Maituturing na ngang isang world celebrity ang Pambansang Kamao ng Pilipinas na si Manny "Pacman" Pacquiao nang makunan ito ng paparazzi para sa website na TMZ.com last April 16. Ipinalabas din ang naturang video sa show mismo ng TMZ.
Inabangan ng TMZ si Pacman pagkatapos ng kanyang training sa Five Cards Gym sa Los Angeles, California. Pagbaba ni Pacman, kasama ang ilang bodyguards, sinalubong siya ng mga fans, both Filipino-Americans and Americans, at nagpapirma sila ng autograph sa Pinoy boxer sa kanilang t-shirts, boxing gloves, at baseball cap. Yung iba ay nagpa-picture pa sa kanya.
Ang nakakatuwa ay pinagbigyan silang lahat ni Manny kahit mukha na siyang pagod mula sa training. Pero imbes na ipakita na napapagod siya ay magiliw niyang pinagbigyan ang mga taong naghintay sa kanyang lumabas.
Ikinatuwa ng TMZ paparazzi ang eksenang ipinabitbit kay Pacman ang isang baby girl at kinuhanan sila ng litrato.
Tinanong din ng TMZ paparazzi si Pacman kung ano ang prediction niya sa magiging laban nila ni Ricky Hatton sa May 2 sa Las Vegas. Hindi ito nasagot ni Manny. Baka hindi narinig ni Manny ang tanong sa kanya dahil sa dami ng taong gusto magpapirma at magpakuha ng litrato na kasama siya.
Ang TMZ.com ay isang celebrity gossip and news website na produced ng AOL (America On Line) and Telepictures Productions, a division of Warner Bros. Ang managing editor nito ay si Harvey Levin, isang law graduate turned journalist.
Isa itong independent celebrity news site and regarded as a tabloid journal. TMZ stands for Thirty Mile Zone, a term that originated in the 1960s. Ito ang term na ginagamit nila for various location shoots in Los Angeles.
