Piolo Pascual attends Cannes Film Festival for screening of his film Manila

IMAGE 0


"Kapag nakikita ko yung poster ng Manila, nakikita ko ang mukha ko, tapos yung festival sa Cannes, okey na ako. I mean, kumita man o hindi ang pelikula, just to be recognized... And that poster will be immortalized. So, sa akin, malaking regalo na po yun from the Lord, na parang hindi ko na makalilimutan yun sa tanang buhay ko," says Piolo Pascual about the inclusion of his film in this year's prestigious Cannes International Film Festival.


Babalik ng Paris, France ang aktor na si Piolo Pascual para sa world premiere ng first independent movie na iprinodyus niya, ang Manila. Kagagaling lang ni Piolo sa Paris para sa taping ng unang teleserye nila ni KC Concepcion, Lovers in Paris.

Naimbitahan kasi ang Manila for exhibition sa prestihiyosong Cannes Film Festival, na magsisimula sa May 12 at magtatapos sa May 24. Mag-i-stay si Piolo sa France for one week.

Bukod sa Manila, na idinirek nina Raya Martin at Adolfo Alix, kasali rin sa Cannes this year ang dalawa pang Filipino films: Kinatay (The Execution of P) ni Brillante Mendoza at Independencia ni Raya Martin. In competition ang Kinatay, samantalang kasali ang Independencia sa Prix Un Certain Regard. Tulad ng nabanggit, nasa special screening naman ang Manila. (Click here to read related story.

"Super excited ako that they invited us to be part of the festival. Excited ako dahil ako ang nag-produce ng pelikula with the help of Direk Raya and Adolf. Nakakataba ng puso.

"First time kong mag-produce, kasi pangarap ko talaga na magkaroon ng dahon [laurel] ang poster ng mga pelikula ko, e. Kapag nakikita ko yung poster ng Manila, nakikita ko ang mukha ko, tapos yung festival sa Cannes, okey na ako. I mean, kumita man o hindi ang pelikula, just to be recognized... And that poster will be immortalized. So, sa akin, malaking regalo na po yun from the Lord, na parang hindi ko na makalilimutan yun sa tanang buhay ko.

"I'm excited because isa 'yan sa binuno ko. I was doing it while taping for Lobo [his teleserye with Angel Locsin] almost every day. Pagkatapos ng taping, dumidiretso ako sa shoot ng movie nang walang tulog," lahad ng aktor sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ayon kay Piolo, mas mauuna ang theater run ang Manila sa ibang bansa kaysa rito sa atin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, may world premiere muna, then, Cannes," banggit ng actor-producer. "And on July, opening film siya sa Cinemalaya. And then after that, yung commercial release mga July pa or August. Tapos dadalhin din namin ang movie sa Canada."

Noong Biyernes, May 8, ay binantayan naman ni Piolo ang first-day shoot ng first movie na ipro-produce nila with his celebrity friends sa kanilang Bible study group called Sunday Night Productions. Ito ang Kimidora, na launching movie ni Eugene Domingo. Nakuha rin nila si Dingdong Dantes bilang leading man ni Eugene.

Hindi raw gagamitin nina Piolo ang name ng production nila na Sunday Night Productions, na siyang nag-produce ng konsiyertong The Pop Icons. Pinag-aaralan pa nila kung ano ang ipapangalan nila sa kanilang movie outfit.

FUTURE GROOM. Pagkatapos ng pinag-usapang kasalan ng leading lady noon ni Piolo na si Judy Ann Santos kay Ryan Agoncillo, tinanong ng PEP si Piolo kung kailan naman kaya susunod.

"May gatas pa ako sa labi, e!" biro niya.

Pero dugtong niya, "Of course, isa yun sa hinihintay ko bilang lalaki na parang, siyempre, gusto mong makita na lumalaki ang mga anak mo. And when it comes, it comes. I'm sure everyone will celebrate with me."

Matagal pa ba yun?

"Sana naman hindi masyado," pakli niya.

Nakita na ba niya ang babaeng ihaharap niya sa altar?

"Ah, darating yun. Malay natin, nandiyan lang siya."

If ever, nakita na niya yung girl, dire-diretso na ba ito sa kasal?

"Opo," sagot ni Piolo. "Ganun naman yun. I'm very vocal about that. I don't want to get into a relationship just being boyfriend-girlfriend. Gusto ko kapag naging girlfriend ko, diretso ng kasal."

Si KC Concepcion na ba ito?

"I'd rather talk about her after Lovers in Paris," iwas niya. "A lot of people think na per project basis daw ako. Kung sino raw yung leading lady, kung sino ang ka-love team ko, in love daw ako. So, I find it so unfair. Never naman akong nagka-affair sa ka-love team ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, I find it unfair because hindi naman ako nampapatos ng ka-love team ko. So, I told KC na better answer questions like this after Lovers in Paris, and then we will see. Kasi for now, they will say na it's just for the promo of our show, e. So, hindi rin maniniwala ang mga tao. Kaya I better keep quiet.

"But I value my friendship with her. I value our relationship because she's one person that is truly admirable for keeping her feet on the ground. Hindi nagbago, level-headed, napakabit, at napakaganda," saad ni Piolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN