Newlyweds Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo get unique gift from Direk Joey Reyes

IMAGE 0


Director Joey Reyes (inset) wrote a song for Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos (main photo) as his wedding gift. The song will be interpreted by acoustic singer Paolo Santos.


Nakakuha ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press ng kopya ng lyrics ng kantang sinulat ni direktor Jose Javier Reyes para sa bagong kasal na sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos. Si Direk Joey ang direktor nina Juday at Ryan sa pelikulang Kasal, Kasali, Kasalo at ang sequel nitong Sakal, Sakali, Saklolo.

Ang titulo ng kanta ay "Kuwento Nating Dalawa."

Ang lyrics ay tila regalo na rin ni Direk Joey para sa mag-asawa at bibigyan ito ng interpretasyon ng acoustic singer na si Paolo Santos.

Ayon sa manager ni Ryan na si Noel Ferrer, ang kantang sinulat ni Direk Joey Reyes ay unang maririnig sa TV special ng wedding nila na mapapanood sa ABS-CBN. Posibleng maging theme song din ito ng sitcom nina Juday at Ryan, ang George and Cecil, though nothing definite yet on that score.

Sa album launching ni Paolo Santos ng Back to Basics sa Chef and Brewer kahapon, May 8, unang nakita ng singer ang kanta at nasabi sa kanya na siya ang napiling umawit nito. Masayang-masaya ang singer. Ayon sa kanya'y another blessing ito, lalo pa nga raw at malapit sa kanya ang mga bagong kasal.

Here are the lyrics of the song that Direk Joey wrote specially for Juday and Ryan:

KUWENTO NATING DALAWA

Paulit-ulit nang nasabi

Mga pangyayaring ganito...

Laman ng sari-sariling awitin,

Tula at iba't ibang kuwento...

Kahit na sa pelikula

Mula doon hanggang dito...

Pilit na gustong hulihin

Kurot at kilig ng puso.

CODA

Pero kung ako ang tatanungin

Kung ano aking damdamin...

Ngayong ikaw ay kahati ng buhay ko,

Kahit ano pang tula't awitin

Sigurado akong kakapusin

Masukat ang ligayang dulot mo.

Wala pa yatang kanta, nobela o pelikula

Ang kayang tapatan ang kuwento nating dalawa.

Paulit-ulit nang nasabi

At kay tagal pang hinintay

Pinangarap, pinantasiya

Ang kakambal ko sa buhay...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong tayo'y magkasama

Di pa rin makapaniwala

Itong suwerteng dumating sa akin

Na pumayag kang mahalin kita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN