PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Netizens grow sentimental as Chocolate Lover Inc. nears closure

Netizens share their core memories of Chocolate Lover.
by Bernie V. Franco
Published Nov 22, 2025
Chocolate Lover Inc.
For 36 years, Chocolate Lover Inc., a store for baking supplies, has been the go-to place for chocolate lovers, bakers and baking enthusiasts, as well as food-business entrepreneurs. But just recently, owner Annie Carmona-Lim announced that she will be closing the store for a particular reason.
PHOTO/S: Chocolate Lover Inc. on Facebook

Sa loob ng higit tatlong dekada, naging haven para sa chocolate lovers, bakers, at food entrepreneurs ang Chocolate Lover Inc. sa P. Tuazon, Cubao, Quezon City.

Kaya marami ang nalungkot nang ianunsiyo ng owner na si Chef Annie Carmona-Lim na magsasara na ang kanyang baking supplies store bago matapos ang taon.

NETIZENS REACT TO CLOSING OF STORE

Libu-libo ang nagbahagi ng good memories nila sa store na parang “chocolate castle."

Ang iba rito ay bitbit ng kanilang ina o tiya o lola simula pagkabata hanggang sa lumaki na at nagkapamilya.

Ang kuwento ng isang netizen: “Diyan po kami sa store niyo unang namili ng mga chocolates at molder nung nagsisimula po ang nanay ko mag-business ng chocolates. Bata pa lang po ako sinasama po ako ng nanay ko mamili ng chocolate diyan.”

Halos ganito rin ang kuwento ng isa pa: “Hanggang sa tumanda na ako at nag-asawa, paminsan-minsan magpapamaneho siya sa akin para dayuhin yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga nagpasalamat sa Chocolate Lover Inc. dahil naging bahagi ito ng kanilang food business.

“Your brownies, Éclair and creampuff recipe helped my 20-year-old catering business. Until now po I still bake your recipes at sine-serve ko pa rin.”

“Diyan ako natuto ng chocolate molding nung hindi pa ako nagbe-bake, diyan din ako unang bumibili ng mga ingredients at supplies.”

May mga naging teacher si Annie sa pagbi-bake.

Chocolate Lover Inc 1
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May netizen na nagsabing: “Chocolate Lover has been a history to me personally.”

Nagtitinda raw siya ng chocolates noong early 2000, mula high school hanggang sa college, at kumukuha siya ng supplies sa store.

Ngayon, isinasama na niya ang anak sa pamimili.

Chocolate Lover Inc 2

Isa pang suki ang may ganitong kuwento:

“You are part of my family’s story and our growing-up years, especially when my mom had a cookie business. Almost every day, we would pass by Chocolate Lover for ingredients, to the point that nangamoy tsokolate na yung van namin. Core memory!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At makalipas daw ang maraming taon, patuloy nilang tinatangkilik ang store para sa kanilang candy business.

Para sa iba, ang negosyo ni Annie ay naging starting point nila sa pagbi-bake hanggang sa lumawak ang kaalaman sa baking.

“Dito ako nagsimula nagawa ako ng mga molded chocolate lollipops til naging loafs and cakes na nga.”

Pagbabalik-tanaw ng isa pa, ‘90s pa lamang noon at mangilang-ngilan noong ang supply stores for baking.

“Your store has always been a wonderland for baking enthusiasts and entrepreneurs.”

Chocolate Lover Inc 3
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang mangyari ang pandemic, marami ang nakaisip na magnegosyo at mag-bake.

Isa na rito ang netizen na ito: “Chocolate Lover has been pivotal in this. So maraming, maraming salamat sa affordable at kalidad na ingredients!”

Chocolate Lover Inc 4

At kahit malayo raw sa chocolate castle ay dinarayo nila ito.

“[N]ung mga panahon na wala pang mga baking supplies store, kayo ang OG bilihan namin na mg bakers. Dumadayo pa ako mula Cavite to Cubao pag may need akong hanapin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Chocolate Lover Inc 5

Pasalamat ng isa pa, “Thank you so much Chocolate Lover Inc. Lots of memories to cherish mami-miss ko yung amoy chocolate sa loob ng store and also mga different colors ng chocolates na sa inyo lang po meron.”

Chocolate Lover Inc 6
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Madamdamin din ang pagbabalik-tanaw ng dalawa pang netizens.

“Part po kayo ng journey ko… I remember going all the way there para po mamili. My business started na kayo ang sumasalo ng lahat ng ingredients and materials ko.

“I learned a lot from your staff kasi alam nila mga items niyo.”

Komento ng isa pang suki: “You helped Mama with her side business when we were kids. Going to your store in Cubao was when she was also most excited.”

Chocolate Lover Inc 6
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Karamihan sa mga komento ay nagpabatid ng kanilang kalungkutan sa nalalapit na pagsasara ng Chocolate Lover Inc., pero lahat sila ay nagpasalamat sa mga matatamis na alaalang ibinigay ng Chocolate Lover Inc.

CHOCOLATE LOVER INC. TO CLOSE AFTER 36 YEARS

Nitong November 18, 2025, isang video ang ipinost ni Annie sa Facebook page ng Chocolate Lover Inc.

Dito niya ibinahagi ang malungkot na balita.

“Ako po si Annie Carmona-Lim, may-ari ng Chocolate Lover Incorporated dito sa Cubao,” bungad niya.

“Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na magsasarado na po kami sa… December 27, 2025 po yung last day namin,” aniya na halatang pinipigilan ang maluha.

Tiniyak ng owner na tuluy-tuloy ang kanilang operasyon bago sumapit ang kanilang closing date. Kaya huwag daw mag-aalala ang kanilang mga customers.

“Hindi namin pababayaan yung mga customers namin na kung kailan nila kailangan ngayong Pasko saka bibitawan namin, hindi po.

“Ang dedication ng Chocolate Lover sa mga nagbi-business ganoon pa rin ho yung support namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinasalamatan ni Annie ang kanyang suppliers.

“Eto na, goodbye na after 36 years. Goodbye, goodbye na tayo.”

Saad niya, “Gusto ko lang ipaalam na ang dahilan po kasi, ayaw na rin po kasing manahin ng mga anak ko.

“Okay na po kami sa ibang bansa. Ako naman po ay mag-aalaga na lang ng apo. Kasi matanda na rin ho ako. Hirap na akong magbiyahe-byahe.

“Tatlong taon ko na hong iniiyakan ito kasi hindi ko kaya talaga. Baby ko kasi ito, e. Pero kailangan ko na lang magsabi ng goodbye.”

Taong 1989 nang simulan ni Annie ang kanyang negosyo.

Isa siyang cancer survivor at that time na naisipang maging supplier for baking needs.

Ang kanyang puhunan noon ay PHP6,000 at ang unang tindahan ay ang kanilang apartment.

Pero tinangkilik nang husto ang Chocolate Lover hanggang sa makapagpatayo siya ng chocolate castle, na aniya ay simbolo ng inspirasyon sa mga mahilig mag-bake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa tagumpay niya, tinawag siyang Chocolate Queen.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For 36 years, Chocolate Lover Inc., a store for baking supplies, has been the go-to place for chocolate lovers, bakers and baking enthusiasts, as well as food-business entrepreneurs. But just recently, owner Annie Carmona-Lim announced that she will be closing the store for a particular reason.
PHOTO/S: Chocolate Lover Inc. on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results