Banana Split mainstay Pooh apologizes to radio deejay Mr. Fu

IMAGE 0


Pooh says he is not irritated by the fact that he shares the same monicker with radio deejay Mr. Fu.



Nakausap kamakailan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang komedyanteng si Pooh sa taping ng comedy show na Banana Split. Tinanong ng PEP si Pooh kung totoong naiirita ba siya sa radio personality na si Mr Fu ng Energy FM dahil magkapareho ang pangalan nila bagamat magkaiba ng spelling. Kaya naman nang magkita nga raw sa isang okasyon ang dalawa at ipakilala sila sa isa't isa ay halata raw talaga at ipinakita ni Pooh ang pagkairita niya sa nasabing FM deejay.

"Hanggat maaari ay ayaw ko na sanang pag-usapan pa yan kasi nasagot ko na yan, na-phone patch na ako sa isang radio program at nagpaliwanag na ako tungkol diyan," sabi ni Pooh.

"Actually after nagkarooon ng isyu na sa amin, kinabukasan yata or after two days nakinig ako sa radio program niya. Kasi hindi ko pa siya naririnig, e. Sabi ko 'Ay, ito pala yun!' In fairness magaling siya."

"Nung mag-meet kasi kami, 'Ay, ikaw pala si Mr. Fu?' Ganun agad ang approach ko. Akala siguro ng iba, nanita na ako o may pagka-sarcastic ang dating ko. Or maybe that time iba rin ang boses ko o yung intonation ko, inaamin ko naman yun, e. Siyempre, may pagka-Waray-Waray kaya ganun ang intonation ko.

"Pero kung ganon nga ang dating ko sa iba o kay Mr. Fu, humihingi ako ng paumanhin."

Pero okay lang ba talaga sa kanya na magkapangalan o magkasing-tunog ang pangalan nila ni Mr Fu?

"Okay lang naman sa akin," sagot ng komedyante, na mapapanood tuwing Sabado ng gabi sa Banana Split.

"Pero may mga...yun nga nagtatanong na...minsan nagbabasa ako ng text, 'Paki-play naman yung ano...paki-play naman po yung ganitong kanta.' Nung una, ano lang ako, dedma. Ay, siguro 'wrong sent'.

"Pero nung marami na ang nagti-text, sinasagot ko na. Sabi ko 'Bakit ako magpi-play ng ganoong kanta? Manood na lang kayo ng something, 'Di ba nandito ka, kaya nga nakikinig kami sa 'yo ngayon?' Huh! Saan? 'Sa radio! Nakikinig nga kami sa Energy FM!'

"Sagot ko naman, 'Ay, naku, hindi po ako yun!' So, yun ang sinabi ko kay Mr. Fu nang magkausap kami. 'Uy alam mo ba, may mga nagre-request kasi sa akin ng mga kanta,' Sabi naman niya. 'Alam mo, may nagsi-send ng text sa akin kung saan ang mga gigs ko.'

"So, parehas pala kami ng sitwasyon," kuwento pa ni Pooh.

Samantala, may isa pang isyu tungkol sa standup comedian. Nang minsang magkaroon daw ito ng personal appearance sa isang probinsiya, may isa raw matandang babae na gustong magpakuha sa kanya pero dinedma niya lang daw ito.

Pareho raw silang kumakain that time sa magkaibang table. Nagpasabi raw yung matanda kay Pooh na kung puwede ay pumunta ito sa table niya para magpa-picture. Pero ang sagot daw ni Pooh ay siya na lang ang puntahan sa table niya. Hindi man lang daw inisip ni Pooh na matanda yung nagre-request at hindi man lang daw niya ito pinagbigyan.

"Actually, nakarating na sa akin niyan, e," saad niya. "Kaya lang, kailangang mabasa ko muna. Kasi parang iba, e. Huwag muna yun," iwas ni Pooh sa naturang isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN