2010 ELECTION WATCH: Sunshine Dizon foregoes plan to run in next year's elections

May 22, 2009
"Kasi I have so many obligations at the moment na it wouldn't be fair to the people who will vote for me, kung may boboto man, na divided yung time. Siguro mas maganda na pasukin ko 'yan kapag talagang hindi ka distracted by other things, hindi yung kala-kalahati. And I also feel na I'm still young pa naman, I'm 25. I feel na it would be too soon kung pipilitin ko ngayon. It's still in my plans, but in the future," explains Sunshine Dizon about her decision not t

Matapos ihayag ni Sunshine Dizon March of this year na ikinu-consider niya ang pagkandidato sa darating na 2010 elections, ngayon ay nakapagdesisyon na si Sunshine na hindi na niya itutuloy ang pagtakbo bilang Board Member sa Iloilo.

"I have decided na I will not run. Hindi talaga," ito ang inihayag ni Sunshine nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng All About Eve. "Kasi I have so many obligations at the moment na it wouldn't be fair to the people who will vote for me, kung may boboto man, na divided yung time. Siguro mas maganda na pasukin ko 'yan kapag talagang hindi ka distracted by other things, hindi yung kala-kalahati. And I also feel na I'm still young pa naman, I'm 25. I feel na it would be too soon kung pipilitin ko ngayon. It's still in my plans, but in the future."

Ano ang sabi ng politicians na tumutulak sa kanya na kumandidato?

Continue reading below ↓

"They understand naman," sagot ng aktres. "Kasi when I sat down with them, when I spoke with them before, alam nila yung ano ko, e... They know that I have doubts. Sabi ko nga, I will be praying for it. I actually asked for a sign from heaven, pero hindi dumating yung sign, e. Sabi ko nga sa mommy ko, it's really very tempting to accept, especially if you can do something to serve people. I have so many ideas. Maraming rason para tanggapin mo, e.

"Pero sa isang banda, sabi ko sa mommy ko, 'Kung anuman yung doubts ko, kung kunwari man sabihin ng Panginoon na dapat akong tumakbo, wala tayong magagawa, para doon ka talaga.' Kasi nga, hindi ko nakuha yung sign, it only means it's not yet time for me," paliwanag ni Sunshine.

Ano ang reaksiyon ng kanyang Mommy Dorothy sa kanyang desisyon?

"Okay naman, kasi my mom naman is not forcing me din, e. She liked the idea. She also believes that I can do something. But you know, at the end of the day, no one can force me. At saka puwede namang tumulong nang hindi nakaupo, kung gusto mo talagang tumulong."

Continue reading below ↓

Pero hindi ba niya inaalis ang posibilidad na pasukin pa rin ang pulitika in the future?

"No, no, no," sagot niya. "For all we know, after a few years, next elections ulit, bakit hindi? Kung talagang ipagkakaloob sa atin yun, doon pa rin tayo pupunta. Especially at wala pa palang tumatakbo from our town sa Tigbawan. If ever, I will be the first one. That's a good thought."

Iiwan ba niya ang showbiz kung sakaling magdesisyon na siyang tuluyang pasukin ang pulitika?

"Puwedeng oo, puwedeng hindi. Kung kaya namang gawin ni Ate Vi [Vilma Santos], bakit hindi? Dapat si Ate Vi ang gawing inspirasyon ng mga artistang gustong pumasok sa pulitika. Kasi ano rin 'yan, e... If you're still in show business, magagamit mo rin yung network mo para makatulong din, di ba? Kung sakaling pasukin ko na nga 'yang pulitika, hopefully I have established my name, like how Ms. Vilma Santos did. Kahit hindi siya lumabas for a while, Ms. Vilma Santos na siya e. Kung kailan niya gustong bumalik, puwede pa rin siyang bumalik. So, hopefully, ganun ang mangyari sa akin," saad ng aktres.

Continue reading below ↓

ALL ABOUT EVE. Dahil hindi na nga muna siya papasok sa pulitika, mas focused si Sunshine ngayon sa kanyang career. Nag-e-enjoy nga siya sa pagganap bilang Erika, na bida-kontrabida sa primetime teleseryeng All About Eve ng GMA-7.

"We're all very happy din naman with regards to the ratings at saka sa feedback na nakukuha namin from people. Ako naman, particularly from fans na sometimes I get comments. Like, sabi nila, they don't understand if they want to hate me or love me. They go crazy over Erika's character daw. Kasi one day, may pagka-evil, the next day, parang awag-awa ka naman. So, happy naman ako kasi that's the exact reaction we are hoping to get naman for my character.

"Dito kasi sa All About Eve, tinanggap ko naman yung istorya knowing na si Erika is kinda on the dark side. Pero towards the end, mari-reveal naman na siya yung totoong anak ni Frederico [played by Richard Gomez]. You know, you'll also feel for Erika's character kasi parang she has to go through all those hardships in life, when, in fact, siya pala dapat yung privileged. Magkakaroon din naman ng change of heart," sabi ni Sunshine.

Continue reading below ↓

Kumusta naman sila ni Iza Calzado na gumaganap naman bilang si Nicole, ang katunggali ni Erika sa maraming bagay sa All About Eve?

"Okay naman po. We're very okay. Kahit naman nag-aaway kami sa soap, it doesn't mean naman na hindi kami okay in real life. It will not happen kasi we're really good friends ni Iza."

Nakakapag-bonding pa rin ba silang dalawa?

"Nothing has changed naman ever since Encantadia. Ganun pa rin kami. Kilala naman din ako ni Iza. May chances na makikipagtsismisan ako. Kumbaga, during scenes kasi, I'm so focused din sometimes, e. But there are opportunities naman na we can always sit down and laugh about things. Kami yung tipo na kahit hindi magkita nang matagal, nakaka-pick up pa rin kami. And it's such a joy to work with a good friend."

Nang ma-interview ng PEP si Iza, sinabi nito na may times daw na totoong nagkakasakitan sila. Minsan daw kasi totoo ang sampalan nila at masakit daw talagang manampal si Sunshine. Ano ang comment ni Sunshine dito?

Continue reading below ↓

"Actually, nung mga simula namin, we were really trying our best na daya," pag-amin niya. "Yun talaga yung totoo dun. Kasi, parang there's no point naman talaga para magkasakitan nang totoo. Kaya nga tayo artista, di ba?

"But then lately, masyado talagang mabigat yung eksena na sometimes the scene calls for, alam mo yun, totohanan. I want to believe na hindi ganun kasakit. Pero ang feeling ko kasi, kahit mahina 'yan or what, pag nasampal ka, masakit, period. Alam din naman ni Iza na I'm trying my best na i-control, kasi mabigat talaga ang kamay ko, inaamin ko naman 'yan. Kumbaga, trabaho lang. But we make sure na hindi naman aabot sa point na literal na masakit na masakit na may pasaan na."

How is it working naman with Mark Anthony Fernandez and Alfred Vargas?

"Masaya," sambit ni Sunshine. "Ako naman, aminado naman ako na si Mark, e, isa sa mga paborito kong leading men. And I've also worked with Alfred before sa Impostora. Siguro I can say with Alfred, he's really improved a lot towards his acting. Kumbaga, pag dramahan, alam ko nangangalay pa siya nung mga umpisa namin. Pero ngayon, bumibigay na rin ng iyak, e. So, I'm really happy for him. Natutuwa naman ako na nakakasabay siya sa mga iyakan at dramahan. Kasi ang ganda din ng character ni Alfred as Warren, e. Masyadong in love, masyadong weak. Minsan nga pag pinapanood ko siya sa mga eksena, sabi ko, 'Alfred, kawawa ka naman.'

Continue reading below ↓

"Nakakatuwa rin kapag nagmu-mall tour kami. Nakakatuwa yung reaksiyon ng mga tao kasi para silang name-mesmerize na on TV, bangayan kami nang bangayan tapos sa mall tour, sweet kami in person, yung mga tao kilig na kilig. Si Alfred kasi, napakabait, gentleman, sweet. He's such a loveable person in real life. Masasabi ko mas naging close kami ni Alfred dito sa All About Eve."

Masarap din bang katrabaho ang magagaling na mga artistang sina Richard Gomez, Eula Valdes, Jean Garcia, at Eric Quizon?

"It's such a pleasure working with them. Si Kuya Rick [Richard], kasi lagi akong tumatambay sa lugar ng EP namin, nandun din siya lagi. Si Kuya Rick ang nagturo sa akin kung paano ayusin yung photos sa laptop ko kasi minsan nagkakadoble. Mahilig ring kumoncert si Kuya Rick. Madalas iyan naka-Ipod tapos kumakanta nang pagkalakas-lakas na akala mo nagpe-prepare for a concert. Happy 'yan sa set.

"Si Ate Eula din, ganundin. Si Ms. Jean, ganundin. Pati si Kuya Eric. Happy silang kasama. Mabigat ang mga eksena, pero napakagaan sa set. Kasi the people you are working with, sobrang steady lang nila, masayahin ang mga tao. Kumbaga, it's such a blessing to have a cast like this na napakaganda ng rapport sa TV and also in real life," lahad ni Sunshine.

Continue reading below ↓

LOVELIFE. Hindi naman nakalimutang kumustahin ng PEP kay Sunshine ang tungkol sa kanyang love life.

"Wala, wala muna ako. I promise my mom two years," pag-amin ni Sunshine.

Paano kung may biglang dumating na suitor?

"Kung may dumating man, I promised, e. Siguro maghintay na lang siya, kung may darating man. I really have to finish my obligations first. Kasi nga, I purchased a house. Gusto ko lang ano... I'm giving myself, clean, two years. No distractions, just plain work, work hard. Pay the bills. Be financially stable and settle everything. Just two years, okay lang. Hindi naman tayo nagmamadali na magkarelasyon ulit."

Ano ba ang gusto niya for her next boyfriend, showbiz or non-showbiz?

"I can't really say, e. Ako naman, kung anuman ang ibigay ng Diyos, tatanggapin ko na lang, di ba? Kahit naman ano ang pilit mo, kung hindi yun ang suwerte mo, hindi mapupunta sa iyo," pagwawakas ni Sunshine.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kasi I have so many obligations at the moment na it wouldn't be fair to the people who will vote for me, kung may boboto man, na divided yung time. Siguro mas maganda na pasukin ko 'yan kapag talagang hindi ka distracted by other things, hindi yung kala-kalahati. And I also feel na I'm still young pa naman, I'm 25. I feel na it would be too soon kung pipilitin ko ngayon. It's still in my plans, but in the future," explains Sunshine Dizon about her decision not t
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results