PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Patrick Garcia still longs to see and embrace his son

But the actor says he has no feelings anymore for the mother of his child.
by Kate Borbon
Published Apr 21, 2009
"Magrespetuhan na lamang kami para sa aming anak, at handa naman ako sa aking obligasyon sa aking anak," says Patrick Garcia about ex-girlfriend Jennylyn Mercado.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Patrick Garcia noong April 16. Looking fresh and happy ang young actor pagkatapos niyang mawala muna sa limelight.

Ilang buwan din nawala sa sirkulasyon ang aktor. Ayon sa kanya, he devoted his time sa kanyang kinuhang crash course sa U.S. for almost three months. Pagdating niya ay nag-enrol din siya sa College of St. Benilde at kumuha siya ng Photography, a one-year course.

PATRICK'S SON. Kahit baby pa lang ay masyadong nang naging kontrobersyal ang baby ni Patrick at ng dati niyang girlfriend na si Jennylyn Mercado.

Puwedeng sabihing kakambal na ng baby ang kontrobersiya mula pa lang sa conception nito. Matatandaang nauwi sa masaklap na hiwalayan ang relasyon nila bago pa man maipanganak ang kanilang baby.

Nilinaw ng aktor ang matagal nang nababalitang gusto niya diumanong ipa-DNA ang bata para makasigurado siya nga ang ama nito.

"Kailangan pa ba yun? E, wala naman akong pagdududa na anak ko ang bata. One-hunderd percent naman akong siguradong ako ang ama ng bata. Hindi naman namin idini-deny na anak namin si Baby Jazz at inamin namin ito sa buong mundo, di ba? Pagkatapos, all of a sudden ay ide-deny ko? Hindi naman tama yun, di ba? Nahihiya nga ako kay Senator Bong dahil pati ang pangalan niya ay na-drag sa isyung ito," pahayag ni Patrick sa PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ni Patrick ang kanyang anak kay Jennylyn. Kung nakita man niya ang bata ay sa pamamagitan lamang daw ng mga lalarawan.

Inamin niya na wala pang nakapagpadala sa kanya ng picture ng kanyang anak sa pamamagitan ng email o sa cell phone man lang, kaya hanggang ngayon ay hindi niya alam kung sino ang kahawig ng bata. Although, may nagsasabing kamukha niya ang anak, pero may nakakarating naman sa kanya na kahawig ito ni Jennylyn.

Sinabi rin ni Patrick na hindi nawawala sa kanya ang pananabik bilang isang ama, na isang araw ay mayakap at makalong ang kanyang anak. Kaya tiniyak nito na bibili siya ng coffeetable book ni Jennylyn para makita ang kanyang anak.

Inamin din ng aktor na ngayon ay wala na siyang natitirang pagmamahal sa ina ng kanyang anak. Pero inaasam nito na maging magkaibigan na lamang sila para sa kapakanan ng kanilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Magrespetuhan na lamang kami para sa aming anak, at handa naman ako sa aking obligasyon sa aking anak," sabi ni Patrick.

GLAIZA DE CASTRO. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na niligawan noon ni Patrick ang young actress na si Glaiza de Castro. Pinapadalhan pa nga niya ng bulaklak ang dalaga, pero bigla na lang nanlamig ang binata at wala nang nabalitaan sa kanyang panunuyo dito.

"We are good friends. She's a good friend," sabi ni Patrick. "Well, I say nanliligaw ako. Pero yung nga, napag-isip-isip ko na parang hindi pa tama para sa akin ang manligaw with somebody else kasi sa mga problema ko. Dapat ayusin ko muna ito bago ako magiging handa sa isa pang relasyon, ayaw kong madadamay ang aking makakarelasyon sa aking problema."

Magkasama ngayon sina Patrick at Glaiza sa bagong episode ng Dear Friend na "Igorota."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Magrespetuhan na lamang kami para sa aming anak, at handa naman ako sa aking obligasyon sa aking anak," says Patrick Garcia about ex-girlfriend Jennylyn Mercado.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results