Manny Pacquiao to star in a Kapuso sitcom

IMAGE 0


Current IBO (International Boxing Organization) and Ring magazine Light Welterweight champ Manny "Pac-Man" Pacquiao will soon star in a sitcom with fellow boxer turned comedian Onyok Velasco and songwriter-friend Lito Camo.


Isa na namang victory party ang ginanap para sa bagong IBO (International Boxing Organization) at Ring magazine Light Welterweight Champion na si Manny "Pacman" Pacquiao noong Biyernes, May 22, sa Renaissance Hotel sa Makati City.

Personal na pa-party raw ito ni Manny para sa kanyang mga malalapit na kaibigan, sponsors, supporters, at Kapuso (GMA Network) Family.

MANNY'S SITCOM. Nagmistula na rin itong formal contract signing para sa panibagong partnership ng Solar Sports at GMA-7 para sa pag-cover ng mga susunod na laban pa ni Manny. Pagpirma na rin ito ng kontrata ng Pambansang Kamao para naman sa sitcom na gagawin niya sa GMA Network.

"Abangan n'yo po ang sitcom na gagawin ko dito sa GMA. Makakasama ko po rito sina Onyok Velasco at Lito Camo," pahayag ni Manny. Wala pang titulo ang gagawin niyang sitcom.

Isa ring successful na boxer si Mansueto "Onyok" Velasco bago naging komedyante at contract star ng ABS-CBN. Nagkamit siya ng silver medal sa 1996 Summer Olympics sa Atlanta, U.S.A., sa light-flyweight category at naging gold medalist naman sa 1994 Asian Games. Habang si Lito Camo naman ay sumikat muna sa kanyang kantang "Kung Ikaw" bago mas sumikat bilang songwriter ng mga sikat na awiting tulad ng "Bakit Papa?" "Otso-otso" at "Wowowee."

Pinarangalan din ng GMA-7 si Manny bilang "Heavyweight Champion" ng mga taga-Kapuso dahil sa karangalan at kasiyahang ibinigay niya sa mga Pilipino rito at sa buong mundo. Binigyan pa si Manny ng regalo ng GMA-7—isang mamahaling glass sculpture ng world-renowned glass sculptor Ramon Orlina.

MANNY'S NEW LOOK. Matapos ang mga parangal, pinaunlakan na ni Manny ng interview ang mga press na naroon.

Ang unang tinanong agad ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Manny ay ang kapansin-pansin na pagbabago niya sa kanyang pagdadala ng damit. Noon kasi ay palaging tucked-in long-sleeved polo, jeans at pointed-toe boots ang suot ni Manny. Ngayon ay nakikita na siyang nagsusuot ng mas makukulay nang kumbinasyon ng sweaters, fedora and newsboy hats, slacks at naka-coat pa minsan, tulad noong post-fight press conference niya matapos patumbahin ang British boxing champ na si Ricky "The Hitman" Hatton, nung May 3 sa Las Vegas, Nevada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasabi tuloy ng mga nakakapansin ng pagbabago sa wardrobe ng kampeon, tila nag-hire na ng stylist si Manny.

"Wala. Wala ngang nag-advise sa akin na ganito ang isuot ko. Kumbaga sa ano, namasyal lang ako sa mall, tapos, di ba, may mga mannequin na sinusuotan ng mga damit? Sabi ko, 'Ano kaya kung ganyan ang look ko? Subukan ko kaya?'" eksplika ni Manny. Para kakaiba naman daw ang makitang Manny Pacquiao ng publiko, aniya pa.

Pero kung gusto niyang maiba ang hitsura niya sa mga tagahanga niya, bakit hindi pa niya dinamay ang pagpapaahit ng kanyang bigote't goatee? Para maiba talaga?

"Ah, masyado kasi akong mukhang bata kung wala akong ganyan," nangingiting sagot ni Manny.

Proud na proud nga si Manny sa kanyang bigote't goatee kaya hindi niya rin ito inaahit. Isa pang ipinagmamalaki ni Manny ay ang kanyang mga tattoo, lalo na ang sa kanyang kaliwang braso.

"Mga pangalan ng asawa ko, saka mga anak ko. Paborito ko 'yang tattoo kong 'yan."

INVITING RICKY HATTON. Kilala rin si Pacquiao sa hindi pagtatanim ng galit sa kanyang mga nakalaban. In fact, kinakausap pa nga niya ang mga ito, kung may pagkakataon, para mangumusta at makipagkaibigan pa rin sa kabila ng laban nila. Meron ibang ina-appreciate ang ganitong ugali ni Manny, ngunit meron din namang patuloy sa pagpipilit sa kanya ng luma nang isyu para lang muling magkapangalan (katulad ng nakalaban at tinalo na niyang si Juan Manuel Marquez ng Mexico).

Sa kanyang pinakabagong tinalo na si Ricky Hatton, nagkausap na ba sila pagkatapos ng kanilang laban?

"Hindi pa. Hindi pa kami nagkakausap. Pero, actually, we invited Hatton on June 18, 19, 20 and 21, in L.A. There's going to be a dart tournament and then we're going to play," pagbabalita ni Manny.

WORDS FROM HIS MANAGER. As for his next fight, ang manager mismo ni Manny na si Eric Pineda ang nagsabi na hindi si Sugar Shane Mosley ang susunod na makakalaban ni Manny, katulad ng gustong mangyari ng trainer ni Manny na si Freddie Roach.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's gonna be [Floyd] Mayweather [Jr.]. Pero, actually, kung sino ang mananalo sa July fight nina Marquez at Mayweather, yun ang makakalaban niya," sagot ng manager ni Pacquiao.

Pero sa October na nga ba ang last fight ni Manny?

"Hindi. Marami pa. Hindi yun ang last fight niya. Mga two to three years pa siya lalaban. Pero hindi yun [October] ang last fight niya," sabi pa ni Mr. Pineda.

Pero in-announce na nga ni Manny na tatakbo siya sa pagka-congressman sa darating na eleksyon sa 2010. Ano ba ang opinyon ni Mr. Pineda tungkol dito.

"Whatever his decision is, we will support him. It's his decision. Anyway, marami naman siyang political advisers," pagtatapos ng manager ni Manny.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN