EB Babes member Lian Paz diagnosed with ovarian cyst

IMAGE 0


"Palagi niya akong pinapatawa. Walang araw na hindi niya ako pinapatawa. Wala lang... Lalo na noong unang araw na nagpa-check-up ako at sinabi ng doctor yun at sinabing makaka-affect nga raw sa reproductive system ko, siyempre nalungkot ako, depressed ako. Pero siya naman, 'Babes, it's gonna be alright, wala 'yan. Mawawala rin 'yan, huwag mong pakinggan ang mga doctor!'" Lian Paz says about boyfriend Paolo Contis's moral support.


Para sa EB Babes member na si Lian Paz, bukod sa prayers, ang suporta ng kanyang boyfriend na si Paolo Contis at ng kanyang pamilya ang nagiging lakas niya para harapin ang kanyang karamdaman. Lian was diagnosed with ovarian cyst or endometriosis pagkatapos niyang magpa-general check-up at sumailalim sa ultrasound.

"Prayers talaga, unang-una yun sa lahat. Siyempre, proper medication. I go to my doctor. Kapag naka-schedule ako, hindi puwedeng hindi talaga pumunta," banggit ni Lian nang makasaup siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ayon sa dancer, may dalawang taon na raw siguro ang pagkakaroon niya ng cyst, although recently lang niya ito nalaman.

"Kung hindi pa ako nagpa-general check-up," sabi ni Lian. "After lang naming mag-taping ng Hole In The Wall na nag-collapse ako. Five a.m. na kami natapos. Pag-uwi ko sa bahay, wala na, hindi ko na kinaya. Madalas yun, e, palagi akong nagpe-faint. Madalas, kapag meron ako [menstruation]. So, una, akala ko dahil meron lang ako. So, nagpa-check-up na ko. Nagpa-ultrasound ako.

"Yung unang ultrasound ko, yung pelvic ultrasound, dalawa yung nakita. So, left and right, and I was so worried about it. Siyempre, dalawang ovary mo meron. So, paano na ang mga pangarap ko? Siyempre, gusto ko rin maging isang ina."

Ayon kay Lian, regular naman daw and kanyang monthly period. May times nga lang daw na nade-delay or minsan naman ay advance siya pero buwan-buwan ay meron.

"Ini-explain ng doctor ko na yung theory ng sakit ko ay endiometroma, which is kapag nagme-mens ang isang babae, hindi lumalabas ang lahat. Yung sa akin, imbes na lumabas outside, pumpunta sa ibang part ng reproductive system ko.

"Sabi rin ng doctor ko, because of stress, yung mga hormones ko, kailangan kong magpahinga. Baka kapag nagpahinga ako, yung cyst ko, lumiit; which is, yung last ultrasound ko, medyo lumiit siya. Kaya lang, nagre-recur siya. Baka kapag lumaki, ooperahan. Hopefully, sana hindi! Ayokong magkahiwa!" nakangiti pa rin niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Possible ba na maoperahan?

"Possible na maoperahan. Possible rin na hindi. Kapag okey yung medication ko."

Paano siya sinusuportahan ni Paolo?

"Palagi niya akong pinapatawa. Walang araw na hindi niya ako pinapatawa. Wala lang... Lalo na noong unang araw na nagpa-check-up ako at sinabi ng doctor yun at sinabing makaka-affect nga raw sa reproductive system ko, siyempre nalungkot ako, depressed ako. Pero siya naman, 'Babes, it's gonna be alright, wala 'yan. Mawawala rin 'yan, huwag mong pakinggan ang mga doctor!'" natatawang kuwento ni Lian.

Dagdag niya, "Actually, hindi na lang din namin siya masyadong dinidibdib kasi hindi naman siya kagaya ng iba na grabe, malala ang sakit, di ba? Pasalamat na lang din ako na nalaman ko nang maaga at nagawan ko ng paraan."

FIGHTING FOR LOVE. Para kay Lian, malaking tulong sa kanya na nandiyan si Paolo. May pinagsasamahan silang relasyon kahit kakambal na yata nito ang mga intriga.

"Oo naman, malaking tulong kahit ang daming isyu, nakaka-stress! Kaya nga yata ako nagka-cyst, sa mga tira nila! Parang awa n'yo na!" natatawang biro niya.

Paano niya kinakaya ang lahat ng intriga?

"Ako kasi, ano akong klaseng tao, e, maramdamin ako. Pero hindi ako mapagtanim ng sama ng loob. Kung ano ang marinig ko, sige, ipapasok ko sa kanan, then ilalabas ko sa kaliwa.

"And then, I pray to God. Sinasabi ko sa kanya na, 'Ikaw na ang bahala. Lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon, Ikaw rin ang may gawa. So, sa Iyo rin ako nagtitiwala na gagawan Mo ng paraan 'to.'"

Hanggang ngayon, hindi pa rin naipapakilala ni Paolo si Lian sa mga magulang niya. Pero kabaligtaran ang sitwasyon na ito sa pamilya ni Lian sa pagtanggap nila kay Paolo.

Ano ang reaction ng pamilya niya sa mga lumalabas na isyu?

"Actually, my mom and my dad talked to him about that. Sobrang kinausap siya ng daddy ko. Kasi ang daddy ko, sobra ang ugali niyan, istrikto ang daddy ko. Noong magkakilala sila, okey sa kanya agad ang daddy ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero noong malaman niya yung mga isyu, siyempre nababasa niya sa diyaryo, sabi niya, kinausap na niya, 'Siyempre anak ko 'to, babae ang anak ko. Nakakahiya. Pinapalabas na ganoon yung tingin sa kanya ng mga tao, which is hindi naman totoo, na sana gawan mo ng paraan.'

"Sabi naman ni Pao, in time, 'Opo...' Hindi naman biglaan na ganoon agad, di ba? Nag-usap naman sila nang maayos," lahad ng dancer.

Naa-appreciate ba niya ang pagmamahal, concern, at malasakit sa kanya ni Paolo?

"Oo, sobra! Siya lang ang gumawa ng ganito sa buong buhay ko."

Sa palagay niya, si Paolo na ngang talaga ang lalake para sa kanya?

"Oo naman!" bulalas ni Lian.

May plano na ba silang pakasal?

"Secret!" tawa niya.

May plano na ba this year?

"Wala pa... Naku, hayan na naman, baka magalit na naman. Mabigla naman. Hindi pa," sabi ni Lian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN