Sweet 16 Revelations about John Lapus

IMAGE 0


John "Sweet" Lapus promises an exciting and different experience for those who will watch his 16th anniversary show on May 15 and 16 at the Teatrino Promenade in Greenhills, San Juan City. But before this, let's get to know more about John's roots, his climb to fame, his loves and more.


When Jonathan Anthony S. Lapus was born on July 7, 1973 at St. Luke's Hospital, Quezon City, faith already gave a hint to his parents Salud Solis Lapus and Canuto Mangalino Lapus Jr. that he will be like no other boy.

"Weird, when I was born, ako lang ang baby boy sa nursery. Lahat, girls na. It's a sign!" exclaimed that baby boy who grew up to be Philippine showbiz and TV's most fabulous interrogator, John "Sweet" Lapus. Every week, John entertains us by playing main interrogator in his "Don't Lie to Me" portion on Showbiz Central. He excites us even more with his "Buwis-buhay Dance number" every time the lie detector used in the show disagrees with the celebrity guest's answer.

On May 15 and 16 at the Teatrino Promenade in Greenhills, San Juan City, John will do more than excite and entertain us. He promises a different experience for all who will watch his 16th anniversary show titled John Lapus is Sweet 16.

But, before watching the show, let's get to know more about John as PEP (Philippine Entertainment Portal) looks back to his roots, his climb to fame, and more, in this Q & A:

PEP: We already know that you were born on July 7, 1973, in St. Luke's and we now know the names of your parents, ano pa'ng interesting trivia ang gusto mong i-share about your birth?

John: Ipinaglihi daw ako sa pizza at kamoteng kahoy, sabi ng parents ko. Tapos, yung tatay ko nga pala, Jojo ang nickname niya dahil may "Jr." sa huli ng name niya. Ang akala ng iba, junior siya ng lolo kong si Florentino "Ka Tino" Lapus. Ang hindi nila alam, junior ang tatay ko ng lolo niya."


PEP: Background nga on your education, John.

John: Sa Lagro Elementary School ako nag-elementary. High school naman sa St. Anthony Nova School sa Amparo, Caloocan. Naloka ako na dalawa pala ang Caloocan? Isa sa Monumento at isa sa Novaliches na malapit nga sa amin sa Lagro. North Caloocan yata ang tawag doon. Kakaloka kasi magkahiwalay ang North at South Caloocan. Sa UST naman ako nag-college. B.S. Hotel and Restaurant Management grad ako noong 1993.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PEP: Hotel and Restaurant and yet sa entertainment ka napalinya ngayon? Paanong nangyari yun?


John: Bata pa lang kasi ako, lagi na akong kasali sa mga monolog-monolog sa school programs. But it was only in Teatrino Tomasino, university-wide theater guild of UST, that I developed my acting skills. Doon din nagsimula sina Arnold Clavio, Piolo Pascual, Wenn Deramas, Eagle Riggs, to name a few.

PEP: Pagkapanganak pa lang sa iyo, sabi mo nga, may sign na agad na hindi ka talaga boy dahil puro girls ang nasa nursery at that time. Pero growing up, kelan mo na-discover at na-accept na bading ka?

John: Bata pa lang ako, tinutukso na ako ng mga kapitbahay at kalaro ko ng bakla. Noong araw, nagagalit ako kasi I was brought up na mali at masama ang maging bakla. Pag tinutukso ako ng kapitbahay, nagagalit ang nanay ko sa akin. Kasi baka may nakikita daw sa akin na kabaklaan. E, totoo naman na noong bata ako, malambot na ako magsalita at kumilos. College na ako na na-accept ni Nanay. Wala na siyang nagawa. He-he-he.

PEP: Any fan of John Lapus would like to know kung na-in love ka na ba. So nakailang boyfriend ka na ba?

John: Three! Lahat sila, pera lang ang habol sa akin. Gano'n talaga, e. Ha-ha-ha!

PEP: Pero siyempre naman kahit paano meron sa kanilang very unforgettable, sino sa tatlong iyon ang kino-consider mong unforgettable?

John: Lahat sila, unforgettable. Yung una, dating callboy na tumaba kaya wala nang customer. Sex lang dapat iyon, pero na-in love ako. Gaga din kasi ako. Ayun, noong pumayat na, bumalik sa pagko-callboy, nge! Yung pangalawa naman, model. Nakita ko sa Klownz when I had a show. Nakahanap ng ibang bakla, iniwan ako. Yung last, dancer. Nag-asawa na, so, ako naman ang umiwan. In fairness, kaibigan ko sila lahat ngayon at lahat sila gustong makipagbalikan sa akin. Ganda ko, no? Or siguro, kailangan ng pera. Ha-ha-ha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


PEP: Growing up gay, siyempre meron kang mga iniidolo. Sino ba yung mga naging idols mo?

John: Maricellian ako, 'tapos naging Sharonian na din. Check my blogs about Maricel and Sharon. In a way, na-imbibe ko sila as I grow up. Comedy na Maricel at madramang Sharon.


PEP: After college and graduation, sa TV ka na ba agad nagtrabaho?


John: May 1993, after graduating from college, ABS-CBN na agad ako. Researcher lang ako noon for Showbiz Lingo. I was highly recommended by my older gay sister na working na there that time. Then, got promoted as a head researcher, segment producer, associate producer, creative specialist, segment host, then co-host. I was with ABS-CBN for 13 years. May 1993 is really the beginning of my showbiz career since showbiz-oriented talk show na ako nag-work agad. As TV actor-host, mga 14 years pa lang. Pero sinama ko sa bilang ang first two years ko kaya eto, sweet 16 na.


PEP: So how was it, your landing a job in TV?

John: I love it! Bata pa lang ako, mahilig na ako sa artista, TV at sine. I didn't realize na dito pala ang bagsak ko. God gave me so much talent-hosting, acting, comedy, drama, sayaw-at nagagamit ko ngayon to entertain others at may bayad pa! Showbiz is the perfect job and place for me. Minsan nga lang, mahirap kasi hindi ako showbiz na tao. Yun na!


PEP: Ano yung mga unforgettable experiences mo sa una mong trabahong ito?

John: When I finally met my idols Maricel Soriano and Sharon Cuneta. Wow! The best! At eventually, itinuring nila akong kaibigan.


PEP: Before you became famous, ano yung mga achievements mong maituturing sa mga unang naging career mo sa TV?

John: I was the youngest researcher on TV that time. I was only 19, 'tapos ako pa ang highest paid dahil madami akong hawak na segment. Ang bilis din ng promotion ko noon, thanks to my former boss Deo Endrinal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


PEP: So, instrumental talaga si Deo Endrinal sa pagkakapasok mo oncam as talent na talaga?

John: Yes. Pero yung mga kaibigan ko kasing mga staff-writers, directors, EPs-nire-recommend ako. Madalas kasi ako mag-host ng mga party ng ABS noon at minsan, bigla na lang ako nagso-show sa TV production office. At pag may maliit lang na role para sa bading, ako na lang ang kinukuha imbes na sina Eagle, Jon Santos, Bernardo Bernardo, et cetera. Mas mura kasi ako that time. Kasing-galing pero hindi sing-mahal. Ha-ha-ha! 'Tapos kaka-extra ko, ginawa na ako ni Deo na oncam chiwariwap sa Showbiz Lingo at Cristy Per Minute. Sabi niya, "Maingay ka naman at maarte." Pero nahirapan ako that time kasi pinagsasabay ko ang staffwork ko. Workaholic kasi ako.


PEP: But Showbiz Lingo and Cristy Per Minute were not your first oncam TV stints, right?

John: College ako noon, nagpunta yung isa sa mga ate kong bakla na segment producer ng Tatak Pilipino. May episode sila about gay lingo. Ang husay ko kasi mag-gay lingo kaya ayun, in-interview ako. Nakilala ako sa buong UST dahil doon at doon na din nalaman ng mga kamag-anak ko na baklang-bakla ako. Ha-ha-ha! Kinukuha ako noon ni Direk Wenn Deramas sa Teysi ng Tahanan. Siya ang director ng "Kung Maibabalik Ko Lang" portion. Dramatization ng mga life story ng mga misis. Ang talent fee ko noon, P500. Malaki na 'yon para sa isang student like me.

Cristy Per Minute ang first regular oncam show ko. Doon na lang nalaman ng mga televiewers na John Lapus pala ang name ko. Dati, yung baklang gumagaya kay Sheryl Cruz at Ate Luds [Inday Badiday], or yung baklang garalgal ang boses na maingay.

PEP: So from there, iba-iba nang shows ang ginawa mo, like...

John: Showbiz Lingo, Cristy Per Minute, Marinela, Ariba-Ariba, The Buzz, Sing-Galing, Sing-Galing ni Pops, Blind Item, ETK, S-Files, Kim Sam Soon, Luna Mystika, and Showbiz Central.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PEP: But of all the shows you've joined so far, which one is the most unforgettable for you?

John: Showbiz Lingo kasi una at tumagal talaga. Naging magkukumare at kumpare na kaming mga staff. Ariba-Ariba kasi first sitcom ko at tumagal din. Para talaga kaming pamilya nina Jolina [Magdangal], Tito Bobot [Edgar Mortiz], Tita Sandy [Andolong] at iba pa. Sing-Galing kasi nag-win kami ni Ai-Ai [de las Alas] ng Best Game Show hosts sa Star Awards. Blind Item, kahit one season lang, kasi first solo show na host ako. And Showbiz Central kasi sa wakas, main host na ako.

PEP: Have there been incidents where you said really something bad about a celebrity o meron kang comments na talagang nasaktan yung tao? Nagka-confrontation ba? Paano mo ito niresolba?

John: Wala namang umabot sa confrontation. Sa Cristy Per Minute noon, sa segment kong "Prangka Ka John," sinasabi ko kasi lahat ng opinion ko at super lait talaga. Kahit totoo, alam kong masakit pa din. I know nagalit sa akin noon si Lyn Ching, Osang [Rosanna Roces], at Camille Roxas. Isa-isa ko silang kinausap at nag-sorry ako in person.

PEP: Sa stature mo ngayon as the John "Sweet" Lapus, meron na bang pangyayaring may isang up-and-coming or nagsisimula pa lang na yummy na actor na "nagpapahiwatig" sa iyo in exchange of pagpu-push mo sa career niya?

John: Naku, madami. Pero hindi ko pinapansin. Hindi naman kasi ako executive, director or manager. Sila ang may alam at access sa ganyan. Malay ko ba sa ganyan? Dedma ako pag may nagpaparamdam ng tulong 'tapos kapalit ng sex. Maganda naman ako or "kaliwaan" na lang. Ha-ha-ha! But seriously, sarili ko nga career, dalawa ang nag-aasikasong manager-Ricky Gallardo for GMA at Star Magic for live shows at corporate events. Kung yummy, pag-iipunan ko na lang or pakikilala ko siya sa mga ganyan ang gawain. He-he-he!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PEP: Let's talk about your club circuit career, your being a stand-up comedian, sino ang nagbigay sa iyo ng break at kailan?

John: Si Mamu Andrew de Real ng The Library sa Malate. Ang pinagkaiba ko kasi sa kanila, kina Ai-Ai, Allan K, Arnell Ignacio, Chokoleit, Pooh at Vice Ganda, nagsimula ako sa TV bago sa bars at live shows. Sila kasi nagsimula sa mga sing-along bar. So one time, nagpunta ako sa The Library, nilapitan ako ni Mamu kasi nawa-watch nga daw niya ako sa TV. Niyaya niya ako mag-show sa The Library.


PEP: And your first show as a club comedian was...

John: Korek Ka, John. 1998 yon. Sa The Library.

PEP: In your shows, kinagigiliwan ng fans mo ang pag-impersonate mo sa sikat na celebrities. Sinu-sino nga uli ang mga iyon at sino ang pinakapatok na patok o pinakasikat sa mga fans mo?

John: Sheryl Cruz the 3rd, Inday Badingding, Kris Anino, Madam Uring. Kris Anino yung pinakasikat at laging request kasi gayang-gaya ko daw si Kris. Parang si Jon Santos pag Vilma Santos siya.

PEP: After Korek Ka John, how many shows has it been?

John: Teka at try ko isa-isahin, Korek Ka John, John Na Naman [The Library], NanJohn Ka Na Naman, NanJohn Ka Na Naman Ulit [Chatterbox Galleria], HallowQueen [Chatterbox], Johneration Sweet, 4th of July Birthday Ko Day! [Music Museum], This Is It: The Universal Sweet Event [Folk Arts Theater], Sweet November, Sweet Circle Quest, Sweet Factor [Klownz], Happy Birthday Sweet! [Zirkoh], This Time I'll Be Sweeter, Sweet Dreams, Sweetilicious [Music Museum], At Sweet 16. Sixteen lahat. Yung iba diyan, nag-repeat sa ibang bars, mga province at ibang bansa. Taray!

PEP: Any interesting anecdote o unforgettable experience so far sa career mo bilang stand-up comedian?

John: Winning Aliw Awards for Best Stand-up Act twice made it all worthwhile. Ang sarap ng feeling ng pinaparangalan ka sa isang bagay na gusto mong gawin. I love it pag may lumalapit sa akin na mga tao, congratulating me and thanking me na napatawa ko daw sila. It's an honor po! Salamat sa inyo!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PEP: Sino ang dream mong makatrabaho sa entablado at ano pa ang dream mong gawin as a stand-up comic?

John: Kahit sino. Hindi naman ako namimili ng ka-work. Gusto ko ng collaboration. Singing at comedy na show. Kami ni Aiza [Seguerra]. Kakatawa yon, di ba? Sana may mag-produce. Sweet 16 might be my last show muna. Kakapagod din at mahirap mag-produce. Baka sa Sweet 20 or 25 na ulit. But tuloy pa din ang mga ensemble shows with other stand-up comics like Jon, Candy [Pangilinan], Chokoleit, et cetera. Masaya kasi 'yon. We are doing Rock Da Vote this December for ASAP Live.

PEP: With all the success you have now, paano na ang lovelife?

John: Wala siyang panahon para sa akin, so, wala din akong panahon para sa kanya. Ha-ha-ha! Pero sex life meron ako. Pangpatanggal ng pagod. He-he-he! Pero ang lovelife ko ngayon, si God, family, at mga kaibigan ko.

PEP: From simple beginnings, super success ka na ngayon, so, sa mga tumitingala sa iyo bilang inspirasyon o idolo, ano ang maipapayo mo?

John: Be honest. Express yourself and be mindful of other people's feelings and most of all, pray.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN