John "Sweet" Lapus's anniversary show is a riot!

IMAGE 0


John "Sweet" Lapus fills the Teatrino Promenade with laughter as he entertains the audience with his different characters, spoofs, skits, dance and song numbers. The Universal Sweet Anniversary Show: John Lapus is Sweet 16 is John's 16th year celebration of being a showbiz personality and club comedian.


Puno ng tawanan at kasiyahan kagabi, May 15, ang Teatrino Promenade sa Greenhills, San Juan City, dahil sa matagumpay na show ni John "Sweet" Lapus, The Universal Sweet Anniversary Show: John Lapus is Sweet 16.

Masasabi pa ngang "all-star" ang anniversary show na ito ni Sweet sa presence sa show ng mga characters na ginawa niya noon sa kanyang past performances, tulad nina Kris Anino, Mel Siangco at Madam Uring. Meron pang international na character near the end of the show named Lady Gago, spoof ng latest U.S. club singer na si Lady Gaga.

Nakaka-impress din ang all-male backup dancers niyang Snap Dancers at ang The Drag-Ons na mga baklang dancers naman na mukhang babae talaga ang mga itsura.

Ipinakilala rin ni Sweet sa show na ito ang bagong character niyang si DVD, short for Divina Valerie Daot na nagtitinda ng mga "original pirated" DVDs.

Guests niya kagabi sina Aljur Abrenica at si Katrina Halili na game na game pang nakipag-okrayan kay Sweet, lalo na nang ini-spoof niya ang "Katrina-Hayden video" na kumalat kamakailan sa Internet. Naroon din ang komedyanteng si Eugene Domingo para sumuporta kay Sweet.

At siyempre pa sa end ng show, hindi mawawala ang pinasikat na nang husto at identified na kay Sweet na "Buwis-buhay Dance Number." Isa talaga ito sa pinaka-exciting na parte ng show na hindi dapat ma-miss ng mga manonood.

Overall, pure entertainment at talagang riot ang anniversary show ni John "Sweet" Lapus, na muling mapapanood mamayang gabi at the same venue.

Click here for a scene from John "Sweet" Lapus's show last night.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN