Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ang customers ng restaurants, fast-food chains, at coffee shops ay nag-uuwi ng extra mula sa condiments station.
Ang trend na ito ay tinatawag na "pocket-packing," at ramdam na ramdam ito ng mga establishments.

Ang customers na mahilig sa pocket-packing ay sadyang humihingi o kumukuha ng sobrang items gaya ng plastic utensils, straws, napkins at condiments kabilang ang sugar, creamer, at ketchup packets ay nasa sachet.
Nakakatipid nga naman kahit paano pag naiuwi sa bahay.
Pero tama ba ito?
Read: Why lettuce should be included in daily diet
CUSTOMERS HAVE VARIED REASONS FOR POCKET-PACKING
Sa artikulong nalathala sa news website na Fox News last September 19, 2025, ibinahagi ng may-ari ng isang donut shop sa Massachusetts, USA, na si Victor Carvalho na araw-araw niyang nakikitang may mga customers na kumukuha ng maraming piraso ng mga items.
Ang ikinadidismaya ni Victor, halata aniya sa ayos ng mga customers na hindi sila naghihirap para samantalahin ang pocket-packing ng condiments.
Sinabi rin niyang bagamana't walang polisiya na nagtatakda kung ilang items ang maaaring kunin ng customers, ang may-ari pa rin ang magbabayad ng mga iyon—na dagdag sa gastos ng negosyo.
Kuwento pa niya, minsan ay may nakita siyang ale na naglagay ng sugar packets sa coin purse nito.
Nang tanungin niya kung bakit, ang naging sagot: "For emergencies."
Isang customer naman na hindi nagpakilala na nakapanayam ng news website ang nagsabing kumukuha siya ng extra napkins para may pampunas siya sa sasakyan at para hindi na siya bibili pa.
Lagi rin siyang humihingi sa crew ng extra sauces na ginagamit sa mga ulam sa bahay.
Read: Tips: How to cook omelet using a microwave oven
CUSTOMERS SHOULD NOT RESORT TO POCKET-PACKING
Ayon sa California-based etiquette expert na si Rosalinda Randall, hindi iniisip ng mayorya ng nasa restaurants, fast-food chains, and coffee shops business na aabusuhin sila ng kanilang customers.
Paliwanag niya, ang isang business owner ay may tiwala sa mga customer na pinananatili ng mga ito ang “take-what-you-need policy.”
Na kukuha lang ang mga ito ng sugar or creamer halimbawa na sapat lang para sa kanilang inorder na kape.

Paalala ni Rosalinda, bilang customer, dapat isiping hindi lahat ay libre.
Maaari aniyang humingi ng extra condiments, tissues, straws o plastic utensils para maging pleasant ang experience ng customer, pero huwag namang magre-request o kukuha ng sobra para iuwi.
Read: What are the health benefits of eating avocado daily?
WHAT BUSINESSES CAN DO TO AVOID POCKET-PACKING
Si Rosalinda na rin ang nagsabing hindi maiiwasan na may customers na talagang nagte-take advantage.
May nakita umano siyang may dalang personal 16-ounce thermos na pinuno ng coffee creamer.
Isang customer din ang nakakita sa kanyang kumuha ng napakaraming coffee stir sticks.
Nang tanungin niya kung para saan, gagamitin daw ng anak para sa school project.
Para kay Rosalinda, maiiwasan ng restaurants, fast-food at coffee shops ang pocket-packing kung maglalagay ng signs sa lalagyan ng items ng: "Take what you need."
Maaari ring iabot na lang ng crew sa customers ang items at itanong kung ilan ang kailangan.
Tiyak aniyang may hihingi pa rin nang sobra, pero limitado na dahil mahihiya na rin sa crew kung sobrang dami.
Para naman sa mahihilig sa sobra-sobrang pocket-packing, tanong ni Rosalinda, ano kaya ang mararamdaman ng mga ito kung magkaroon ng bisita sa bahay at pag-alis ay dala-dala ang ilang kagamitan?
Read: Are canned sardines good for you? Here’s how much to eat
