John Estrada does his best to provide for his kids with Janice de Belen

IMAGE 0


"Alam ni Janice 'yan, na hindi talaga ako perfect dad para sa mga anak namin. But, I'm still trying to be one, at makapag-provide nang maayos. Kaya nga sobrang kayod ang ginagawa ko. Lahat naman ng ito, para sa mga anak ko," says John Estrada.


Natutuwa si John Estrada dahil narating niya ang stage na kinikilala na siya bilang dekalibreng aktor. Nakatatanggap na siya ng acting nominations, gaya sa performance niya para sa pelikulang Caregiver. May dalang prestige ang pangalan ni John sa Nasaan Ka, Maruja?, ang bagong teleserye ng ABS-CBN na nagtatampok kay Kristine Hermosa sa title role.

"Pinagbubutihan ko lang talaga ang trabaho," sabi ni John sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Alam ko, noong nagsisimula pa lang ako, marami ang nangmemenos sa akin. Kasi, marami pa akong dapat matutunan.

"Hanggang ngayon, ganoon pa rin ang attitude ko. Hindi ko pinapasok sa isip ko na dahil nano-notice na yung magandang trabaho ko, magyayabang na ako. Dapat laging humble."

Malaking bagay yung sinuportahan siya ni Sharon Cuneta sa mga eksena nila sa Caregiver, pati na ang pagga-guide sa kanya ng premyado ring direktor na si Chito Roño. Kung mananatiling nakatutok si John sa ganitong career path, hindi na nga siya mawawala pa.

"I also owe it a lot sa ABS-CBN. Hindi ako nawawalan ng trabaho. Kasi, naging loyal din naman ako. I mean, walang dahilan para umalis ako sa network dahil mula pa noon, supportive sila sa akin.

"Hindi ko isinasara ang possibility na makapagtrabaho rin ako sa GMA-7, hindi natin masasabi. Mayroon nga akong assignments sa TV5. Pero sa ngayon, nasa top priority ko ang mga ibinibigay na trabaho ng ABS. Ibinabalik ko lang ang pagtitiwalang ibinibigay nila sa akin."

LOVER AND FATHER. Maski sa kanyang lovelife, kuntento si John. Ang girlfriend niya ay ang beauty queen na si Priscilla Meirelles, ang Brazilian na nanalong Miss Earth. Sabi naman daw, kapag nababaliw sa babae si John, may tendency na makalimutan niya ang mga responsibilidad niya sa kanilang mga anak ni Janice de Belen.

"Nai-in love ako, pero hindi naman nababaliw," nangingiting sabi ni John. "Tungkol sa mga anak namin ni Janice, lagi kaming nag-uusap basta tungkol sa mga bata. Puwede kong masabi na dahil na rin sa medyo stable ang relationship namin ni Priscilla, pati yung iba kong mga responsibilidad, nahaharap ko naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ni Janice 'yan, na hindi talaga ako perfect dad para sa mga anak namin. But, I'm still trying to be one, at makapag-provide nang maayos. Kaya nga sobrang kayod ang ginagawa ko. Lahat naman ng ito, para sa mga anak ko.

"Yeah, they [his children] get along well with Priscilla. Na-meet na ni Priscilla ang mga anak ko, at okey sa kanya ang mga ito. Maganda ang pagpapalaki ni Janice sa mga anak namin kaya wala akong problema pagdating dito. Medyo nalilito siguro yung ibang anak ko sa set-up. Pero sa katagalan, with our guidance, makikita nilang mas okey pala na ganito ang set-up namin ng mommy nila—magkahiwalay, pero mas maayos."

Ayaw na rin ni John na masira pa yung naging kasunduan nila ni Janice tungkol sa mga bata. Hindi na nagbigay pa ng mga detalye si John tungkol sa pagbibigay ng sustento.

"Yun na lang kasi ang mas importante dahil kanya-kanya na rin kaming buhay. Basta para sa mga bata, ginagawa ko ang lahat para mapag-aral sila, magkatulong kami ni Janice para suportahan sila sa mga pangangailangan nila."

Dagdag niya, "Masaya ako kay Priscilla. Nag-a-apply nga siya for permanent residency sa Pilipinas. Napagkasunduan naming ganoon, para mas maging madali sa aming dalawa. Besides, gusto na rin niyang gawing base ang Pilipinas para sa kanyang modeling career.

"Hindi naging madali kay Priscilla ang desisyon na yun dahil ay mapapalayo siya sa family niya sa Brazil. Pero nakausap ko rin ang parents niya at tiwala naman sila sa akin na hindi ko pababayaan ang anak nila. Independent silang mag-isip kaya madali rin nilang maintindihan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN