Jeffrey Santos wishes "happy and contended life" for sister Judy Ann and brother-in-law Ryan

IMAGE 0


"Nakita ko na silang dalawa, kung paano sila mag-away. Basically, silang dalawa, alam nila ang limitations ng isa't isa. Alam ni Ryan kung saan ako mapipikon and that would be kung sasaktan niya physically ang kapatid ko, which I have no doubt he won't do dahil mabuti siyang tao and I know he loves my sister," says Jeffrey Santos about his sister Judy Ann Santos and brother-in-law Ryan Agoncillo.


Sa kasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo noong April 28 sa San Juan, Batangas, hindi lamang ang pag-iisang dibdib ng dalawa ang naging importantang okasyon na naganap, kundi pati na ang pagiging buo muli ng pamilya Santos. Matagal din kasing hindi nakapiling ni Juday ang kanyang ama pagkatapos silang iwan nito.

Pero nang ikasal si Juday kay Ryan ay natupad ang kahilingan ng aktres na magkaroon ng family picture na kumpleto sila. Ayon nga sa nakatatandang kapatid ni Juday na si Jeffrey Santos, wish granted ito para sa kanilang bunso.

"Lahat kami kasi yun ang gusto," sabi ni Jeffrey sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Ako, even nung wedding ko, nandun kaming lahat. Kaya lang, one thing na hindi ko nagawa sa wedding was to include my mom and my dad in one photo, na nagawa naman ni Juday. It's another cross off our checklist."

Ayon kay Jeffrey, ang pagiging pribado ng kasal nina Juday at Ryan ay siyang talagang gustong mangyari ng dalawa.

"The wedding is wonderful. It's a fantastic wedding. It was everything na plinano ng dalawa. Well, sa kuwento ng kapatid ko, it was everything she imagined it would be, ito yung fairy-tale wedding na ginusto niya.

"Sa simbahan, 80 lang kami. Kaya lang kami inabot ng 100-plus because of the extra security. Yung guest list, kaunti lang talaga ang in-invite. At yung reception itself after the wedding, saka lang nagpuntahan yung bulto ng tao. But it's more of a church ceremony than the reception. Nagkaroon nga ng Manila reception last May 2 na mas extensive yung guest list para dun sa mga hindi nakapunta," saad ng aktor.

WISH FOR JUDAY & RYAN. Ano naman ang wish niya para sa bagong kasal?

"Like everybody would wish for them, a happy and contented life, a life full of blessings. Siyempre, more work for them dahil they're creating a family of their own. Less fights para mas maganda yung family na ibubuo nila, although I doubt kung mag-aaway pa sila, sobrang magkasundo ang dalawang yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I can't wish for anything more, every time I pray, I would ask God na i-grant na lang kung ano ang nasa utak ng kapatid ko. With everything going on for her right now, I don't know what to pray for her pa. Sa achievements lang niya, it surpassed lahat ng mga prayers namin. For career itself, not actually sa pag-aartista lang niya, but yung craft niya mismo. The way she handled her craft, umabot siya hanggang sa Oscars [for Ploning], ano pa ba ang gugustuhin mo pagdating dun?

"Investments, she has. Ang sa akin lang, sana mabawasan yung ibang problema niya na lumulutang-lutang lang, pero hindi naman ganun kabigat," saad ni Jeffrey.

Ano naman ang message niya para kina Juday at Ryan?

"Message for my sister, wala na akong puwede pang ibigay na message sa kanya because I already gave her advice as a brother, as a friend, as a third person in a particular situation. I always pray for her safety, guidance galing sa Itaas. Nasabi ko na rin sa kanya na she can do whatever she wants dahil whatever happens, bago siya madapa, nandun na ako para saluhin siya. Now she has Ryan to do that for her, so dalawa na kaming sasalo sa kanya.

"Kay Ryan naman, si Ryan naman never naging plastic sa akin. We're the best of friends right now hindi dahil bayaw ko siya or anything. Since day one na nagkita kami, hindi pa siya nanliligaw kay bunso, nag-uusap pa lang sila, Ryan knows kung ano ang hindi ko gusto na mangyari sa kanila. He has always made it clear kung ano at hanggang saan lang siya sa relasyon nila.

"Nakita ko na silang dalawa, kung paano sila mag-away. Basically, silang dalawa, alam nila ang limitations ng isa't isa. Alam ni Ryan kung saan ako mapipikon and that would be kung sasaktan niya physically ang kapatid ko, which I have no doubt he won't do dahil mabuti siyang tao and I know he loves my sister," pagtatapos ni Jeffrey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN