Singer Geneva Cruz bares sexy body in a men's magazine

IMAGE 0


Singer-performer Geneva Cruz has agreed to pose for the first time in a men's magazine, which she refused to divulge. Geneva says her decision to bare her body has her husband KC Montero's consent.


Anytime ay lalabas na ang kauna-unahang sexy pictorial ni Geneva Cruz para sa isang men's magazine.

Gusto ng singer-performer na masorpresa ang lahat sa paglalantad niya ng katawan kaya hindi na muna niya sinabi sa PEP (Philippine Entertainment Portral) kung anong men's mag ito. Sabi lang niya, first time niyang mag-pose ng daring sa tanang showbiz career niya at ngayon lang niya ito ginawa.

Ang pagiging environmentalist at vegetarian ang rason ng pagpu-pose ni Geneva ng daring. Dagdag pang may kinalaman din ito sa lalabas niyang album kaya pumayag daw siyang mag-pose.

Nagbiro noong una si Geneva sa PEP na hindi alam ng asawa niyang si KC Montero ang pictorial niya. Pero binawi rin niya ang pahayag at sinabing pinag-usapan nila ito nang husto bago niya ginawa.

Nasa U.S. si KC kaya hindi ito ang unang taong makakakita sa pagpu-pose ni Geneva sa isang magazine, pero tiyak ng singer na hindi sila magkakaroon ng problema ng dating rapper-host sa kanyang pagpapa-sexy.

Nabalita kasi noong nagkaroon sila ng tampuhan ni KC na nauwi sa hiwalayan. Sambit nga ni Geneva, tsismis lang daw ang tungkol sa kanilang hiwalayan.

Ngayon ay totoong hiwalay sila ni KC dahil nandito siya sa Pinas at nasa U.S. naman ang asawa niya.

Ilang buwan na raw na nandito si Geneva para sa ginagawang album at ilang meetings para sa mga gagawin niyang shows sa taong ito.

VEGETARIAN. Pinuna namin ang kapayatan ni Geneva ngayon. Sabi niya, vegetarian kasi siya kaya ganun ang kanyang katawan.

Hirap na hirap si Geneva sa katatapos na Goma Cup: The Reunion na ginawa sa Fairways and Blue Water dahil halos wala siyang makain. Nagpapaluto na lang ito ng sariling pagkain.

Pero ang magandang figure ni Geneva ang nagnakaw ng pansin ng lahat ng participants sa Water Sports games. Maging ang komedyanteng si Wilma Doesnt ay bumilib sa kaseksihan ng singer-performer at sinabing ito na lang ang muse, kasama ang kaibigang si Rachel Alejandro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nga lang nagustuhan ni Geneva ang pagiging watergirl kaya ang ginawa nito ay nagtampisaw na lang sa dagat at nag-sunbathing sa gitna ng mga naglalarong celebrities.

"Hay naku, hindi ko pinangarap na maging watergirl! Kaya 'eto, i-enjoy ko na lang ang pagsa-sunbathing ko sa ilalim ng araw," sabi ni Geneva.


HEAVEN. Isa raw sa mga natuwa sa kanyang pagiging vegetarian ay ang anak niyang si Heaven sa dating kasintahang si Paco Arespacochaga. Nagsumpaan pa raw silang dalawa ng anak niya na hinding-hindi siya kakain ng karne.

Ibinalita naman ni Geneva na proud siya kay Heaven dahil sa magandang standings nito sa pinapasukang school. Palagi raw nakakakuha ng mataas na grades ang anak niya.

Yun nga lang, sa edad nitong 13 yrs. old, may girlfriend na raw ito na isang Puerto Rican.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN