For Nikki Bacolod, it's good to be bad

IMAGE 0


While on tour in the U.S., young fans asked Dyosa's resident witch to show them her powers. She said she couldn't without her red lipstick. "Ang nakakatawa ay naghanap ng red lipstick ang mga bata!" laughed Nikki Bacolod.


Pagkatapos makatanggap ng mga papuri si Nikki Bacolod bilang kontrabida ni Anne Curtis sa fantaserye na Dyosa, okey na raw para sa kanya na lumabas uli sa mga kontrabida roles.

Nag-enjoy si Nikki sa pagganap ng character na si Diana, at kung bibigyan daw uli siya ng kontrabida roles in the future, she wouldn't mind dahil malaking challenge raw ang gawin ang mga gano'ng klaseng roles.

"Marami nga ang nagugulat, kasi tahimik ako in real life pero kapag nag-play daw ako ng kontrabida, todo-todo," ngiti ni Nikki. "I guess because I really like doing it. Bata pa lang naman ako, hilig ko na talaga ang umarte. Haharap ako sa salamin tapos aarte ako ng kung anu-ano. Next to singing nga, ang pagiging artista ang gusto kong gawin."

Noong nag-concert tour nga raw si Nikki nitong nakaraang buwan sa U.S., kasama si Rachelle Ann Go, maraming mga batang fans ang nakilala siya bilang si Diana sa Dyosa. Witch nga raw ang tawag sa kanya at tinatanong siya kung puwede niyang ipakita ang powers niya.

"Tuwang-tuwa ako because nakilala nila ako. I never expected that fans would come up to me and recognize me because of Dyosa. Nagtatanong sila kung puwede ko bang ipakita ang powers ko. Biniro ko sila na hindi puwede kasi I'm not wearing my red lipstick. Doon galing ang powers kasi ni Diana.

"Ang nakakatawa ay naghanap ng red lipstick ang mga bata. Pero wala silang makuha para ilagay ko. Kinuwentuhan ko na lang sila tungkol kay Diana. Na huwag nilang tularan ang pagiging bad witch ni Diana. They should all be good children parati."

HOSTING JOB. Ngayon nga ay binigyan si Nikki ng sariling show na ihu-host sa Cignal TV ng Viva Cinema. Ito ay ang Daily Top 5 kunsaan magsisilbing viewer's guide to anything worthy of being Top 5. Puwede raw best and worst 5 of anything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's my first time to host my own show and I like to thank Viva Artist Agency for giving me this break. It will be entertaining and educational at the same time. We talk about everything under the sun like music, TV shows, movies, food, hangout places, fashion, celebrities at kung anu-ano pa. Basta nasa Top 5 ang gusto mo, pasok ka na."

Bukod sa Daily Top 5, dalawang pelikula ang gagawin ni Nikki para sa Viva Films. Una ay ang sexy film na Tumbok kunsaan bida si Cristine Reyes, at pangalawa ay ang co-production with GMA Films na Maybe This Time with Anne Curtis and Richard Gutierrez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN