Karylle finds other ways to spread her love

IMAGE 0


Singer-actress Karylle plays Helen in the upcoming ABS-CBN weekly series Nasaan Ka Maruja

.


Kasama ang singer-actress na si Karylle sa Komiks Presents Mars Ravelo's Nasaan Ka Maruja?, na pinagbibidahan ni Kristine Hermosa. Gumaganap si Karylle dito bilang si Helen, ang half-sister at best friend ni Maruja, pero magiging karibal siya sa puso ni Ross, na ginagampanan naman ni Derek Ramsay.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Karylle sa presscon ng Maruja kahapon, April 21, sa ELJ Building ng ABS-CBN ay inamin niyang na-starstruck siya kay Kristine nang una niya itong makita sa taping ng kanilang show.

"When I fist saw Kristine, sobra akong na-starstruck sa kanya. Palagi ko siyang tinititigan. Sabi ko, 'Sorry, ha, ang ganda mo kasi! Parang naninibago ako kasi I haven't really worked with her before. And then, nung tumagal na, parang alam mo yun, we warmed up to each other, tapos we share the same room. Tapos, parang naging madali na to play best friends. She's very very nice and all that," kuwento ni Karylle.

Bukod kay Kristine ay first time ding nakatrabaho ni Karylle si Derek. Ano naman ang masasabi niya kay Derek?

"Si Derek naman, palagi na lang siyang maraming adventure sa buhay niya dahil kung anu-anong sports ang ginagawa niya. May bagong sugat, may bagong injury. He lives a very interesting life. Kung hindi siya nagwi-whale, shark watching, may championship siya... I don't think I've ever met somebody so interesting and so active. So, parang napapaisip ako na dapat yata may mas dapat pa akong gawin sa buhay."

Masasabi ba ni Karylle na challenging ang role niya sa Maruja dahil totally opposite ito sa personality niya?

"Yung pagiging outgoing saka medyo kikay, minsan ganoon ako, pero para sa mga taong ka-close ko. Pero alam mo yun, more and more, I get comfortable showing that side of me on cam.

"Actually, kahit ano naman, e. Kasi, siyempre, sa paglipat ko dito [ABS-CBN], medyo hindi na nila iniisip kung ano yung dati. So, of course, they are looking for something new. So nalalabas ko yung side ko na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FROM KAPUSO TO KAPAMILYA. Nagsimula si Karylle sa GMA-7 bago siya napunta at nagtrabaho sa ABS-CBN. Paano niya ikukumpara ang environment sa Kapamilya network sa Kapuso network?

"Well, for me kasi, I really wouldn't wanna compare. But I'm just, you know, looking at all the good things that are happening. Like Tita Gloria [Romero] when she celebrated her anniversary in ASAP, she mentioned to me, 'I hope we can work together.' And then the next day I found out about Maruja. So I mean, little things like that have been happening ever since I moved here. Everyone has been so welcoming, ganyan.

"Taping of Maruja is very light. Ang taping namin is always in Pampanga. So we have always eating scenes, a lot of bonding scenes. Aside from everyone being supportive and friendly, I think it's just nice to be in an environment where you feel like, you know, we're really striving for excellence. Pero no comparison," sabi niya.

WHAT INSPIRES KARYLLE. Maraming nakapansin sa presscon ng Maruja ang pagiging blooming ni Karylle. Tinanong siya ng PEP kung ang dahilan ba ng maganda niyang aura ay dahil inspired siya. May bago na ba siyang inspirasyon?

"Paano ko ba sasagutin?" pauna niya. "Siguro like nung Holy Week, naging maganda yung Holy Week namin. I had really nice rest. Everything that's been happening, parang gave back. I did medyo religious concert. That was a healing concert, very successful. So I feel like so much has been given to me, it's time for me to give back.

"And then on Friday nga, we even had like another thing naman, fundraising concert with my batchmates in Poveda. So, that's in Eastwood. And I'm just so happy because alam mo yun, kahit yung wala kang lovelife, yung love mo nabibigay mo, kunwari, it's for kids.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So like by today we raised mga 220,000 [pesos]. I'm just happy about that. I'm just looking for other ways to, you know, spread the love. Kasi parang ano, yung feeling mo, ang dami mong love, pero wala ka namang boy..."

Kung noong may boyfriend siya, nagagawa kaya niya ang mga ganitong ginagawa niya ngayon?

"Ginagawa ko naman before, but not on this scale. Parang it's now a bigger scale na. Saka talagang ibubuhos mo naman lahat since wala ka namang [lovelife]," saad ni Karylle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN