Kissing scene of John Lloyd Cruz and Luis Manzano finally shot on Brooklyn Bridge

IMAGE 0


The kissing scene between John Lloyd Cruz (left) and Luis Manzano (right) for the film In My Life was finally shot on the Brooklyn Bridge in New York, according to the film's scriptwriter, Senedy Que.


Nakunan na ni Direk Olive Lamasan ang isa sa aabangang eksena sa pelikulang In My Life ng Star Cinema, kung saan bida sina John Lloyd Cruz, Luis Manzano, at si Ms. Vilma Santos. Ito ay ang kissing scene nina John Lloyd at Luis sa Brooklyn Bridge sa New York.

Ito ang napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula kay Senedy Que, isa sa scriptwriters ng In My Life, na kasalukuyang nagsu-shooting sa New York.

Mahigpit na ipinagbawal ng direktor ang pag-release ng anumang litrato o video ng nasabing maselang eksena na matagal pinag-aralan at pinag-usapan ng creative group behind this much-awaited movie.

Matatandaang matagal nagdesisyon si Luis at ang kanyang manager na si June Torrejon kung tatanggapin ang naturang proyekto dahil sa hinihinging kissing scene with John Lloyd. Mahalaga ang naturang eksena sa gagampanang papel ni Luis bilang si Mark, ang gay son ni Governor Vi sa pelikula.

Pagkatapos kumonsulta sa kanyang ina, pumayag na rin sa wakas si Luis sa naturang papel at sa hinihinging eksena. Isang malaking hamon para kay Luis ang pelikulang ito.

Una, for the first time, makakasama niya sa pelikula ang kanyang ina, ang Star for All Seasons. Pangalawa, makikipagsabayan siya sa multi-awarded actor and current Box-Office King na si John Lloyd Cruz.

Sinisiguro ni Direk Olive Lamasan na hindi pahuhuli ang boyfriend ni Angel Locsin.



Ayon kay Senedy, "Ito lang ang masasabi namin: ang naturang eksena na kinunan while the sun was setting at the world-famous Brooklyn Bridge will touch your hearts. Sa tindi ng eksena, parehong naluha sina Lloydie at Luis. Ikinalulungkot namin na wala muna kaming maibabahagi na litrato o video ng pinag-uusapan nang eksena sa pelikula. Abangan ni'yo na lamang kapag ipinalabas na ang pelikula this coming September."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN