Judy Ann Santos apologizes to fans for keeping her wedding with Ryan Agoncillo private

IMAGE 0


"Sa lahat-lahat po, huwag po sanang magtampo. Hindi naman po namin ipagdadamot ang pinaka-espesyal na araw sa amin ni Ryan. Makikita po ninyo yun. Naka-document po mula yung araw na nagsisimula kami ng preparation. Isasama po namin kayo sa panibagong pagpasok namin sa buhay namin ngayon," says Judy Ann Santos about keeping her wedding with Ryan Agoncillo private.


True to her words, halos lahat yata ng showbiz talk shows na gustong makausap ang bagong kasal na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ay pinagbigyan nila. Tulad na lamang noong Linggo, May 3, nakausap ni Raymond Gutierrez si Judy Ann via a phone-patch interview.

Ang unang tanong ni Raymond kay Juday ay kung totoo ba na 6 a.m. na ng May 3 sila natapos sa kanilang second reception, na nagsimula ng Sabado ng gabi, May 2, sa Le Souffle restaurant sa Rockwell, Makati.

"Natapos kami sa reception around 2 a.m. And then, we went home with some of our friends. Naghiwa-hiwalay kami, tama yun, mga alas-sais na yata ng umaga," sabi ni Juday.

Ano ang ipinagkaiba ng Manila reception sa una nilang reception sa isang beach resort sa Anilao, Batangas, after their church wedding noong April 28 sa San Juan, Batangas?

"Ang ipinagkaiba lang, walang beach!" natatawang sabi ng aktres. "Pero karamihan naman ng nagpunta dun, nag-enjoy. Especially kami ni Ryan, nag-enjoy naman kami. I was thinking nga, baka ma-bore ang mga tao kasi wala masyadong magaganap. Pero it ended na parang big, big party talaga! Masaya, masaya lahat, kasi nag-enjoy naman ang lahat sa pagkain, sa lahat ng inumin. At nagpapasalamat ako sa lahat ng mga kaibigan namin at kaibigan din namin sa media na nagpunta."

Meron bang naging emotional sa second reception nila?

"Kuya ko [Jeffrey Santos] at saka mommy ko [Mrs. Carol Santos]. Naging emotional sila. Pagkayakap ko sa kanila, hayun na, umiyak na ng todo. Napaiyak na rin ako," kuwento ni Juday.

Since ilang araw pa lang silang nakakasal, meron na bang adjustment sa kanilang dalawa?

"Ngayon, wala pa," sagot ni Mrs. Agoncillo. "Kasi, hindi pa kami nakakalipat dun sa bahay namin. Parang dati pa rin, boyfriend-girlfriend pa rin ang dating namin. Basically naman, I'm sure, wala namang mababago kasi we've been together na naman for more than four years. So, more or less, kilala na namin ang isyu ng isa't isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HONEYMOON IN BORA. Magkakaroon muna ng honeymoon sa Boracay ang dalawa. Pagkagaling dito ay lilipat na sila sa bagong bahay. Ano ang mga paghahandang ginagawa nila ni Ryan for the big step?

"Ngayon, actually, nakabantay lang kami sa bahay. Nira-rush namin na matapos na sana ang paglagay ng mga gamit and everything. Kasi, ideally, yun talaga ang plano namin. Actually, sa totoo niyan, after ng wedding, doon na kami didiretso. But since hindi pa natatapos ang kitchen, kailangan naming iurong. So, okey lang din. At least, may time pa rin kami to relax."

Magbi-beach muna sila?

"Yes, and ibi-beach din kasi namin si Yohan [their adopted daughter]. It's her first time to see white sand, so mas excited kami for our daughter."

Kumusta naman si Mommy Carol sa paglipat na niya ng bahay with Ryan?

"Actually, nalulungkot siya. There was a time na tinawagan ko siya and she told me nga na, 'ayun nga, hindi na raw niya ako makikita sa bahay. Pero nagbigay ako ng assurance kay Mommy na wala naman talagang mababago, it's just that nag-asawa lang ako. Pero yung kabuuan ng pamumuhay ko, hindi naman mawawala ang mommy ko dahil ikamamatay ko kapag nawala ang mommy ko sa tabi ko!" natatawa niyang sabi.

THE FANS. Dahil sa malayong lugar ginanap ang kasal at unang reception nina Juday at Ryan, halos lahat ng kanilang mga tagahanga ay hindi nakapunta at hindi nasaksihan ang mahalagang pangyayaring ito sa buhay ng aktres. May nakausap na ba silang mga fans at ano ang naging pakiramdam nila sa naganap na private wedding nila ni Ryan?

"Actually, yung mga fans, yung mga supporters, nandiyan palagi sa tabi namin ni Ryan. Very, very understanding sila. Napaka-supportive nila sa step na ginawa namin and we really appreciate that.

"May mangilan-ngilang nagtampo, but we said sorry na rin. Hindi naman namin plinano na may magtampo sa amin. I've been really wanting to have... Not naman secret, but a private and solemn wedding. Natutuwa kami dahil even buong pamilya namin, natutuwa. Kahit yung media, very cooperative. Marami sa kanila ang nakaalam na ng talagang date, but they opted not to write it and we're very, very grateful."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang maikling mensahe niya for all her fans?

"Sa lahat-lahat po, huwag po sanang magtampo," sabi ni Juday. "Hindi naman po namin ipagdadamot ang pinaka-espesyal na araw sa amin ni Ryan. Makikita po ninyo yun. Naka-document po mula yung araw na nagsisimula kami ng preparation. Isasama po namin kayo sa panibagong pagpasok namin sa buhay namin ngayon.

"Salamat din po sa walang sawang pagsuporta n'yo sa amin. And now na magpa-pamilya na kami, sana nandiyan pa rin po kayong lahat—all the press people, all our friends, our family. We're really hoping and praying na magsasama-sama pa rin tayo. Walang iwanan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN