Janno Gibbs attributes punctuality problem to his insomnia

IMAGE 0


"Sabi ko nga, parang ano 'yan, e, di ba, yung sinasabi na... Bansag din sa akin na pabling, babaero. Parang binabansag na lang din sa akin dahil na rin, well, partly, kasalanan ko na rin. Madalas kong dyinu-joke. Pati itong late, ginagawa ko ring punchline. So, parang feeling ng lahat, 'Totoo nga! Palagi nga siyang late,'" says Janno Gibbs.


Pagkatapos mag-host ni Janno Gibbs ng Kakasa Ka Ba Sa Grade 5? sa loob halos ng dalawang taon, isa na namang game show ang ipinagkatiwala ng GMA-7 sa singer-actor-TV host. Ito ay ang Power of 10, na unang sumikat sa U.S., pero ngayon ay mayroon nang mahigit 25 international versions nito sa buong mundo na likha ng 2waytraffic ng Sony Entertainment.

Power of 10 will also mark as the grandest game show since it will give the highest prize of 10 million pesos—first in the history of game shows in Philippine television. It will start on May 10, Sunday, kapalit ng My Dad Is Better Than Your Dad ni Paolo Contis.

"Iba yung excitement ngayon. Parang mas nakakakaba 'to kasi nga, yun, mas malaki ang prizes. Mas malalaki rin yung bagsak. That's one. Sa Kakasa, eksakto ang answer, e, hindi ka mangangapa. Ito, [Power of 10] kahit na feeling mo tama ka, talagang hindi mo mape-predict. Kahit na sino, hindi mape-predict yung actual answer. So, nakakakaba," pahayag ni Janno nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Power of 10 kagabi, May 7, sa GMA Network Studios.

Ano ang nakikita niyang challenge ngayon dito sa Power of 10?

"Ang challenge dito, mas technical 'to kesa sa Kakasa Ka Ba... Mas maraming sinusunod na rules na galing sa Amerika," sagot niya.

Ano naman ang pakiramdam na siya ang host ng kauna-unahang game show sa telebisyon na magbibigay ng pinakamalaking papremyo?

"Ang haba ng hair ko! Siyempre, ganun lang ako nang ganun ng hair. Ten million, walang sinabi ang prize n'yo!" biro niya.

Ipinakita rin sa press conference kagabi ang mechanics ng game. Basically, ang magiging sagot ng contestant ay sa pamamagitan ng percentage at kailangan itong magtugma sa percentage na resulta naman ng isang nationwide survey ng isang private agency na ini-hire ng GMA Network.

GAME SHOW HOST. Napatunayan na ni Janno ang sarili bilang isang singer at recording artist. Pero sa dalawa pang career niya—ang pag-arte at pagiging game show host—saan niya mas gustong mabigyan pa ng pansin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa ngayon, medyo... Kumbaga, parang starting pa lang ako as game show host. Pangalawa ko pa lang. Although, naka-two years na yung Kakasa. Feeling ko, dito naman, may kailangan akong i-prove. Singing kasi, ang dami nating singers ngayon. Kahit papaano, may napatunayan na rin tayo nang konti," saad niya.

Humakot na rin siya ng sangkaterbang awards sa singing. Sa larangan ng game show hosting, nakikita ba niya ang sarili niya na makakuha ng award para rito?

"Dream ko yun, dream ko yun...makatanggap. Meron na 'ko as host, sa variety show. Pero wala pa ko as game show host."

Sino ba yung idol niya as game show host?

"Idol ko? Yung ngayon, ang dami, e! Magagaling lahat... Sina Edu Manzano, Kris Aquino, magagaling lahat. But yung mga before, well, dati si Ariel Ureta ang gusto ko. Pero game or basta hosting, si Joey de Leon yun. Sa mga existing pa, si Joey de Leon ang idol ko as host," sabi ni Janno.

BETTER LATE THAN NEVER. Sa kabila ng image ni Janno na madalas ma-late sa kanyang shows ay binigyan pa rin siya ng panibagong game show ng kanyang home network. Naging usap-usapan nga ang diumano'y pag-reprimand sa kanya ng management nang nang-absent siya sa Kakasa Ka Ba Sa Grade 5? at nag-pinch hit sa kanya si Mo Twister ng dalawang episodes.

Pero ayon kay Janno, hindi naman daw siya ipinatawag ng management.

"Actually, akala nila ni-reprimand ako. Actually, wala... Kasi ako naman, unang-una, hindi naman ako proud sa times na yun. But I'm not always late. Usually, may abiso naman ako nang maagang-maaga. Halimbawa, madaling-araw, 'Hindi po ako makatulog, e. Baka hindi po ako magising.'

"Actually, sa Kakasa, in two years, isang araw lang ako nag-absent. Yung isang taping kasi, dalawang episodes, kaya parang two weeks akong absent. Pero actually, one day lang," paliwanag ni Janno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May warning na ba sa kanya na sa Power of 10 ay hindi na puwedeng ma-late or mag-absent?

"Ah, hindi naman. So far, hindi naman ako nale-late," sagot niya.

Pero nilinaw ni Janno na, "Actually, hindi maganda yun, e. Kaya klinear ko. Lumabas pa ko sa Showbiz Central with Mo right after that. Kasi, si Mo yung nag-pinch hit nga sa akin."

May opportunity ba minsan na nawawala because of that image niya?

"Ah, hindi," sagot ni Janno. "Sabi ko nga, parang ano 'yan, e, di ba, yung sinasabi na... Bansag din sa akin na pabling, babaero. Parang binabansag na lang din sa akin dahil na rin, well, partly, kasalanan ko na rin. Madalas kong dyinu-joke. Pati itong late, ginagawa ko ring punchline. So, parang feeling ng lahat, 'Totoo nga! Palagi nga siyang late.'"

INSOMNIAC JANNO. Insomnia ang sinasabi ni Janno na dahilan ng pagiging late niya. Matagal na raw niya itong problema and since then, hindi raw talaga gumaling ang sleeping disorder niya. And it became worse as he gets older.

Gaano na ba katagal yung pagkakaroon niya ng insomnia?

"Alam mo, bata pa lang ako, nag-start 'yan. Siguro mga 12 pa lang ako, pero gumagrabe siya."

Hindi ba't may mga medicine or treatment na rin for insomnia?

"Wala pang actual cure. May mga suggestions lang sila, remedy ng konti. Pero yung actual, wala pa," sabi ni Janno.

Kuwento ni Janno, pakiramdam daw niya ay dahil sa pagkahilig niyang manood ng horror movies noong bata niya nakuha ang sleeping disorder niya. Pero may nagbiro na baka "bold" ang hilig niyang panoorin.

"Ngayon na lang yun!" sakay naman ni Janno.

"Biro lang," bawi niya. "Pero parang nag-start siya noong bata ako, maliit pa lang ako, mahilig akong manood ng horror movie. Kumbaga, dapat hindi pa ako nanonood ng horror noong ganoong edad. Mahilig ako. Pero kapag natutulog na, hindi na ako makatulog. So, nadala ko na yun siguro. Hindi na ako takot ha, pero nadala ko na yun siguro."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang ginagawa niya kapag inaatake na siya ng insomnia at may taping siya nang maaga kinabukasan?

"Well, isipin n'yo na lang, nakadalawang soap na ako: Lupin at Asero. Ang soap ang pinakamahirap, di ba? Siguro naman hindi tatagal sa akin ang staff at producer kung hindi ako dumarating on time," saad ni Janno.

Hindi ba niya nagiging taga-gising ang asawa na si Bing Loyzaga?

"Pababayaan ako nun!" biro ni Janno. "Hindi, hindi... Siyempre, siya yung gumigising."

Dugtong niya, "Actually, nagpunta na ako ng sleep doctor once. Ang sabi naman niya, ayusin lang ang habit. E, sa business natin, sa trabaho ko, minsan makukuha ko na ang tulog, minsan masisira naman dahil puyat ka, kailangan sa trabaho. So, masisira na naman."

Ayon kay Janno, ang pinaka-latest daw na tulog niya ay umaga na talaga.

"Actually, kapag alam kong gano'n, yung hindi ako makatulog, ite-text ko na sila. 'Sorry po, hindi ako makatulog, baka hindi ako makarating nang maaga.' Like sa SOP, kapag alam kong may number na masisira talaga at kailangan kong pumunta, talagang pipilitin ko yun. Kahit late na lang akong magpunta.

"Alam n'yo, sa totoo lang, sobrang hirap ako. Like sa SOP, hindi alam ng iba yun, e, Sabado ng gabi, kasama ako sa nag-aayos pa ng mga areglo. Like sa portion namin ni Jolina [Magdangal], hindi alam ng tao na minsan, hanggang alas-tres ng umaga, kausap ko pa yung musical arranger. Hindi alam ng tao yun. Na hindi ko naman trabahong gawin, pero kusang-loob lang para mapaganda," paliwanag ni Janno.

TOGETHER AGAIN. Tulad na ng alam ng lahat, mula sa paghihiwalay ay muling nagkabalikan sina Janno at Bing bilang mag-asawa.

Nang may nagtanong kung mas okay ba ngayong second time around na nila ni Bing, natatawang biro ni Janno: "Hindi na kami second time, e, nth time!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas okey na ba silang dalawa ngayon?

"Oo, pero still, sa tagal na rin namin, alam na namin na hanggang dulo pa 'yan. You work at it, di ba?"

So, nagkakaroon pa rin ng mga isyu, away-away?

"Oo, meron pa rin," pag-amin ni Janno. "Constant na nanliligaw pa rin, forever na yun sa dami ng mga kasalanan ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN