PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas on Sharon Cuneta and Kris Aquino: "Si Friendship is my Friendship and si BFF is my BFF."

Ai-Ai answers who is closer to her: Sharon or Kris?
by Rose Garcia
Published Apr 29, 2009
"Well, si Kris kasi, matagal ko na siyang friend. But yun nga, since ayaw naman sa akin ni James Yap [Kris's husband], e, di dun na lang sa may gusto sa akin! Pero siyempre, bati na kami ni Friendship [tawag niya kay Kris]! Isyu na naman ba yun? Hindi naman! Pero kasi, noon pa naman kami close ni Mega, pero hindi lang kami nabigyan ng pagkakataon na mailagay sa telebisyon yung friendship namin. Kasi yung sa amin ni Friendship, on national television, nagtatawagan kami ng 'Friendsh

First time na magkasama sa isang pelikula ng dalawang box-office queens na sina Sharon Cuneta at Ai-Ai delas Alas sa pamamagitan ng comedy film na Best Friends Forever (BFF), from Star Cinema under the direction of Wenn Deramas.

Walang duda na hindi lang experience of working together ang na-gain nina Ai-Ai at Sharon sa pagsasama nilang ito, kundi naging BFF talaga sila habang ginagawa nila ang pelikula.

Ano ang mga na-discover ni Ai-Ai sa Megastar nang makatrabaho na niya ito?

"Ang na-discover ko kay Mega, sobra siyang mahilig magbasa ng books," sagot ni Ai-Ai sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Ang dami-rami niyang libro. Sobra-sobrang dami niyang libro, sobra-sobra rin niyang ang daming bumili ng libro. At saka DVDs, ang hilig din niya sa mga DVD. At saka mahilig siyang tumawa at magkuwento."

Dagdag niya, "Siyempre, isa pang ano ko sa kanya, napaka-good hearted niyang talaga. Napakabait niyang tao. Mabait ang puso niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FRIENDSHIP VS. BFF. During the question-and-answer portion sa press conference ng BFF last April 27, hindi maiwasang tanungin kay Ai-Ai ang isa pa sa closest friends niya sa showbiz, na minsan ay nakasamaan niya ng loob at recently nga lang sila muling nagkaayos—si Kris Aquino.

Natawa nang husto si Ai-Ai sa tanong na kung BFF niya si Sharon, nangangahulugan ba ito na mas matimbang na sa kanya ang Megastar kesa kay Kris?

"Pinaka-nakakatawang question yun ha!" natatawang sabi ng comedienne. "Siyempre, sasagutin ko yun. Siyempre, ikaw [pointing to Sharon]. Kasi, hindi ako inaaway ni Senator [Kiko Pangilinan, Sharon's husband]! Charito! Charing, charing!

"Hindi, kasi si Mega... Well, si Kris kasi, matagal ko na siyang friend. But yun nga, since ayaw naman sa akin ni James Yap [Kris's husband], e, di dun na lang sa may gusto sa akin! Ano ba, naghahanap ba kayo ng away?" talak niya na natatawa sa reporter na nagtanong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero siyempre," patuloy niya, "bati na kami ni Friendship [tawag niya kay Kris]! Isyu na naman ba yun? Hindi naman! Pero kasi, noon pa naman kami close ni Mega, pero hindi lang kami nabigyan ng pagkakataon na mailagay sa telebisyon yung friendship namin. Kasi yung sa amin ni Friendship, on national television, nagtatawagan kami ng 'Friendship.'"

Sino ang mas generous sa dalawa: si Sharon o si Kris?

"Mas generous sa paraan ng pagbibigay? A, depende, e. Si ano kasi, si Mega, marami pa siyang ibibigay sa akin in the future!" tawa ni Ai-Ai sa sarili niyang biro.

Patuloy niya, "At saka binigyan niya ako ng singsing at saka earring. Si Tetay, binigyan naman niya ako ng shoes na Gucci. Pero mas mahal yung alahas. So, doon ako sa alahas! Joke lang! Patay na naman ako ngayon! Paano ko na naman ito sasagutin?

"Pero Friendship, joke lang yun, SNN!" bawi ni Ai-Ai sabay gaya sa paraan ni Kris ng pagbitiw ng title ng show nila ni Boy Abunda.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nilinaw naman ni Ai-Ai na yung alahas na sinasabing ibinigay ni Sharon sa kanya ay noon pa raw at hindi pa sila gumagawa ng pelikula.

"Kasi madalas ko siyang sinasabihan, kapag nakikita ko siya, grabe, ang lalaki ng alahas niya! Tapos, palagi kong nakikita si Mommy Elaine [Cuneta, Sharon's mother]. 'Dyusko, Mommy Elaine, ang gaganda naman ng alahas mo! Bigyan mo naman ako!' Tapos, yung mommy niya ang nagbigay ng ring," kuwento niya.

Kuwento naman ni Sharon, silang dalawa ng mommy niya ay fan talaga ni Ai-Ai. Nanonood daw sila ng concert ng comedienne at hinihingan talaga ni Ai-Ai ng alahas si Mommy Elaine sa mismong show. Binibigyan naman daw ito ng ina ng Megastar.

"Ang dami nilang alahas!" bulalas ni Ai-Ai. "At nakita ko, si Tita Helen [Gamboa, Sharon's aunt], ang dami niyang alahas! Naku, yung pamilya nila, ang dami nilang alahas!"

ANOTHER FRIEND. Ayon kay Ai-Ai, maganda rin ang naidulot sa kanya ng BFF dahil hindi lang siya nakagawa ng another movie kundi nakakita pa siya talaga ng isa pang tunay na kaibigan sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko nga, maganda ang movie na ito, kasi nakakita pa ako ng isang friend sa showbiz. Kasi, bihira yung mga friends talaga sa showbiz," sabi niya.

Nagulat din daw siya na talagang nakipagsabayan si Sharon sa kanya ng pagpapatawa.

"Oo, grabe, nakakatuwa siya sa film! Nakakatawa! Hindi ko nga alam na gagawin niya yung mga ginawa niya dun. Actually, dati pa naman siyang nakakatawa. Kapag pinapanood ko siya sa concerts niya, nakakatawa siya. Pero dito, mas nakakatawa siya."

Nagawa ba niyang i-share kay Mega ang mga pinagdadaanan niya or napagdaanan niya sa lovelife?

"Oo!" sagot ni Ai-Ai. "Sharing-sharing kami. Hindi naman siya masyadong maka-comment siyempre. Sharing kami more on family, a little about mga anak, career, at saka more on pambabaeng-usap."

Napalitan na ba ni Sharon sa puso niya si Kris?

"Hindi naman," mabilis niyang tugon. "In fairness naman kay Friendship, puwedeng huwag na natin siyang isali rito? Hindi naman na siya kasali sa movie. Kumbaga, katuwaan na lang yung mga tanong kanina, katuwaan na lang. Si Friendship is my Friendship and si BFF is my BFF."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sabi ni Ai-Ai, ang problema raw kasi ay sineseryoso siya palagi kapag ini-interview siya kaya madalas ay nalalagay siya sa intriga.

"Nakakatawa, kasi kapag nagsasalita ako bilang komedyante, ang nakakatawa sa inyo, sineseryoso n'yo ako palagi. Ginagawan n'yo ako ng intriga. Pero sa totoong buhay, kapag presscon, ano yun, e, nagsu-showtime ako. Gusto ko silang aliwin. Gusto kong aliwin ang press, kasi bihira ko lang silang makita. Nakikita ko lang sila kapag may presscon, Christmas party.

"So, natutuwa ako, nag-aalaskahan, parang magkakabarkada. So, yun din ang reason kung bakit nagsu-showtime ako kapag may presscon. So, sana yung iba kong sinasabi, huwag n'yo masyadong seryosohin. Kasi, ano lang yun, joke time lang yun. Pero siyempre, depende rin sa tanong, di ba?" paliwanag niya.

KIKO VS. ATE VI? Sa presscon ng BFF ay kinumpirma ni Sharon ang napipintong pagtakbo ng mister niyang si Senator Kiko Pangilinan bilang Vice President. May balita ring tatakbo rin sa naturang posisyon ang Batangas Governor at Star For All Seasons na si Vilma Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat malapit si Ai-Ai kay Sharon, aminado naman ang comedienne na isa siyang Vilmanian. Mahahati ba ang puso ni Ai-Ai kung saka-sakali?

"Noon ko pa sinabi kay Ate Vi, noong mayor pa lang siya na, 'Ate Vi, in case mag-run ka as Vice President, ikakampanya kita.' I think, maiintindihan naman ni Mega. Sabi nga niya, di ba? Kasi ako, hindi ko naman asawa si Senator. Kapag asawa, oo. Kapag kaibigan, siyempre, dun siya sa asawa niya. Pero siguro, huwag lang sabay na papakantahin ako sa isang lugar. Tutal, independent naman si Senator," sabi ni Ai-Ai.

NOT A PERFECT LIFE. Kahit sabihin pa na nasa peak ng kanyang career ngayon si Ai-Ai, hindi pa rin niya masasabing perpekto ang buhay niya.

"Siyempre, hindi naman lahat tayo perpekto ang buhay," aniya. "Ako, wala akong asawa, di ba? So, yun ang kulang. Pero later on, alam ko, in God's time, kung ibibigay sa akin, ibibigay. Dati ko pang sinabi na kung hindi Niya ibibigay, okey lang din kasi okey naman kami. Okey naman ang mga anak ko. Basta huwag lang magkakasakit ang mga anak ko at healthy yung family ko, okey na okey na ako sa buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa sobrang dami ng blessings ni God, blockbuster Siya sa pagbibigay ng blessing. Wala akong gagawin kundi bring back the glory na ibinibigay Niya sa akin."

Pagkatapos ng pelikula nila ni Sharon, posibleng simulan na ni Ai-Ai ang pelikulang pagsasamahan nila for the first time ni dating president Joseph "Erap" Estrada.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Well, si Kris kasi, matagal ko na siyang friend. But yun nga, since ayaw naman sa akin ni James Yap [Kris's husband], e, di dun na lang sa may gusto sa akin! Pero siyempre, bati na kami ni Friendship [tawag niya kay Kris]! Isyu na naman ba yun? Hindi naman! Pero kasi, noon pa naman kami close ni Mega, pero hindi lang kami nabigyan ng pagkakataon na mailagay sa telebisyon yung friendship namin. Kasi yung sa amin ni Friendship, on national television, nagtatawagan kami ng 'Friendsh
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results