PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Singer-actor Jay-R Siaboc confirms breakup with co-PDA Dreamer Irish Fullerton

Jay-R admits getting fewer offers because of his weight problem.
by Glen Sibonga
Published Apr 15, 2009
"Walang third party. Yun lang, yung tungkol sa trabaho nga. Hindi naman nakakasira talaga sa work namin pero nag-decide na kami na unahin muna yung work namin. Focus muna kami sa career namin. Gusto niya kasi umangat yung career niya," says Jay-R Siaboc about his breakup with Irish Fullerton.

inumpirma ni Jay-R Siaboc sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na totoong break na sila ng kanyang girlfriend for a year na si Irish Fullerton. Si Irish ay kabilang sa Top 6 scholars ng Season 1 ng Pinoy Dream Academy, kung saan pumangalawa si Jay-R sa nanalong Grand Star Dreamer na si Yeng Constantino.

Isa si Jay-R sa cast members ng bagong panghapong teleserye ng ABS-CBN, ang Kambal sa Uma, na mapapanood na simula sa April 20. Pero bago pa man ang grand presscon ng Kambal sa Uma, na ginanap kahapon, April 14, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, inamin na sa PEP ni Jay-R na break na nga sila ni Irish.

"Nag-decide kami na mag-focus muna sa trabaho. Mutual decision siya," pahayag ni Jay-R sa PEP.

Bagama't ayaw magbigay ng exact date ni Jay-R kung kailan sila nag-break ni Irish, sinabi niya na recently lang daw. Three months din daw umuwi si Irish sa U.S., kung saan siya talaga nakatira. At pagbalik niya nitong nakaraang March ay nag-usap daw silang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong ng PEP kung third party ba ang dahilan ng break up nila?

"Hindi, walang third party. Yun lang, yung tungkol sa trabaho nga. Hindi naman nakakasira talaga sa work namin pero nag-decide na kami na unahin muna yung work namin. Focus muna kami sa career namin. Gusto niya kasi umangat yung career niya."

Hindi ba sila na-fall out of love?

"Hindi naman," sagot niya. "Nung time kasi na nagtatrabaho ako, hinahayaan niya lang akong mag-work. Kahit na bihira kaming magkita dahil araw-araw nga yung taping ko noon sa Kapitan Boom, naiintindihan naman niya ako. Siyempre nung time na pahinga na ako at wala na akong trabaho, siyempre magkasama kami palagi."

Aminado si Jay-R na nalulungkot siya sa nangyari sa relationship nila ni Irish, pero kailangan daw talaga na ayusin nila pareho ang kanilang mga priorities, lalo na yung tungkol sa kanilang career.

Posible bang magkabalikan pa sila ni Irish?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko masasabi sa ngayon."

Handa na ba siyang umibig muli?

"Sa ngayon, hindi muna. Hindi rin naman kasi ganun kadali kalimutan yung naging relationship namin ni Irish. Hindi naman kaagad-agad mawawala yun."

Mahal pa ba niya si Irish?

"She will always be special to me."

Kahapon nga sa presscon ng Kambal sa Uma, muling inurirat ng PEP kay Jay-R kung nagkausap na ba ulit sila ni Irish?

"Oo, nagkausap na kami. Pero sana ayoko munang pag-usapan yung tungkol sa amin," pakiusap ni Jay-R.

Pero gusto pa rin bang ituloy ni Irish ang career niya rito sa Pilipinas?

"Oo, gusto niya."

BACK TO SOAP. Bagama't hindi masaya ang lovelife ni Jay-R ngayon, happy naman siya sa kanyang career dahil muli nga siyang gumagawa ng soap via Kambal sa Uma. Huling soap pa ni Jay-R sa ABS-CBN ang pinagbidahan niya last year na Komiks Presents Kapitan Boom, along with Jon Avila and Maja Salvador. Aminado rin si Jay-R na kasalanan din niya kaya dumalang ang projects dahil na rin sa kanyang pagtaba.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Masaya ako na nagkaroon ako ng project ulit. Matagal din akong napahinga, e. Although, may mga guestings pa rin naman ako at saka ASAP pag Linggo."

Ano ang pakiramdam noong dumalang na ang projects?

"Nalungkot ako. Aaminin ko na matagal din akong nawalan ng trabaho, tapos nakikita ko rin naman na kagagawan ko rin naman, e. Yun nga, tumaba ako. Masyado akong naging kumpiyansa."

Naapektuhan ba ang pamilya niya nung dumalang ang projects mo?

"Oo, naapektuhan din sila. Nalungkot sila. Pati pamumuhay namin naapektuhan," pag-amin niya.

Paano niya napagdesisyunan na magpapayat na?

"Sinabihan ako ng halos lahat ng mga nakakita sa akin...ng mga kaibigan ko, pati ng Star Magic. E, nung naramdaman ko na yung epekto sa career ko ng pagtaba ko, sinabi ko sa sarili ko na dapat magpapayat na ako."

Ano ang feeling mo na nakasama ka sa cast ng Kambal sa Uma?

"Noong una kong nalaman nung tinext ako, natuwa ako. Kasi may isa akong inaabangan na show, pero na-move yata. Tapos nung tinext nga ako for Kambal sa Uma, nagtanong pa ako kung sigurado ba talaga ito. Kasi, di ba, ang daming shows ngayon na naka-hang? Kaya tinanong ko yung handler ko kung sure na ba ito. Sabi niya, 'Oo, may storycon na,'" lahad ni Jay-R.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-excite ba siya?

"Sobra, sobra! Masaya ako na nakabalik na ako."

Ano ang role niya sa Kambal sa Uma?

"Ako rito si Toro. Nagtatrabaho ako sa perya. Kasama ko sa trabaho sina Jordan Herrerra at Carlo Guevara. Nag-e-entertain ako ng mga tao sa perya, nag-i-impersonate. Si Melissa [Ricks, isa sa mga bida ng Kambal sa Uma along with Shaina Magdayao] kasi mapupunta sa perya. Magiging kaibigan ko si Melissa rito at saka si Jason Abalos. Ako yung tutulong kay Melissa na makatakas sa perya kasi nahihirapan siya doon."

Nalulungkot ba siya na after niyang magbida sa Kapitan Boom ay support na lang siya rito sa Kambal sa Uma?

"Actually, masaya ako na nakabalik ako," sagot niya. "Wala akong inisip na iba kasi ang sa akin naman, ang gusto ko lang, magkaroon ako ng trabaho, e. Hindi ako namimili ng role. Para sa akin na baguhan na artista, na wala pa akong napapatunayan talaga, para sa akin wala pa akong karapatan na mamili ng role."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GAY BENEFACTOR ISSUE. Isa sa mga isyung patuloy na ibinabato kay Jay-R ay ang pagkakaroon daw ng gay benefactor. Ano ang masasabi niya rito?

"Siguro yung mga ganung isyu naman, parang naging natural na sa mga lalaking artista yun. Basta ako ngayon, masaya ako na nagkatrabaho ako ulit."

Pero paano niya hina-handle yung ganitong isyu?

"Hindi ko na lang pinapansin, e. Wala naman talaga, e. Although, minsan nakakaapekto kasi siyempre ayoko rin na may ibang tao na madamay. At saka sa part ko nakakaapekto dahil may nagtatanong nga ng ganyan. Hindi ko na lang talaga pinapansin."

SINGING CAREER. Nalilinya ngayon Jay-R sa acting, kinalimutan na ba niya ang kanyang singing career?

"Hindi naman. Yung pagkanta ko naman, nandiyan lang, e. Meron naman akong ASAP every Sunday at saka sa mga out-of-town shows. Meron ding naka-sked na shows sa ibang bansa."

Hindi na ba masusundan ang album niya sa Star Records?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sana nga. Isa yun sa mga wish ko."

Ano pa ba ang gusto niyang ma-achieve sa showbiz?

"Marami, kasi malaki talaga ang pangarap ko sa showbiz. Gusto kong magkaroon ng maraming projects. Basta tuluy-tuloy lang. Siyempre yung sumikat," pagtatapos ni Jay-R.

Read Next
Read More Stories About
Jay-R Siaboc, Kambal sa Uma
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Walang third party. Yun lang, yung tungkol sa trabaho nga. Hindi naman nakakasira talaga sa work namin pero nag-decide na kami na unahin muna yung work namin. Focus muna kami sa career namin. Gusto niya kasi umangat yung career niya," says Jay-R Siaboc about his breakup with Irish Fullerton.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results