BB Gandanghari agrees to be Reyna Emperatriz in Malabon gay Santacruzan

IMAGE 0


Popular and controversial BB Gandanghari will participate in a gay Santracruzan in Malabon tomorrow night, May 9. BB will be the highlight of the annual parade as the "Reyna Emperatriz."


Sasagala bukas, May 9, si BB Gandanghari sa isang gay santacruzan.

Wala nang makapipigil pa sa pagsasagala ni BB sa traditional na sagalahan o santacruzan ng mga bading sa Malabon City. At hindi lang basta "one of those" na sagala ang beauty ni BB, kundi siya ang Reyna Emperatriz!

Kumpirmado ang pagrampa ni BB bilang Reyna Emperatriz sa ilang dekada nang Gay Santacruzan ng Malabon City, na pinamagtang "Bulaklakan ng Mga Talyada." Ito ay organized ng Malabon Buklod-Puso Gay Association, Inc, in cooperation with Malabon City Mayor Tito Oreta at ng Malabon Tourism Office.

Ang core group ng nasabing Gay Association ay binubuo ng Malabon residents na sina Ernie dela Cruz, na ama ng aktres na si Angelika dela Cruz, Percival Chan, Ferdinand Morales, Eric San Juan, at isa pa.

Ayon kay Percival Chan, na nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono kanina, May 8, malaking tulong ang pag-imbita ni Ernie dela Cruz kay BB kaya hindi sila nahirapang mapa-oo itong sumagala for the very first time.

Hindi kami sigurado kung noong Rustom Padilla pa lang si BB ay nakapag-escort na siya sa ilang regular na Santacruzan, pero ito ang kauna-unahang beses niyang rarampa bilang sagala.

Sa Makati condo ni BB unang na-meet ng grupo ang controversial showbiz figure.

"Mabait siya, madali siyang kausap. Tuwang-tuwa siya sa invitation namin. Dala na rin namin ang aming down payment para sa honorarium ng participation niya as Reyna Emperatriz namin this year," kuwento ni Percival.

Sobrang excited nga raw si BB dahil bukod sa first time niyang sumagala na nakadamit-pambabae—kahit pambading ang Santacruzan—ay hindi lang siya basta sagala, kundi siyang magiging "finale" dahil siya nga ang Reyna Emperatriz, na mas mataas pa sa Reyna Elena sa Filipino custom and tradition.

Last week pa lang ay malakas ang ugong ng balitang sasagala sa Malabon si BB, hanggang sa naipaskel na ang mga streamer sa buong city announcing BB as Reyna Emperatriz sa taunang "Bulaklakan ng Mga Talyada."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas, 9 p.m., magsisimula ang parada ng mga sagala sa Malabon City Hall Plaza sa Brgy. San Agustin patungong Brgy. Hulong Duhat, kung saan magkakaroon ng munting programa at special awards para sa mga sagala.

Hindi naman maglalakad sa kalsada si BB, kundi sasakay siya sa isang magarang float.

"Ayoko ring nakaupo. Gusto ko nakatayo sa karosa, para kita ng mga tao ang ganda ng katawan ko, at sana maliwanag din ang ilaw para makita ang ganda ko!" natatawang sabi raw ni BB, ayon pa rin sa kuwento ni Percival.

Si Dennis Martin, tubong-Malabon din, ang lumikha ng gown na isusuot ni BB.

Ayon pa kay Percival, ang "Bulaklakan ng mga Talyada"ng Malabon City ang kauna-unahang siyudad sa buong Pilipinas kung saan nagsimula ang ganitong sagalahan ng mga bakla. Nagsimula pa raw ito noong panahon ng mga Hapon.

Kuwento niya, "Noong Japanese era daw, ayon sa mga ninuno natin sa Malabon, para daw hindi mahuli ng mga Hapon ang mga bading, nagsasagala sila, nagbibihis-babae na magandang-maganda."

May iba't ibang kategorya ang sasagala: ati-atihan, mga komedyanteng bading (gaya ng mga nakasuot-Darna outfit, etc), mga baklitang bagets (7-12 years old) na maaga pa lang ay pinapalasap na ang mag-gown at sumagala; mga "Golden Gays" o matatandang bading na "may asim pa", mga dyosa ng kagandahan o gay beauty queens, at finale nga ang Reyna Emperatriz na si BB.

"Gusto rin namin, talagang walang escort si BB para focus sa kagandahan niya ang mga tao, na lalong kina-excite ni BB," saad ni Percival.

Ang "Bulaklakan ng Mga Talyada" sa Malabon ay nanamlay ng mga nakaraang taon, pero muli itong bubuhayin at pabobonggahin ng grupo nina Ernie at Percival.

Inaaasahang magiging matagumpay, masaya, at makulay ang gay event na ito sa Malabon, hindi lang dahil sa magsisipagrampahan muli ang mga gay beautyqueens, kundi dahil sa presence ni BB Gandanghari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN