Pinoy celebrities spotted at Pacquiao-Hatton weigh-in

IMAGE 0


The replica of a boxing ring at the lobby of MGM Grand Garden Arena became an attraction to tourists. Filipino actor Richard Gomez (inset) brought his camera to document the proceedings during the weigh-in of Manny Pacquiao and Ricky Hatton.


LAS VEGAS, NEVADA. Sina Martin Nievera, Donna Cruz, Annabelle Rama, Onyok Velasco, Brian Villoria, at ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres ang ilan sa mga Filipino celebrities na nakita namin sa official weigh-in nina Manny Pacquiao at Ricky Hatton sa MGM Grand Garden Arena noong Biyernes ng hapon (May 1 sa U.S.; May 2 ng umaga sa Pilipinas).

Kasama ni Donna ang kanyang asawa na si Yong Larrazabal at ang kapatid na si Jomar Cruz. Ang panganay na anak na si Robin ang kasama ni Martin Nievera, na pinagkaguluhan ng Filipino fans na nag-aabang ng mga Filipino celebrity sa lobby ng MGM Grand Garden Arena.

Pinagkaguluhan din ng mga kababayan natin si Boboy Fernandez, ang personal boxing trainer ni Manny. Parang celebrity na rin si Boboy dahil sa mga photo-op request sa kanya.

Ikinuwento ni Annabelle na napilitan siyang bumili ng tickets para sa kanyang mga kamag-anak na lumipad sa Las Vegas mula sa Texas para panoorin ang laban nina Pacquiao at Hatton.

"Dati-rati, binibigyan ako ni Chavit [former Ilocos Sur governor Chavit Singson] ng limang tickets kapag may laban si Manny. Ngayon, wala na. Ubos na ubos na ang mga ticket dahil binili lahat ng mga Briton. Ibinili ko na nga lang ng tickets sa The Mirage ang mga pamangkin ko. Manonood na lang sila sa pay-per view sa The Mirage," kuwento ni Annabelle.

Nagulat si Annabelle sa malakas na suporta na ipinakita kay Hatton ng mga Briton sa official weigh-in kaya natakot siya na pumusta sa laban.

Dinala aman ni Richard Gomez ang kanyang kamera at kinunan niya ng litrato ang mga eksena sa official weigh-in. Malapit ang puwesto ni Richard sa stage kaya siguradong magaganda ang anggulo na nakunan niya.

Nag-sign of the cross si Manny bago at pagkatapos ng kanyang official weigh-in. Ang pagiging madasalin at matinding pananalig sa Diyos ang isa sa mga ugali ni Manny na hinahangaan ni Bob Arum at ng mga supporter ng Filipino boxer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinuwento ni Brian Villoria sa Twitter account nito na tumawag si P. Diddy kay Bob para sabihin na gusto niyang samahan si Manny sa pagpasok nito sa boxing arena.

Makikita sa lobby ng MGM Grand ang replica ng isang boxing ring na may life-size statue ng leon (symbol ng MGM Grand) at malalaking litrato nina Pacquiao at Hatton. Nag-uunahan ang mga turista sa pagpapakuha ng litrato sa harap ng boxing ring, isang bagay na nagpakita sa lahat ng international-superstar status ni Manny.

Twenty-five dollars ang selling price ng Pacquiao-Hatton t-shirts sa MGM Grand pero mabibili ito sa halagang $10 mula sa mga vendor sa labas ng hotel. Naglalakad kami sa Vegas strip nang marinig namin ang sigaw na "Pacquiao-Hatton shirts for ten dollars only!" ng dalawang Amerikano.

Iwinawagayway nila ang mga "pirated" t-shirt habang naglalakad sila. Napangiti kamiā€”as if we never left the Philippines.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN