PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Study reveals the "most beautiful sounding names"

Find out what's the "the most beautiful sounding name in the world" for girls.
by Bernie V. Franco
Published May 23, 2025
list of names
The list of "the most beautiful sounding names in the world" based on the study of an expert from the University of Birmingham.
PHOTO/S: Canva

Natukoy kung ano ang mga pangalang pinakamagandang pakinggan kasunod ng ginawang pag-aaral noong 2023.

Lumabas dito ang pangalang pambabae na namukod tangi sa lahat, at ang iba pang mga pangalang binansagang “world’s most beautiful sounding names” para sa mga babae at mga lalaki.

Para sa scientific study na ito, nakipag-partner ang My 1st Years, isang UK-based company for personalized babies and children’s gifts, sa isang eksperto mula sa University of Birmingham.

Ang nag-conduct ng pag-aaral ay si Dr. Bodo Winter, associate professor for Cognitive Linguistics ng University of Birmingham.

Daan-daang mga pangalan ang pinag-aralan para alamin ang “most beautiful sounding names” sa U.K. at sa U.S.

Tandaan lamang natin na subjective ang ibig sabihin ng beautiful.

Balik sa paksa, binanggit na ang findings ay hindi universal. Pero, “there is a wealth of research” para patunayang may “meaningful associations with names shared across languages around the world.”

Lumabas ang report sa My 1st Years noong October, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lone senior high school graduate is also summa cum laude

‘SOPHIA’ IS THE MOST BEAUTIFUL SOUNDING NAME FOR GIRLS

Nadiskubre sa pag-aaral na ang pangalang Sophia ang “most beautiful sounding name” na pambabae sa U.K.

Kasunod nito ay ang mga pangalang Zoe at Rosie.

Ang mga pangalang may tunog na “ee” sa dulo ay pasok sa listahan, tulad ng Sophie, Ivy, at Phoebe.

Pasok din sa listahan ang mga pangalang related sa celebrities, tulad ng Ivy, mula sa pangalan ng anak ni Beyonce na si Blue Ivy, gayundin ang Willow, na pangalan ng anak na babae ni Will Smith.

Nasa 9th spot ang Hannah na maganda ang tunog, batay sa principles of linguistics. Nasa 10th spot ang Ellie.

Pagdating naman sa pangalang panlalaki, nangunguna ang Zayn bilang most beautiful sounding name.

Naging popular sa U.K. ang pangalang ito nang sumikat si Zayn Malik ng all-male boy band na One Direction isang dekada na ang nakalilipas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumunod naman ang Jesse at Charlie.

Lumabas din sa pag-aaral na kasama sa listahan ang mga pangalan ng mga lalaking mula sa royal family, gaya ng Louie, William, at George.

Ang mga pangalang, Ali, Daniel, at Riley ang kumumpleto sa Top 10.

name
A professor for Cognitive Linguistics from University of Birmingham reveals the top names that are most beautiful sounding.
Photo/s: Canva
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

SOPHIA ALSO TOPS THE LIST IN U.S.

Sophia rin ang most beautiful name for girls pagdating sa U.S.

Ang Sophia ay nagmula sa Greece na nangangahulugang “wisdom.”

Sumunod sa U.S. list ang Zoe, Everly, Sophie, at Ivy.

Lumalabas na patok din sa U.S. ang mga pangalang pambabae na nagsisimula sa “E,” tulad ng Ellie, Emily, Evelyn, Eva, at Elena.

Nasa Top 25 naman ang mga pangalang hango sa halaman, tulad ng Ivy, Lily, at Violet.

Pagdating naman sa mga pangalang panlalaki, nangunguna ang Matthew sa U.S.

Ayon kay Dr. Winter, popular ang pangalang Matthew dahil marami itong positive connotations. Ang Matthew ay nangangahulungang “gift of God.”

Sinundan ang Matthew ng Julian, William, Isaiah, at Leo.

Pasok sa Top 6-10 ang Levi, Joseph, Theo, Isaac, at Samuel.

Read: Miss World Somalia, survivor of female genitalia mutilation

CONSIDERATIONS IN CONDUCTING THE STUDY

Bagama’t iminumungkahi ng pag-aaral na may mga pangalang mas masarap pakinggan kesa sa iba, maraming factors na puwedeng ikonsidera para masabing masarap pakinggan sa tenga ang isang pangalan. Ilan sa factors ay ang “cultural influence to gender, and family history,” ayon sa artikulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ni Dr. Winter na gumamit sila ng sound symbolism mula sa isang research para simulan ang ginawang study.

Ni-rank nila ang mga pangalan batay sa “most positive emotions” kapag sinambit ang pangalan, “therefore are likely to sound most beautiful to the human ear.”

Paglilinaw rin sa ginawang pag-aaral, ang pinagbasehan ay ang tunog ng mga pangalan at ang “emotional values” na nakukuha mula sa phonetics ng mga ito.

Read: Life story of Vangie Carr: Meat seller earning millions a month

IMPACT OF STUDIES IN CHOOSING NAMES FOR YOUR KID

Binanggit ni Dr. Winter ang ilan pang pag-aaral kung paano pinipili ng mga magulang ang mga pangalan ng kanilang mga anak.

Paliwanag niya, sa research ng isang linguist na si Stephanie Shih, iniiwasan daw ng mga mangulang na pumili ng mga pangalan “that would clash with their family names.”

Halimbawa ni Dr. Winter, “If your family name starts with ‘S’, such as Scott, Smith, Saunders, or Sullivan, it may be advisable not to have a first name that ends in ‘s’, such as Marcus, Charles, or Nicolas – because the two ‘s’ sounds will blend into each other.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binanggit din ni Dr. Winter ang Berger and colleagues paper (2012), na kapag may hurricanes na nangyari sa U.S., ang mga susulpot na pangalan sa susunod na henerasyon ay ibinatay sa pangalan ng hurricanes.

Sabi ng associate professor, maaaring nakakagulat ito dahil, sino ba naman ang nais isunod ang pangalan ng anak sa isang kalamidad?

“But when a particularly dangerous hurricane wreaks havoc over a country, the name of the hurricane will be mentioned again and again in the media,” ani Dr. Winter.

Diin niya, “This means that we are exposed more to the same sounds, and it is known from psychological research that things that are more familiar to us are generally liked more, a phenomenon known as the ‘mere exposure effect.’”

Gayunpaman, nilinaw niya na sa huli, nasa mga magulang pa rin ang desisyon sa pagpili ng pangalang sa tingin nila ay tama para sa kanilang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa kumpletong listahan ng "The World's Most Beautiful Sounding Names, According To Science" ng My 1st Years, narito ang link.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The list of "the most beautiful sounding names in the world" based on the study of an expert from the University of Birmingham.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results