Pagkatapos maka-recover sa flu, alam niyo bang ang pag-inom ng kape ay makakapag-provide ng much-needed energy boost?
Bukod dito, gentle pa ito sa sikmura.

WHICH TYPE OF COFFEE IS GOOD FOR TUMMY?
Naririto ang ilang rekomendasyon ng website ng Driftaway Coffee, isang sikat na roastery sa Brooklyn, New York:
Light to medium roast coffee
Iwasan ang sobrang dark roasted coffee dahil maasim ito sa sikmura. Piliin ang lighter roast para ma-enjoy ang smoother flavor.
Arabica coffee
Ang Arabica beans ay generally considered na mas madaling i-digest kumpara sa Robusta beans. Kung kagagaling mo lang sa flu, ipinapayo ang 100 percent Arabica coffee para sa more comfortable drinking experience.
Coffee with low acidity
Ang mga kapeng mababa ang acidity level ay mas malaki ang potential na hindi magiging sanhi ng acidity sa sikmura.
Gumamit ng coffee beans na naproseso gamit ang washed or honey method.
Ang mga paraang ito ay nagpapababa sa acidity levels.
Read: CHECK THIS OUT: Kaffeost, coffee that uses cheese as creamer
RECOMMENDED COFFEE DRINKS AFTER RECOVERING FROM FLU
Cappuccino or latte
Ang pagdadagdag ng milk sa kape ay makatutulong para ma-neutralize ang acidity at mas madali itong ma-digest.

Cold brew coffee
Ang cold brew coffee ay ginawa nang hindi dumaan sa heat, kaya less acidic ito at hindi nakakapangasim ng sikmura.
Decaf coffee
Kung medyo hindi pa okey ang inyong pakiramdam pero naghahanap na ang inyong sistema ng much-needed caffeine fix, ikunsidera ang decaf coffee para maiwasan ang anumang potential stomach upset.
Read: Iced coffee hacks you can do at home
ADDITIONAL TIPS WHEN DRINKING COFFEE AFTER RECOVERING FROM FLU
- Start with a small amount: Whether new coffee drinker o matagal nang hindi nakakapagkape, simulan ang pag-inom nito nang konti lang muna para lang ma-test ang iyong caffeine tolerance.
- Add a sweetener or creamer: Ang paglalagay ng sweetener or creamer ay makababawas sa pait o acidity ng coffee.
- Choose a coffee with added health benefits: Ang ibang kape, gaya ng mga brand na infused ng ginger o turmeric, ay nag-o-offer ng additional health benefits na makatutulong para gumaan ang pakiramdam kung mayroong flu symptoms.
Laging tatandaan ang sinasabi ng mga health experts na: “Listen to your body.”
i-adjust ang inyong coffee consumption depende sa kondisyon ng inyong katawan.
Kung makararanas kayo ng anumang discomfort or stomach upset matapos uminom ng kape, palitan ang klase ng iniinom na coffee o kaya ay bawasan na lamang ang inyong intake.
