Noong mga nakaraang Holy Week, si Alfred Vargas ay karaniwang nangingibang-bansa. Sometimes, alone, at kadalasan, kasama niya ang kanyang pamilya.
Kakaiba this year dahil mula pa noong Lunes, April 6, ratsada na si Alfred sa shooting ng kanyang kauna-unahang Cinemalaya movie, Colorum.
"Actually, hindi dapat nagtatrabaho tuwing Holy Week," sabi ni Alfred sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Pero hindi rin naman dapat nagbabakasyon lang na pagliliwaliw ang iniintindi. Kahit naman nagbabakasyon ako, or just staying in one place, dahil wala namang ibang gagawin, you will just contemplate. Kahit hindi Holy Week, dapat ay ginagawa natin yun.
"Ngayon nga lang, naisipan kong pasukan ng trabaho dahil ito lang yung time na pupuwede kong isingit yung makagawa ng indie film. Matagal ko nang gustong makagawa ng isang Cinemalaya entry. Now is the chance, so I grabbed it. Okey naman sa kanilang mag-work ng Holy Week, kaya walang naging problema."
Naisingit na rin lang ni Alfred ang pagdaan sa mga naggagandahang churches sa Kabikulan. Tipong road movie kasi ang Colorum, tungkol sa isang pulis na ginagampanan ni Alfred na nag-o-operate ng isang colorum na FX hanggang sa bandang huli, siya na ang pinaghahabol ng batas.
"Maganda ang istorya, something unique. Hindi siya formula. It's about friendship and decision-making. Co-star ko rito si Lou Veloso," banggit ni Alfred.
Hindi lang ito ang indie film na tinanggap ni Alfred. Nagsimula na rin siya ng isang project under the direction of Lav Diaz. Medyo natigil lang ang shooting nito.
"May mga inaayos pa, pero soon, magre-resume na rin kami. I just see to it na may maibibigay akong mga araw for shooting, yung dire-diretso para matapos agad," sabi ng aktor.
ALL ABOUT EVE. Mahirap kasing magsingit ng oras lalo na't okupado ito ng pagte-taping ni Alfred para sa All About Eve ng GMA-7.
Gaano katotoo na apektado raw ang ratings ng teleserye nila nang mapatapat ito noon sa Tayong Dalawa ng ABS-CBN?
"Hindi ko rin alam kung ano yung itinakbo ng ratings. Ang alam ko lang, kung minsan, talo kami, kung minsan, panalo. Ganoon lang, pero personally, ayokong intindihin ang ratings kapag nagtatrabaho ako. Ang alam ko, nang mapatapat na kami sa SNN (Showbiz News Ngayon), gumanda na nang gumanda ang ratings namin," pahayag ni Alfred.
QUIET LOVELIFE. Maraming inaasikaso si Alfred sa ngayon, lalo na yung mga naitayo niyang negosyo. May bago siyang restaurant na binuksan, sa Tiendesitas, yung Cafe Mundial. Nariyan pa yung farm niya sa Sta. Maria, Bulacan na talagang tinututukan niya.
"Mas okey na pagbuhusan ng panahon yun. Nariyan pa rin naman ang lovelife ko, pero dahil hindi taga-showbiz ang involved, hindi na masyadong pinag-uusapan.
"Medyo umiwas din kasi ako sa interviews noong nakaraan dahil nga sa ang lagi ring naitatanong sa akin ay yung tungkol kay LJ Reyes. Matagal nang tapos ang relasyon namin, pareho na kaming nag-move on, kaya hindi ko maintindihan kung bakit for the longest time, yun ang itinatanong sa akin. Mabuti na lang at medyo nag-die down," napapailing na sabi ni Alfred.
POLITICAL MOVE. Tuloy na tuloy ang pagpasok niya sa pulitika, sa ilalim ng tiket ni Annie Susano sa Quezon City, na tatakbo bilang Mayor.
"I'll be running for councilor, sa 2nd district of Quezon City," sabi pa niya. "Wala nang urungan ito. This is one decision na kailangang firm ako, hindi pabagu-bago ng isip.
"Pero, siyempre, hintayin na lang natin yung official filling of candidacy by late quarter of this year, para maging definite na siya. Sa ngayon, ang masasabi ko, buo ang loob ko sa politics," pagtatapos ni Alfred.