wedlock. Pero hindi ko po yun ini-encourage sa ibang tao. Dapat po, tingnan natin kung paano ako tumayo after ng pagkakamali ko. So, just be careful sa mga words na pinipili natin to tag others. Siyempre, honestly, ako, hindi ako naapektuhan kasi, feeling ko, bugso lang yun ng damdamin niya to protect her friend.
"Kasi, ako, ganoon din ang gagawin ko, pero hindi ako magbibigay ng example or magda-drop ng name."
Follow-up ni Sweet, nag-react ba ang mommy ni Carlene lalo pa nga't kilala raw niya ang mommy ni Carlene na medyo mataray?
"Medyo...pero in-explain ko naman sa kanila na baka naman nasabi lang niya yun out of...dahil pino-protektahan niya. Pero okey lang, kasi, alam ko naman sa puso ko na tinatama ko yung mga mali ko ngayon."
The next question came from Pia Guanio. Ayon sa kanya, napapabalita that Carlene is dating a non-showbiz guy. But recently, she was spotted with Lorna Tolentino's son, Renz Fernandez. Ano raw ba ang talagang namamagitan sa kanilang dalawa ni Renz?
"Super close friends lang kami ni Renz. Mas madalas kaming magkasama kasi, two classes last sem yung pinagsamahan namin. Kung super close sila ni Dennis [Trillo, her former boyfriend] dati, kami ngayon, mas super close, hanggang doon lang."
Kumusta naman ang relasyon niya with the non-showbiz guy?
"It's okay," nakangiti niyang sabi.
Still hot or getting cold? "Hot...ter! Ha ha ha!"
Raymond Gutierez then asked Carlene regarding Dennis's knee operation, na siyang magiging dahilan kung bakit mawawala si Dennis sa SOP for a month.
Bilang ama ng anak niya, may balak raw ba si Carlene na bisitahin si Dennis sa hospital?
"Oo naman, napag-usapan namin yun. At yung relationship namin ngayon, mas sobra talagang okey. Alam ko, ooperahan siya, tapos, biglang uuwi rin siya that day...So, baka, i-visit namin siya ni Calix sa condo niya."
Kinumpirma ni Carlene ang sinabi ni Raymond na for the record, she and Dennis are okay.
Ayon naman kay Mo Twister, isa raw si Carlene sa madalas niyang sine-search sa Internet at gusto lang daw niyang malaman kung ano ang isyu rito. May nakasulat daw sa Internet that she's pregnant again. So, Mo asked Carlene if it's just a wild Internet rumor?
"Hindi wala...I have my period! "
Is there anything you're doing or measures like family planning para lang hindi ka mabuntis ulit? "I'm just, more careful and safe too," sambit ni Carlene. Humarap ang former beauty queen kay Mo nang nakangiti at humirit na, "I hate you."
Si Rufa Mae naman, ang naging tanong niya kay Carlene ay kung nakikita raw ba nito ang current boyfriend as someone she can marry?
"Siyempre, kung anuman ang relationship ko ngayon with him, sana lang, magtagal. Yun lang. Ine-enjoy lang namin ang bawat moment together. Kasi, marami pa rin kaming ibang priorities."
Follow-up naman ni Sweet sa tanong ni P-Chi, nag-offer na raw na pakasalan siya pero tinanggihan naman niya?
"Hindi naman...hindi pa lang ako ready. At saka, wala pang ganoon. We're both not ready."
At present, tinatapos raw ni Carlene ang kursong Art Studies sa University of the Philippines. Dapat daw ay magtatapos na siya ng October, pero dahil sa work, kinailangan daw niyang mag-drop ng isang subject. Most likely, next year raw ay graduate na si Carlene.
