Is Kumander Nene quitting showbiz?

IMAGE 0


From reality to stage: Once-reluctant actress Nene Tamayo will be seen this July in the stage classic, A Streetcar Named Desire.


May balitang magku-quit na sa showbiz ang Pinoy Big Brother Season 1 Big Winner na si Nene Tamayo. Kaya nang nakausap kamakailan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kumander Nene ay diretsahang tinanong namin siya about this.

"Ako, ayaw na mag-showbiz? Actually nung start talaga, sinabi ko na ayoko talaga mag-showbiz. Nung time na pagkalabas namin sa PBB, yun yung ayoko talaga. Kasi nga nahihiya akong umarte, ang feeling ko ang stiff-stiff ko. Yun talaga yung reason kaya ayoko noon. Nag-news muna ako, tapos U Can Dance, tapos nagpakasal na ako nun," bungad na paglilinaw ni Kumander Nene.

Nakilala ni Kumander Nene ang mister niyang si Anthony Plamio na isang dancer during her stint sa U Can Dance.

"Kinasal kasi kami, then nabuntis agad ako kaya kailangan ko ring mag-stop. Di ba, siyempre, buntis na ako at saka di ba alam naman ninyo, sa Star Magic pinuprotektahan nila ang mga talents nila. So yun, tapos after ko naman manganak, balik naman sa mga guestings-guestings lang."

Habang buntis siya, nagpatuloy pa rin siya sa showbiz. "May raket pa rin ako, guest-guest sa mga shows na pang-mother, preparations about being a mom. So hindi totoong ayoko nang mag-showbiz."

BUSINESS & MOTHERHOOD. Pinasok rin ni Nene ang pagnenegosyo.

"Nagtayo kami ng bar and restaurant pero hindi naging okay," sabi niya. "Yung convenience store namin, iba na ang may-ari. Dati kasi kapatid ko ang nagbabantay, yung kapatid kong isa nag-asawa na, yung isa naman nag-aaral, so wala talagang magbabantay, so yung may-ari na ng building ang nag-occupy ng space na nirerentahan ko dati. Three years tumagal ang convenience store, yung bar saglit lang, sobrang tinamaan talaga ng recession."

May kalayuan din kasi ang bar na itinayo niya. "Sa Angono, sa house na napanalunan ko ako nakatira noon. Gusto ko kasi malapit lang ang business sa house at hindi naman ako nagta-trabaho araw-araw sa ABS-CBN kaya gusto ko madalas ko siyang matitingnan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaso hindi talaga naging okay. So, kesa mabaon lang ako sa utang at maubos din ang inipon ko, isinara ko na lang. Ang natira na lang sa akin, yung sound system na pang-small events lang, halimbawa may opening ng mall. Pero hindi pa yung big ano talaga, nakiki-subcontract lang, wala pa kaming name. Ang name namin du'n sa kaibigan namin na talagang may bonggang-bonggang sound system. Pag small events, amin yun."

Nagkuwento rin si Nene tungkol sa kanyang anak."

"Magtu-two years old na siya," banggit ni Nene. "Pero pag nakita mo siya in person, sobrang laki na niya, parang three years old na siya mahigit. Zane Anthony ang name niya pero tinatawag namin siyang Antonio. Yung Anthony galing sa husband ko."

RECENT PROJECTS. Binanggit din ni Nene sa PEP ang mga pinagkakaabalahan niya ngayon.

"Suwerte naman na meron akong Talk 'N Text na project. TV show, wala pang regular. Guestings lang, last year pa yun, March 2008 pa yun sa Astigs, mother ni Dino Imperial ang role ko. After that, puro guestings pa lang.

"Sa Talk 'N Text, judge naman ako, may bagong reality show na ipapalabas sa ABS, so ako yung nagdya-judge, na namimili ng mga magre-represent ng mga taga-probinsiya sa Manila, yun nga yung sa ABS. Ang title, The Search For The Talk 'N Text Tipid Sulit Idol. One million ang magiging premyo ng mananalo du'n at mapapasali sa bagong commercial ng Talk 'N Text."

Siya ang resident judge sa naturang bagong show ng ABS, at makakasama rin niya sina Epi Quizon, Uma Khouny, at Cass Ponti. Regular host naman si Mosang. Ipalalabas na ito soon.

"Success story siya. Halimbawa, dati kang walang-wala tapos nagkanegosyo ka at naging successful," banggit ni Nene.


STAGE ACTRESS. For the first time ay lalabas sa isang stage play si Nene, A Streetcar Named Desire.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"First time na serious acting project ko, at first play ko bilang artista. Sobrang excited ako, sobrang excited na kinakabahan. Pero sabi ko nga, hindi ko na kailangang kabahan ngayon. Kumbaga, prepared na ako, may bala na ako.

"Kasi nakapag-basic workshop na ako, nakapag-advance workshop na ako. Yun ang maganda sa Star Magic, kasi kapag artist ka nila, ite-train ka nila. Ako dati, di ba ang bilis-bilis kong magsalita? Kaya tinrain nila ako na hindi ako mabilis magsalita. Lahat ng kung anumang problema sa akin, tina-try nilang ayusin. Yun ang maganda."

This coming July (una sa SM Sta. Mesa), mapapanood ang naturang stage play nina Nene, Paw Diaz, at Jason Abalos.


OFFER FROM GMA-7. "Tinatanong nga ako, kung wala bang offer sa kabila," sabi ni Nene. "Sabi ko, okay na ako sa ABS, kasi kumbaga, alam ko kasi yung kakayahan ko at yung hindi ko kaya. Kasi naiintindihan ko kung wala pa akong... May nagsasabi nga, 'Ikaw ang big winner, dapat marami kang project!' Binibigyan naman nila ako, kumbaga timing lang talaga. Weather-weather lang 'yan. Alangan namang bibigyan nila ako tapos madi-disappoint lang sila, di ba? E, di wala nang kasunod!"

Muntik na nga ba siyang maging Kapuso dati?

"Before, parang sa magazine show lang yun, kami ni Uma supposedly. E, may contract ako, di ba? Atsaka loyalty rin. Kumbaga, kung wala ang Pinoy Big Brother, e, di wala rin ako, wala ding Nene Tamayo, wala lahat. Kaya kung hangga't maari, kung puwede ako mag-stay habang nagtatrabaho ako, habang nasa showbiz ako, gusto ko sa ABS-CBN, sa Star Magic pa rin. Kahit nga baby ko, if ever magsu-showbiz siya, sa ABS pa rin."


PINOY BIG BROTHER. Kung maibabalik ang panahon, sasali siyang muli sa PBB?

"Oo naman!" sambit niya. "Siyempre. Sabi ko nga kay direk Lauren [Dyogi], 'Direk, wala bang all-star na season, lahat ng big 4?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko ngang sumali sa Fear Factor, yung kina LJ [Moreno]. E, sabi nanalo na raw ako sa PBB, hindi na puwede. Siyempre ako naman, kahit hindi manalo, ma-experience ko lang yung Argentina. Yun siyempre, bonggang-bongga yung mapasama lang ako sa Argentina. Okay na yun."

May advice si Kumander Nene sa mga bagong sasali sa PBB season 3...

"Ano lang, huwag masyadong... Kasi ang PBB is still a reality [show], although given na kapag nakapasok sa Big Brother house, talagang magiging artista ka paglabas. Pero huwag namang maging sobrang feel na feel agad yung pagiging showbiz. Dapat ipakita mo pa rin yung real you, kung sino ka talaga.

"Ang tao naman hindi tanga, e. Makikita pa rin nila kung nagpapakaplastik ka o kaya pretending na somebody pero hindi ikaw yun. Yun talaga ang pinaka-importante, ang magpakatotoo.

"At importante rin na siyempre kung nandun ka na, minsan lang 'to, huwag na huwag mong iisipin na mag-voluntary exit, hello! Libu-libo ang mga nag-audition tapos biglang... Di ba, nakakainis yung iba, biglang nagbo-voluntary exit, tapos walang dahilan, nakakainis yung ganun. Kaya kung halimbawang masasalubong ko yun, susuntukin ko yun!" tawa ng kauna-unahang PBB winner.

Dagdag niya, "Sasabihin ko sa kanya 'Sinayang mo yung slot na yun, ang dami-dami na mga tao na gustong makakuha ng slot mo, sinayang mo lang, di ba?'Alam mo yung mapasok ka lang na housemate, sobrang suwerte ka na dun.

"Ngayon nga, daan-daang libo na, hindi tulad dati na 25 thousand lang kaming nag-audition nung time namin. Ngayon sa isang araw, sa umaga pa lang 20 thousand, sa hapon 20 thousand, sa buong Pilipinas tapos outside pa, sa TFC kasi nagpa-audition rin sila dun.

"Kaya advise ko talaga sa mapipiling housemates, gawin na ninyo ang pinaka-the best ninyo, ipakita ninyo ang best part ninyo. Basta huwag ninyong sasayangin ang pagiging housemate ninyo. Kasi once in a lifetime experience lang yun. Sobrang i-treasure talaga dapat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN