Dingdong Dantes assures fans he will do another project with Marian Rivera

IMAGE 0


"Malungkot dahil sa lahat ng show na magtatapos, talagang nakakalungkot. Pero ang mas malungkot dun, yung dahilan na hindi muna kami magsasama ni Marian. Dahil yun, e, isang bagay na nakasanayan namin at ng mas maraming tao," says Dingdong Dantes about the end of his soap with perennial screen partner Marian Rivera.


Halos dalawang taon din ang naging pagsasama nina Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang love team. Sa dalawang taon na ito pumasok ang tatlong primetime series nila na nagkasunod-sunod—Marimar, Dyesebel, at Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Nagkaroon din sila ng isang pelikula, One True Love (2008).

But all good things come to an end.

Huling linggo na ngayon ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Pagkatapos nito, ang tinaguriang "phenomenal love team" ay gagawa na muna ng kani-kanilang projects at wala pang kasiguraduhan kung kailan sila ulit mapapanood na magkasama sa isang proyekto.

Dahil hindi na sila ang magkasama sa susunod nilang projects—si Marian ay gaganap na Darna sa pagbabalik nito sa telebisyon, samantalang wala pang balita kung ano ang gagawin ni Dingdong—emosyunal pareho sina Dingdong at Marian sa pagtatapos ng kanilang soap opera.

Hindi naman ito itinanggi ni Dingdong nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng farewell party ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang sa SOP kahapon, April 26.

Aniya, "It was a great experience! Kakaibang kaganapan. Hindi lang sa akin bilang artista kundi higit sa pagkatao ko. Very memorable talaga ang show na ito sa akin. Unang-una, yung role ko rito ay talagang kakaiba. Yung gustung-gusto kong gawin na may pagka-action nang kaunti, e, nagagawa ko kahit papaano dito.

"At bukod dun, personally ay napamahal sa akin lahat ng kasama namin sa cast. Much more than that, yung samahan namin ni Marian, e, ito na yung parang significant ending namin. Ang daming reason para ito ay hindi makalimutan sa matagal na panahon."

Malungkot ba siya na magtatapos na ang soap nila ni Marian?

"Mixed, e," sagot ni Dingdong. "Oo, malungkot dahil sa lahat ng show na magtatapos, talagang nakakalungkot. Pero ang mas malungkot dun, yung dahilan na hindi muna kami magsasama ni Marian. Dahil yun, e, isang bagay na nakasanayan namin at ng mas maraming tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO REGRETS. Kahit hindi kasing-taas ang rating na naabot ng Hinugot Sa Aking Tadyang kumpara sa dalawang nauna nilang primetime series—Marimar at Dyesebel—wala bang panghihinayang na ginawa nila ang show?

"Wala," mabilis na sagot ni Dingdong. "Kami, in everything we do, we always give our best. Regardless, as long as we believe in the project. As long as naibibigay namin yung lahat ng kakayahan namin, masaya kami, kuntento kami dun."

Hindi kaya sa material mismo ng Hinugot Sa Aking Tadyang, na medyo pang-mature audience, kaya hindi ito naging kasing lakas ng nauna nilang shows?

"Naniniwala ako na meron kaming loyal viewers," sabi ni Dingdong. "Naniniwala ako na may mga taong sumubaybay at sa kanila ako naniniwala dahil tinangkilik nila yun."

Kung nagkataon kayang mataas din ang rating ng kanilang huling soap, posible kayang sila pa rin ni Marian ang magkatambal sa susunod nilang project?

"Tingin ko, hindi na rin," sagot niya. "Sa tingin ko, ha, kasi marami pa rin namang project. Like si Marian, talagang nakalinya na yung Darna. At tamang-tama na para sa kanya. So, kung nagkataon man, baka hindi siya magiging ganoon. So, everything happens for a reason."

How does he feel na si Marian ang napiling gumanap bilang Darna?

"No one else can do it but her, para sa akin," tahasang pahayag ni Dingdong.


AN EMOTIONAL FAREWELL. Sa farewell party ng Hinugot Sa Aking Tadyang sa SOP kahapon, naging emosyunal pareho sina Dingdong at Marian to the extent na nagkaiyakan sila at nagsabihan na "mahal" nila ang isa't isa. Ayon sa maraming nakapanood, tila pag-amin na rin nila ito on national TV sa totoong estado ng kanilang relasyon.

"Hindi..." tanggi naman ni Dingdong. "Ano lang kami, alam mo, sobrang daming dapat sabihin pa. Sobrang daming kailangan na daming iparating sa mga manonood. Pero the stage... Yung nangyari kanina wasn't enough para sabihin ang lahat...good experiences namin together, kaya siguro naging emosyunal. Pero yun, e, ganoon talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, no words, not a segment can describe kung gaano kaganda yung nangyari dito sa love team namin na ito. Hindi lang sa aming dalawa. Hindi lang sa mga personal namin, as a team, kundi yung mga tao, yung mga buhay na napasok namin, at mga taong nagkakilala, nag-unite dahil sa samahan namin," saad ng aktor.

Tinanong din ng PEP si Dingdong kung sa paghihiwalay nila ni Marian, posible bang may mabago kung ano silang dalawa ngayon?

"Definitely, yes, oo naman," sagot niya. "Kasi, sanay kami na magkasama kami. Hindi naman araw-araw, pero sa taping, halos three times a week. May mababago talaga. Pero, siyempre, maganda naman ang bonding namin at investment namin sa bonding namin kaya magkasama man o hindi, alam mo na yung samahan namin, nandoon pa rin yun."

Kapag magkasama sila, napag-uusapan ba nila ni Marian yung thought na hindi na sila ang magkasama?

"Actually, hindi namin pinag-uusapan... Siguro baka bukas or something. Kasi, parang ngayon lang namin na-realize na ito na ang huli. Pero hindi namin napag-uusapan," sabi niya.

Isang simple at maikling "wala" ang sagot ni Dingdong nang tanungin namin siya kung may message ba siya sa susunod na leading man ni Marian, at saka ito napangiti.

MESSAGE TO FANS. Hiningan din ng PEP ng mensahe si Dingdong tungkol sa mga fans nila ni Marian, lalo na ang DongYanatics, na patuloy na nagpapadala ng e-mail at petition sa GMA-7 na huwag silang paghiwalayin.

Yung ilan ay nagbibigay pa ng testimony na kaya lang daw sila nagpakabit ng GMA Pinoy TV sa abroad ay dahil sa love team ng dalawa, na nagsimula nga sa Marimar. Yung iba naman ay nagsasabing they cannot wait for next year na mapanood silang magkapareha. Yung iba naman ay nagsasabing hindi makukumpleto ang primetime viewing nila na hindi silang dalawa ang mapapanood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong masasabi niya sa sentiments na ito ng mga fans nila?

"Kung ano yung sentiments nila, e, nandoon ako. I'm with them. Kakampi nila ako dun, because kami yun, e. Nakilala nila kami dahil ipinakita namin ang puso namin sa kanila. Kaya nga, actually, yun din ang nakakalungkot kasi alam naming wala na silang mapapanood. Pero ako, I'm confident naman that there's something to look forward to. Maaaring later on, pero something good in store pa rin."

Maaaring hindi man ngayon, pero maaasahan ba ng fans nila ni Marian na mapapanood pa rin sila together?

"For sure," may diin niyang sabi.

Matutuloy ba ang pelikula nila sa GMA Films na romantic comedy ang tema?

"Ay, I don't know," sagot ni Dingdong. "Pagdating sa movie, I don't want to say anything, unless it is sure."

Dahil nai-announce na ng GMA-7 na si Marian ang gaganap na Darna, marami ang nagtatanong kung ano naman ang aabangan kay Dingdong ng kanyang mga tagahanga.

"I'm coming up with two things next month na personal sa akin. Kakaiba. Isang bagay na talagang puwede kong ilagay sa records," makahulugang sabi ni Dingdong, na tumangging mag-elaborate sa kanyang sinabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN