PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diether Ocampo says past with ex-wife Kristine Hermosa is done, period

Diether says being with girlfriend Rema Ostwani "is the happiest moment of my life."
by Rose Garcia
Published Apr 22, 2009
"I just don't wanna say it in such a way na baka may element of offense, but I never meant anything like that. Parang part of my past already and it's done. May period na," says Diether Ocampo when asked if ex-wife Kristine Hermosa is now just part of his past.

Hindi ikinakaila ni Diether Ocampo ang natuklasan niyang paghanga sa leading lady niya sa bagong primetime series ng ABS-CBN, Only You, na si Angel Locsin habang nagte-taping sila sa Korea.

Mag-best friend ang role na parehong nag-aaral maging chef ang roles nina Diether bilang si Jonathan at si Angel naman bilang si Jillian. Pero nandiyan din si Sam Milby na siya namang gumaganap bilang TJ, para makumpleto ang love triangle sa naturang Pinoy adapatation ng Koreanovela.

Ayon kay Diether, marami raw katangian si Angel na nakikita niyang magkapareho sila. Kaya tuloy naitanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa aktor sa press conference ng Only You kagabi, April 21, kung posible kayang magustuhan niya si Angel kung sakaling wala pa sa buhay ng aktres si Luis Manzano at wala naman siyang Rema Otswani.

"Well, with the kind of growing up, kung paano kami lumaking dalawa... Parehong laki sa hirap, sanay sa trabaho, talagang itinataguyod ang pamilya, parehong mapagmahal sa magulang... Alam mo yung marami tayong similarities," saad ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

So, puwede pala niyang ligawan si Angel kung nagkataon na mas nauna nilang nakilala ang isa't isa?

"Pero sabi ko nga sa kanya, 'It takes someone like Luis and Rema para mabalanse tayong pareho. Kasi, parehong grabe ang pinagdaanan natin sa buhay. Pero kung pareho tayong showbiz...' Kasi pareho rin kami ng tinatahak na landas, achiever kami. Mas gusto namin, maraming maabot na pangarap. At the same time, maraming taong matulungan na nadadaanan namin sa journey namin sa buhay."

Napag-usapan ba nila ni Angel na yung mga dating karelasyon nila na sina Kristine Hermosa at Oyo Sotto ang siya namang nagkakamabutihan ngayon?

"I really don't... Well, hindi ko na masyadong iniisip yung mga ganyan, e," sabi ni Diether.

Hindi nila napag-usapan?

"No, kami ni Angel, we have very high respect with each other. Wala, we're very professional. At pagdating sa pagkakaibigan namin, yung parte ng past namin sa buhay, hindi na namin kinakalkal yun. Kumbaga, ang palagi naming binibigyan ng importansiya, yung ngayon at mga future na gagawin namin bilang magkaibigan at magkatrabaho," saad ni Diether.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KRISTINE'S ADVICE. Sa naturang press conference pa rin ng Only You, na magsisimula nang mapanood sa April 27, nakuhanan din si Diether ng reaction tungkol sa naging pahayag ng dating asawa na si Kristine Hermosa. Ayon kay Kristine, sana raw kung magpa-plano si Diet na magpakasal muli ay pag-isipan muna nitong mabuti. (Click here to read related article.)

"I don't wanna even comment on that," sabi niya. "Because as far as I'm concerned, whatever happened between us, it's part of my past already. And what's important for me now is my present and my future with Rema."

Masasabi ba niyang si Rema na ang huling babae sa buhay niya?

"You know what, it's hard to say. But I could say that this is the happiest moment of my life."

May plano na nga ba silang pakasal?

"It's part of the plan, but it's not yet anytime soon. Because, you know, Rema is still very young, she's only 23. We still, you know, kinikilala pa rin namin ang isa't isa. We're happy because we have a very good relationship. Maganda yung start naming dalawa."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa palagay niya, bakit kaya nasabi ni Kristine na pag-isipan niya munang mabuti ang pagpapakasal?

"I don't know... Like ako, I will just be happy. I'm happy for her."

Mahal pa kaya siya ni Kristine?

"You should ask her that," sagot ni Diether.

Paano kung mahal pa pala siya ni Kristine?

"Hindi, e...tapos na yun, e. That's part of my past and I'm not going back to that anymore," may diin nitong sabi.

So, naka-move on na siyang talaga?

"Well, it's very clear I've moved on," sambit ng aktor.

Nang ma-annul ba ang kasal nila ni Kristine ay naka-move on na siya at may closure na talaga ang relasyon nila?

"No, naging maayos naman ang lahat ng proseso ko. Kung titingnan n'yo, transparent naman ako sa inyo. Noong malaman n'yo na wala na talaga kami ni Kristine, I've been very vocal, sinabi ko naman sa inyo. Kaya malinis, wala talagang taong nasaktan. At noong makita ko na ang bago kong... It's a new chapter of my life," saad ni Diether.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero dumating ba siya sa point na umasa siyang maaayos pa ang lahat sa kanila ni Kristine?

"Well, that was before!" natatawa niyang sabi. "That was the time na hindi ko pa nami-meet si Rema. If there's only one person who still put so much sense in my head, it is Rema. It's like a dark age of my life, e. Parang si Rema yung nagbigay ng light."

THEN CAME REMA. Ano nga ba ang meron si Rema kaya ganoon na lang kataas ang pagtingin niya rito?


"Sobrang bait, very understanding. For someone like a private individual, naiintindihan niya yung trabaho namin at hindi niya ako ipinagdadamot sa mga tao, tulad sa mga kaibigan ko sa media," ani Diether.

So, si Kristine ay isa na lang talagang bahagi ng kanyang nakaraan?

"I just don't wanna say it in such a way na baka may element of offense, but I never meant anything like that. Parang part of my past already and it's done. May period na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

But still, ayon kay Diether, very professional naman daw siya. Pagdating sa trabaho ay wala naman daw siyang magiging problema kung sakali at magkasama pa rin sila ni Kristine sa isang project.

ABORTED TRANSFER. Pinag-usapan din noon ang supposedly paglipat sana ng network ni Diether. Matatandaang naugnay ang pangalan ni Diether sa hindi pa nagsisimula noong All About Eve ng GMA-7. Ano nga ba ang naging dahilan at nagdesisyon siyang manatili sa ABS-CBN?

"Well, siyempre, parang I have all the reasons to stay," matipid niyang sagot.

Para kay Diether, sa nakikita at nagawa niya sa Only You, masaya siya na isa pa rin siyang Kapamilya.

"Alam n'yo ako, palagi ko na lang sinasabi sa sarili ko na yung mga bagay-bagay, nangyayari for a reason. At this point, nagpapasalamat na lang din ako sa Diyos na ginuide niya ko. Everything just fell into place. I made the right decision and hindi ako magdadalawang-isip at sabihin sa inyo na ito ang ipinagmamalaki kong proyekto. Sa lahat ng mga projects na ginawa ko, for this year, 'eto talaga. I'm so proud of this project kasi napakaganda talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagulat din ba siya noong maglabasan ang mga balitang paglipat niya sana sa Kapuso network?

"No, kasi it's normal, e. There are stages sa career namin na dumadaan ka sa pagsubok. Pero lahat naman yun, malalagpasan mo, e. I'm happy because I'm able to pass it."

Nilinaw rin ni Diether na walang kinalaman si Sunshine Dizon sa naging desisyon niya na huwag lumipat. Ayon kay Diet, walang-wala raw siyang sinasabing ganoon at wala siya sa posisyon para tumanggi man lang.

Ayon kay Diether, ginawa na niya ang lahat ng dapat gawin sa supposedly paglipat sana niya na hindi natuloy.

"I suppose hindi ko na kailangang i-elaborate. Naging maayos naman lahat and everything was settled amicably."

Sa palagay niya, in the future na magkaroon siya ng pagkakataon na mag-work sa GMA-7, magiging welcome pa rin kaya siya?

"Sa tingin ko naman," sagot ni Diether. What's important is naayos din lahat. At sabi ko nga, lahat naman ng bagay nangyayari na may dahilan. At ako, hindi ako negative sa mga ganyan. Kumbaga, kailangan mo lang din intindihin kung bakit nangyayari 'to. Ginawa ko naman lahat ng tama and, I guess, hindi naman ako nagkulang sa part na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I just don't wanna say it in such a way na baka may element of offense, but I never meant anything like that. Parang part of my past already and it's done. May period na," says Diether Ocampo when asked if ex-wife Kristine Hermosa is now just part of his past.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results