PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Toni Gonzaga says what matters most in relationships are love and trust, not the years

Toni and sister Alex have stopped borrowing each other's clothes.
by Alex Datu
Published Apr 19, 2009
"Although, tama na ang two years naming mag-on para makilala namin ang bawat isa. Pero hindi naman nakukuha 'yon ng taon. Nakukuha 'yon sa samahan ninyo, sa pagmamahal sa isa't isa, sa tiwala. So, hindi nasusukat ng panahon yun. Nasa gravity ng pagmamahal ninyo sa isa't isa," says Toni Gonzaga about her relationship with boyfriend Paul Soriano.

Overwhelmed si Toni Gonzaga nang malamang isa siya sa nominees for Movie Best Comedy Actress sa Golden Screen Awards para sa performance niya sa My Only U ng Star Cinema. Aniya sa PEP (Philippine Entertainment Portal), natutuwa siya dahil kinikilala na ang kanyang abilidad sa pag-arte, kaya flattered siya.

Pagdating sa drama ay talagang magaling si Toni. Pero dahil nominated siya para sa comedy role, mas bibigyan na ba niya ng prayoridad ang pagiging komedyante?

"Siyempre, pinagbubuti ko lang yung trabaho at kapag napansin tayo ng konti, di hayan, thankful. Pero kung hindi naman, okey pa rin dahil kahit papaano may trabaho. Yun lang naman ang importante. Saka mahal ko yung trabaho ko at saka yung ginagawa ko," sabi ni Toni sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

ALEX GONZAGA. Sumisikat na rin ngayon ang nakababatang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga. Sa katunayan, mayroon na itong daily showbiz talk show sa TV5, ang Juicy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mayroon na rin sariling hukbo ng tagahanga si Alex na naniniwalang in due time, maabutan nito ang kasikatan ng kanyang Ate Toni. Ano kaya ang masasabi ni Toni na unti-unting nawawala na ang pagiging anino siya ng bunsong kapatid?

"Siyempre, maganda," sambit ni Toni. "'Yan kasi, kahit papaano ay nakakawala na siya sa aking anino at nagkakaroon na rin siya ng sariling identity at hindi dahil kapatid ko siya. So, masaya ako para sa kanya."

Nabanggit din ni Toni sa PEP na hindi sila tulad noon na naghihiraman ng damit.

"Medyo hindi na, e, kasi napapansin na at sinabi na niya [Alex] na naghihiraman kami, so halata na. So, tinigilan na namin. Pero kung hindi nabuking 'yon, ay, tuloy-tuloy pa rin yun! E, since sinabi na naghihiraman kami, so, itinigil na namin."

MARRIAGE PLAN. Sa isang hiwalay na panayam kay Judy Ann Santos, kinumpirma nito ang kanilang kasal ni Ryan Agoncillo na mangyayari sa taong ito. Kaya tiyak mauunahan ng dalawa si Toni at ang boyfriend nitong si Paul Soriano, na wala pa yatang planong magpakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Oo naman, ano!" bulalas ni Toni. "Dapat lang dahil, siyempre, mas matagal naman sila. Okey lang yun, hindi ako magmamadali. Although, tama na ang two years naming mag-on para makilala namin ang bawat isa. Pero hindi naman nakukuha 'yon ng taon. Nakukuha 'yon sa samahan ninyo, sa pagmamahal sa isa't isa, sa tiwala. So, hindi nasusukat ng panahon yun. Nasa gravity ng pagmamahal ninyo sa isa't isa."

Sa May 3 ay silang dalawa ni Alex ang pinaka-hermana mayor sa gagawing Sunduan sa Taytay, Rizal. Ito ay nasa pamumuno ng fashion designer na si Gener Gozum.

Tuwing ika-tatlong taon ito ginagawa at sa taong ito ay inako ng magkapatid ang pagiging punong-abala ng sinasabing makulay ng pagdiriwang.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Although, tama na ang two years naming mag-on para makilala namin ang bawat isa. Pero hindi naman nakukuha 'yon ng taon. Nakukuha 'yon sa samahan ninyo, sa pagmamahal sa isa't isa, sa tiwala. So, hindi nasusukat ng panahon yun. Nasa gravity ng pagmamahal ninyo sa isa't isa," says Toni Gonzaga about her relationship with boyfriend Paul Soriano.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results