Filipinos outnumbered by Britons at official weigh-in of Manny Pacquiao and Ricky Hatton

IMAGE 0


Throngs of supporters, mostly British nationals, trooped to the MGM Grand Arena, Las Vegas, to witness the official weigh-in of Manny Pacquiao and Ricky Hatton. Pacquiao and Hatton are set to fight tomorrow for the boxing event of the year.


LAS VEGAS, NEVADA. Outnumbered ng mga British nationals ang mga Filipino na nagpunta sa weigh-in nina Manny Pacquiao at Ricky Hatton na ginanap kaninang hapon (3:09 p.m. ng May 1 sa Las Vegas; 6: 09 a.m. ng May 2 sa Pilipinas) sa MGM Grand Arena Garden.

Very festive ang atmosphere sa loob ng MGM Grand Garden Arena dahil sa pagbubuskahan ng mga Pilipino at Briton, pero walang nagpakita ng pagkapikon.

Nangibabaw ang boses ng mga Briton habang kinakanta nila ang "There's only one Ricky Hatton" to the tune of "Winter Wonderland." Pero hindi nagpatalo ang mga Pinoy sa pagwagayway ng Philippine flag at pagkanta ng "Ricky Hatton falling down, Ricky Hatton falling down" sa tono ng kiddie song na "London Bridge Is Falling Down."

Ipinamalas ng mga Briton ang pagiging organisado dahil sa isang kumpas ng kamay ng kanilang lider, sabay-sabay silang tumatayo, sumasayaw, at kumakanta ng "Ricky Hatton Walking in Wonderland."

Kapag nagpe-perform na ang mga Briton, malakas at matunog na "Boo!" ang walang patid na pagsigaw ng mga Filipino.

Nakita namin ang ilan sa mga kababayan natin na may hawak na maskara ni Hatton na nilagyan nila ng sungay, pangil, at ng salitang "loser."

Pinaghandaan ng mga Briton ang Pacquiao-Hatton fight dahil nakapaghagilap pa sila ng mga costume. May mga naka-superhero costumes ng Batman, Robin, Toy Soldier, at Spiderman. Pakalat-kalat din ang mga impersonator nina Elvis Presley at Austin Powers.

Nang kunan namin ng litrato ang mga superhero character, biglang kumanta at sumayaw ang mga nakapila sa snack bar ng Garden Arena lobby.

Palaisipan sa amin ang pag-"boo!" ng mga Briton sa TV host-actor na si Mario Lopez nang sabihin ng emcee na siya ang host ng weigh-in. Parang walang narinig si Mario nang umakyat siya sa stage.

Malakas namang palakpakan at hiyawan ang isinalubong ng British audience kay Oscar dela Hoya nang tawagin ito. Si Hatton ang sinusuportahan ni Oscar dahil ang Oscar dela Hoya Promotion ang promoter ng boxer na makakalaban ni Pacquiao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumanggap ng malakas na palakpak mula sa mga Filipino ang boxing promoter na si Bob Arum nang ipakilala ito at umakyat sa stage. Tuwang-tuwa ang mga kababayan natin nang sabihin ni Arum ang salitang "Mabuhay!" Si Bob ang promoter ng mga laban ni Pacquiao.

Si Manny ang unang tinawag sa weigh-in. Confident na confident si Manny nang umakyat sa stage at hinubad ang kanyang jacket, t-shirt, at pantalon para magpatimbang.

Kumanta uli ng "Ricky Hatton in Wonderland" ang mga Briton habang tinitimbang si Manny.

Malakas na "Boo!" ang pinakawalan ng mga Pinoy nang tawagin sa stage si Ricky at timbangin ito.

138 lbs. ang official weight ni Manny, samantalang eksakto naman sa 140 lbs. ang timbang ni Hatton.

Napangiti si Manny nang pagharapin sila ni Hatton. Marami ang nakapansin sa naughty smile ni Manny na parang gustong matawa sa seryosong-seryosong hitsura ng kanyang makakalaban.

Mahaba ang pila sa tindahan ng MGM Grand Hotel na nagbebenta ng mga sari-saring paraphernalia na may kinalaman sa Pacquiao-Hatton boxing match. Twenty dollars (US$20) each ang presyo ng mga Philippine at Britain flags, $25 ang Pacquiao-Hatton black t-shirts, at $90 ang mga jacket.

Soldout na ang tickets na biglang tumaas ang presyo dahil sa dami ng mga gustong bumili.

Ayon sa isang British national, 8,000 ang bilang ng mga kababayan niya na dumating sa Las Vegas noong Huwebes ng gabi. Inaasahan nila na 25,000 Britons ang manonood ng actual fight nina Manny at Ricky Hatton bilang suporta sa kanilang kababayan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN