PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jayson Patdo: from farmer and helper to bag business owner

He started with a manual sewing machine worth PHP7,500.
by Bernie V. Franco
Published Aug 15, 2025
Jayson Patdo
Jayson Patdo is the owner of a business that makes 100% Filipino-made bags. How did this former farmer succeed in putting up his own business? Here's his life story.
PHOTO/S: DTI Philippines via YouTube

Si Jayson Patdo, high-school graduate, ay dating helper at farmer.

Pero naniwala siya na kaya niyang magtagumpay kaya hindi kataka-takang may-ari na siya ng isang bag business.

Si Jayson ang founder and owner ng Jaykens Sports Gear, na inilunsad niya noong April 20, 2012.

Mula sa pananahi ng mga bags sa kanilang terrace gamit ang isang manual sewing machine, mayroon na siyang sariling bag manufacturing factory sa Bataan.

Pagmamalaki niya, 100% Filipino made ang kanyang products, na ayon sa kanya ay de-kalidad, matibay, abot-kaya ang halaga, at kayang makipagsabayan sa international brands.

Dati, nakakabenta si Jayson ng 30-40 bags kada buwan na siya mismo ang tumatahi.

Ngayon, nakakabenta siya ng tinatayang 500 bags kada buwan.

Read: Pinoy student gets historic perfect score in international culinary contest

JAYSON PATDO'S HARD LIFE

Ibinahagi ni Jayson ang kanyang success story sa DTI: Asenso Pilipino episode ng DTI Philippines YouTube channel nitong August 1, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Magsasaka po kami. Naranasan ko pong magtinda ng nilupak, kakanin...Nag-de-padyak din ako, yung pedicab, sa Dinalupihan, Bataan.

“Sa hirap ng buhay, hinanap ko yung way ko,” sambit ng negosyante.

Labing-isa silang magkakapatid at pinipilit sila noon ng kanilang ama na ituon ang pagtatrabaho sa pagsasaka.

“Mahirap ang buhay noon,” sabi ni Jayson. “Doon po ako napilitan na umisip ng paraan kung paano kumita at mabigyan ng baon ang mga kapatid ko.”

Naglayas si Jayson at nagpunta sa Mariveles para magtrabaho bilang helper sa isang negosyo ng pananahi.

Pero kahit helper, hindi nakuntento si Jayson.

“Kung ano yung pinakamahirap na trabaho, operation, yun ang gusto kong matutunan,” sabi niya.

Sa tuwing breaktime, tatabi si Jayson sa mga mananahi at nag-oobserba kung paano ito ginagawa.

Kalaunan ay natuto siyang magpagana ng sewing machine.

Jayson Patdo, Karen Davila
Jayson Patdo holding some of his bag products, together with news anchor Karen Davila. Jasyon shared his story via DTI: Asenso Pilipino's YouTube channel.
Photo/s: Jaykens Sports Gear via Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Who is the voice behind Jet2 Holiday travel ad?

WORK AS A SEWER

Kalaunan, nag-apply si Jayson bilang mananahi sa kaibigang may negosyong pagawaan ng bags sa Mariveles.

Naiisip daw noon ni Jayson ang sinabi ng ama na dati ring pinasok ang tailoring, pero hindi umasenso. Kaya’t gayon na lamang ang pagnanais niyang pagtuunan ng mga anak nito ang pagsasaka.

Pero hindi basta-basta sumunod sa agos si Jayson. Nang mamasukan bilang mananahi, naisip daw nya ang sinabi ng ama at sinabi sa sarili: "Hindi. Nakikita ko na dito ako aasenso.”

Ang dasal daw niya noon: “Lord, Ikaw ang magbigay sa akin ng sign para manahi ako, na mai-apply ko ito.”

Nakuha ni Jayson ang hinihinging sign.

Ipinadala siya ng kanyang employer sa Vietnam na nagbukas ng branch doon. Si Jayson ang nagturo sa Vietnamese employees ng pananahi.

Pagbalik sa Pilipinas, bumili ng isang second-hand single-needle sewing machine si Jayson.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang makina ay nagkakahalaga ng PHP7,500.

Pagkagaling sa trabaho, nananahi ng bags si Jayson at ibinebenta ang mga ito sa kanyang mga katrabaho.

Doon daw niya naisip, “Kaya ko pala.”

Nagkaayos na rin sila ng kanyang ama, na nagtampo nung lumayas si Jayson at nagpunta sa Mariveles.

Nang makita ang pananahi ni Jayson, naging proud ito at tinulungan ang anak sa paglalako ng bags sa mga kaibigan.

bag story
Jayson now has a physical store, a bag manufacturing factory and sells bags online.
Photo/s: Jaykens Sports Gear via Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE START OF A BUSINESS

Nang mamatay ang kanyang ama, nagdesisyon si Jayson na bumalik sa Dinalupihan para samahan ang kanyang ina.

Nagsimulang manahi ng mga bags si Jayson sa kanilang terrace.

Humiram siya ng perang PHP15,000 bilang puhunan.

Kinailangan din ni Jayson ng sewing machine na kayang tumahi ng makakapal na tela.

Nakahiram siya ng pera mula sa kapatid at nakabili ng isa pang sewing machine kaya naging dalawa ang kanyang makinang pantahi.

Pagbabahagi ni Jayson, bumibili lamang siya noon ng mga telang de yarda.

Sa isang araw, kaya niyang tumapos ng 10-20 bags hanggang madaling araw.

Hanggang sa dumami nang dumami ang kanyang customers.

Aniya, “Hanggang sa word of mouth.”

Sabi raw ng kanyang customers, “Kay Jaykens magaganda ang bag niyan, doon kayo bumili. Matitibay, may warranty pa.’”

Kaya, ani Jayson: “Dumami nang dumami.

“Hanggang nag-expand na po ako,” sabi ni Jayson na may bag manufacturing factory sa Bataan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbago ang buhay ni Jayson.

“Hanggang nabili ko na yung lupa sa tiyahin ko sa kabila. Hanggang yung bahay namin dati, barong-barong lang sa Mariveles, napagawa ko na. Nakabili ng sasakyan. Napagtapos ko sa pag-aaral yung mga anak ko.”

Nakakatulong din daw siya sa kanyang ina at mga kapatid sa kanilang mga pangangailangan.

ASSISTANCE VIA DTI

Binanggit ni Jayson na bilang negosyante, malaking tulong ang assistance sa kanya ng Department of Trade and Industry (DTI).

Nakalahok siya sa mga trade fairs at tatlong beses hinirang bilang top seller sa DTI Bataan fair.

Bukod sa kanyang physical store, malaking tulong kay Jayson ang online selling at online shopping platforms.

Isa rin si Jayson sa mentees ng Kapatid Mentor ME Program o KMME, isang 10-module mentorship program for small and medium enterprises (SME) developed by DTI and in partnership with Go Negosyo.

Dahil sa DTI, lumawak ang kaalaman ni Jayson sa pagpapatakbo at pagse-secure ng kanyang negosyo, tulad ng online marketing, labeling, at intellectual property concerns. Naibebenta na niya ang kanyang mga produkto nationwide.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BUSINESS LESSONS

May mga payong ibinigay si Jayson sa mga negosyanteng tulad niya o planong magnegosyo.

“Basta pinasok mo ang isang negosyo, hindi ka puwedeng negative,” sabi niya. “Ang [ipinapasok] sa isip ko, ‘Kaya ko ito.’

“Si Lord ang lagi kong gabay,” dagdag niya pa.

“Gusto ko po yung ginagawa ko, masaya po ako sa ginagawa ko.

“Nai-improve ko tiwala ng tao. Maibibigay ko yung best ko sa kanila para bumalik sila, kaya binabalik-balikan.”

Malaking bagay raw na inaral niya ang operasyon, tulad ng pag-e-export, nang maging trabahador siya sa isang factory.

Hindi rin siya tumitigil para matuto. Kaya madalas siyang lumahok sa mga DTI seminars.

“High school graduate lang ako. Ang kaalaman ko bilang isang negosyante is maikli lang.

“Nung nakapag-aral po ako noon sa KMME, lumawak po kung papano mag-market; papano mag-manage ng production; papano ang legality ng produkto mo.”

Binigyang-diin din ni Jayson ang maayos na trato sa mga tauhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Giit niya, kasunod ng tiwala sa Panginoon, wala raw imposible kapag ginusto natin ang isang bagay.

Basta wala raw inaapakang tao at lumalaban dapat nang patas.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jayson Patdo is the owner of a business that makes 100% Filipino-made bags. How did this former farmer succeed in putting up his own business? Here's his life story.
PHOTO/S: DTI Philippines via YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results