PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marian Rivera introduced Dingdong Dantes to her family in Cavite

"Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang" already had its last taping day.
by Rose Garcia
Published Apr 26, 2009
Even though Marian Rivera has already introduced Dingdong Dantes to her family in Cavite, she is not in a rush to divulge information about the true state of her relationship with the actor.


Malapit na ngang maghiwalay sa telebisyon ang tambalan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ngunit sa personal nilang buhay, mukhang mas lumalalim ang kanilang pagkakakilala sa isa't isa.

Nagkaroon ng taped interview sa Startalk ang love-team partners na sina Dingdong at Marian sa magkahiwalay na pagkakataon.

Si Marian ay nakapanayam ng Startalk during the announcement na siya na nga gaganap na bagong Darna.

Nakapag-last taping day na nga ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang at sinasabing itong TV series na ito ang huling tambalan nilang dalawa. Ano nga ba ang masasabi ng dalawa na after three consecutive series ay magkakahiwalay na sila.

Para kay Marian, hindi naman daw niya maitatangging mami-miss niya ang ka-love team.

"Siyempre, ayaw ko namang magpaka-plastic, pero siyempre, sobrang malungkot talaga ko lalo na yung last day namin sa Tadyang...sobrang nalungkot talaga ko. At naging honest ako sa kanya na sabi ko, hindi ko alam kapag hindi na ikaw ang partner ko. Pero isa lang ang sinabi ko, mami-miss ko talaga siya."

Gayundin naman daw sa part ni Dingdong.

"Ako, I would say na palagi akong enjoy na ka-trabaho siya. 'Yun ang isang bagay na mami-miss ko kung sakaling paghiwalayin na kami," sabi ng aktor.

Ayon pa kay Dingdong, sigurado raw na magkikita pa rin sila kahit hindi na sila magkasama sa isang show.

"Hindi naman porke't hindi na kami magsasama sa taping, e, hindi na namin itutuloy yung magandang sinimulan namin. Hopefully, kung hindi na siya busy at hindi rin ako busy, magkaroon kami ng time na magawa yung mga dati naming ginagawa."

Ayon naman kay Marian, "Siguro, hindi lang madalas dahil may trabaho siya at ako rin, may trabaho. Pero siguro, magkakaroon rin ng time na magkikita kaming dalawa."

On the other hand, opisyal na raw na ipinakilala ni Marian si Dingdong sa kanyang lola at iba pang miyembro ng kanyang pamilya sa Cavite.

Kuwento pa ni Dingdong, "Sobrang babait nilang lahat at nakita ko kung sino yung mga taong nagpalaki sa kanila. Nakita ko kung ano yung kultura sa bahay nila at mas lalo kong na-enjoy yung character niya. Nakita ko yung each and every person in that house kung sino si Marian kaya mas lalo ko siyang nakilala."

Sabi naman ni Marian, "Okey naman, bilib din naman ako rito kasi, magaling naman talaga siyang makisama. At saka, alam mo naman sa tao kung totoo o hindi. At saka, totoong tao naman si Dong."

Dugtong pa niya, "Super chikahan naman sila ng lola ko. Ewan ko kung ano ang pinagtsi-chikahan nilang dalawa."

Now that officially ipinakilala na nga niya si Dingdong sa pamilya niya, malapit na rin kayang marinig ang opisyal naman na pag-amin nila sa anumang relasyon meron sila?

"Like I've always said, ayokong pangunahan ang mga bagay. Kung ang tingin ko, tamang panahon na para sa ganyan, e, di, okay. Pero, hindi lang naman ako ang involved dito. Nandoon, kasama rin siya. So, hindi lang ako ang magdedesisyon n'yan," ani Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Marian Rivera, Dingdong Dantes
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Even though Marian Rivera has already introduced Dingdong Dantes to her family in Cavite, she is not in a rush to divulge information about the true state of her relationship with the actor.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results