Talk-show host IC Mendoza looks up to late grandma Inday Badiday

IMAGE 0


"'I look up to her, but I don't want to be the next Inday Badiday, kasi imposible yun! I want to be the first IC Mendoza! At oo naman, nag-iisa lang ang Inday Badiday at dadalhin ko 'yan hanggang aking libing," says IC Mendoza.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si IC Mendoza kahapon, May 12, nang magpatawag ng pocket presscon ang Viva Artists Agency para sa talents nilang may sari-sariling show sa Viva Cinema.

Dalawang regular TV shows ang pinagkakaabalahan ni IC Mendoza ngayon, parehong showbiz oriented-talk show. Ang isa ay Juicy ng TV5 kung saan kasama niya si Alex Gonzaga; at ang isa naman ay ang Chikalectric ng Viva Cinema with his mom, Dolly Anne Carvajal, as co-host.

Parehong daily showbiz talk shows at pareho rin na may replay sa gabi ang dalawang shows ni IC. Maganda nga lang, hindi ito magkasabay ng timeslot. Pero okay lang ba na he's hosting two showbiz-oriented talk shows?

"Magkaiba naman kasi siya," paliwanag ni IC. "Sa Juicy kasi, bubbly-bubbly ako, which is bubbly naman talaga ang personality ko. Pero sa Chikalectric, mas authoritative, mas seryoso. Yun kasi ang kinukuha nilang peg. And as a host, kailangan mong gampanan yun, although may pahapyaw pa rin na comedy. Kaibahan lang, sa Juicy kasi, saya-saya."

Dugtong niya, "Hindi naman siya conflict with Juicy ang Chikalectric. I asked naman Viva at tinanong ko rin ang Juicy, hindi naman. Parehas siyang daily show, pero iba naman, e, totally iba. Pareho siyang showbiz-oriented, pero iba."

Anong difference na nakikita niya when he's hosting with Alex and the other one naman with his mom?

"Well, si Alex kasi, barkada. Si Mommy, mommy ko! Siguro, mas masaya sa Juicy kasi bagets-bagets. Although, masaya rin naman sa Chikalectric kasi, in a way, natututo akong mag-host with my mom. At sa lahat ng mga anak diyan, with mommy, siyempre awkward yun, di ba? Pero ako naman siguro, nakapag-break na ako sa awkwardness na yun," sabi ni IC.

Ano naman ang pakiramdam niya na parang sinusundan na nila ng mommy niya ang yapak ng kanyang lola, the late Inday Badiday?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, inclined ako sa showbiz, sa tsismis ever since high school pa," sabi niya. "Kahit kanino, tsismosa ako, in short! Actually, may times na yung mga blind items ni Mommy, ako ang nagpi-feed sa kanya.

"Ako kasi, masaya ako. Magkaiba naman kami ni Mommy. Si Mommy kasi, more on column siya. Ako, I act din kasi, I do comedy. Pero siyempre, masaya rin ako na ma-tag na sinusundan ko ang yapak ni Mommy Luds, pero ayoko siyang gayahin.

"I look up to her, but I don't want to be the next Inday Badiday, kasi imposible yun! I want to be the first IC Mendoza! At oo naman, nag-iisa lang ang Inday Badiday at dadalhin ko 'yan hanggang aking libing. But that's true, nag-iisa lang naman ang style ni Mommy Luds at siya naman talaga ang nag-start ng lahat ng talk shows. I'm just so happy na nabigyan ako ng dalawang talk shows ngayon."

ON BB GANDANGHARI. Tinanong din namin si IC kung ano ang reaction niya sa mga nangyayari ngayon kay BB Gandanghari—ang dating aktor na si Rustom Padilla—since both of them are very open naman about their sexuality.

"Well, si BB choice niya yun. Ang tagal din naman niyang hindi nag-out. So, na-suppress kaya siya naggaganyan ngayon. Ang tagal din naman niyang nagtago nang nagtago, so good for him."

Agree ba siya sa sinasabi ni BB na babae raw siya?

"Trip niya, e," sabi ni IC. "Basta ba wala siyang inaapakan na tao, why not? For me naman, dapat hindi siya i-judge. Basta ako, I respect her. At saka, choice niya yun, e. My god, pinakamasamang kasalanan yung mag-judge ng tao! At ako, I'll never do that."

Although, hindi naman daw itinatanggi ni IC na kahit siya ay nagulat pa rin nang una niyang makita si BB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman!" bulalas niya. "Sabi ko, 'Ay, kamukha ni Steff Prescott [Artist Center talent]!' In fairness, nagulat ako! Siguro, for me lang, ayusin niya lang. Kung magpapa-girl na talaga siya, take hormones. Lahat, karerin niya."

Hindi ba niya naisipang magpa-girl na lang din?

"Before, di ba, there was a time na pa-girl-pa-girl ako dati? So, naintindihan ko siya. Kasi, nanggaling ako sa phase na yun. Sa kanya lang, mas nauna ang paggaganito kesa sa pagpapa-girl. Sa akin kasi, mas nauna ang pagpapa-girl.

"Ako naman, mas kumportable na ako na ganito. There was a time na nagagandahan ako sa sarili ko. Pero ngayon, hindi na. Yung ganoon," saad ni IC.

IC'S BOYFRIEND. Kung may maganda man daw sa buhay ni IC ngayon ay balanseng masaya ang career at lovelife niya. In love daw siya ngayon sa boyfriend niya na empleyado ng isang network.

"Huwag na lang isulat kung sino siya, kasi hindi open sa mommy niya," pauna ni IC. "Kawawa naman, di ba? Baka mabugbog yun, mabugbog siya ng mga kapatid niya. Pero, siyempre, sa part ko, alam ng mommy ko. Relationship talaga. In love ako, in fairness."

Nararamdaman naman niyang in love din sa kanya ang guy?

"Mas in love nga siya!" natatawang sabi niya. "At saka ano, parang napaka-refreshing naman na may nababaliw pala sa akin at hindi yung ako lang ang nababaliw. Siyempre, nababaliw rin ako sa kanya. So, masaya.

"Itong lovelife na ito, may patutunguhan talaga. A year and a half din akong wala, so ito yung seryosohan talaga. Alam din ni Mommy and happy naman siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN