John Lapus spoofs Katrina-Hayden video in Sweet 16 show

IMAGE 0


John "Sweet" Lapus does a dance showdown with Marian Rivera (left) in the riotous The Universal Sweet Anniversary Show: John Lapus is Sweet 16. After 16 years in showbiz, all he has to say about his detractors is: "Dinededma ko na lang sila! Hinahayaan ko na lang silang pumangit."


Naging very successful ang two-night anniversary show ni John "Sweet" Lapus sa Teatrino, Greenhills, noong Friday and Saturday, May 16 and 17. Sa two-night run nito, itinatayang mas marami pa ang namataang audience sa second night, bagamat kasabay nito ang David Cook and David Archuleta show.

Before the second-night show ay nagpaunlak muna ng interview si Sweet, at ayon sa kanya, masayang-masaya pa rin siya sa naging outcome ng first-night show. Sa first night nga, sina Katrina Halili at Aljur Abrenica ang naging special guests niya.

Sey ni Sweet, "Siyempre bongga-bongga naman ang aking first night with Katrina Halili, at yung mga kaibigan ko, tuwang-tuwa kay Aljur kasi ang ganda raw ng boses. Partida na at paos pa si Aljur noong first night. Pero ang guwapo naman talaga ng batang 'yan, kahit yung mga kaibigan ko sa kabilang istasyon, guwapong-guwapo d'yan kay Aljur.

GOOD SPORT. "Ako naman, I'm so happy na si Katrina, kahit naiintriga, dumating pa rin siya and she was a good sport talaga....Pumayag siya na i-spoof ko siya. Yung video niya sa YouTube, ini-spoof ko talaga and pinagtawanan na lang namin. Magandang attitude yun for Katrina na ngayon ay iniintriga, to laugh about it. Ang past dapat pinagtatawanan na lang 'yan dahil tapos na, hindi na mauulit ulit."

Pinagpaalam niyang talaga nang personal kay Katrina na i-spoof niya ang sexy dance video nito with Hayden Kho?

"Oo siyempre, kasi, di ba, hindi naman kami ganoong ka-close ni Katrina. Kaya sabi ko, noong tinext ng talent coordinator na si Doc (Gamboa), yung handler, tanong mo naman sa kanya kung puwedeng i-spoof since everybody is talking about it, and true enough, alam lahat ng mga tao.

"And even si Katrina, you know, played along well with it. Nakakatuwa, she's really a good sport. Kaya nagpapasalamat talaga ko sa aking mga fellow Kapuso na nag-guest dito sa aking show."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DANCE SHOWDOWN. Sa ikalawang gabi ay sina Marian at JC naman.

"Iba naman ang ginawa namin ni Marian. Lumabas kami ni Marian na pareho kami ng damit, pareho kaming naka-Karimadon. At ang cute ni Marian kasi, siya pa talaga ang nagdamit sa akin. Umorder siya ng big size sa Karimadon para sa akin. So dalawa kaming Marian, magda-dance showdown kami.

"Si JC naman, katulad ni Aljur, haharanahin niya ko. Ang haba ng hair ko, di ba, tapos naging manananggal pala," natatawang kuwento ni Sweet.

Was the guest lineup his personal choice?

"Oo... siyempre, noong sinabi ng GMA that they will support me all the way, at saka, GMA naman pala ang media partner ko, dapat mga Kapuso rin naman ang ating special guests for this special event. Sabi ko nga, 16 years na 'ko sa showbiz, but the last three years pa lang ako rito sa Kapuso and yet, minahal nila 'ko at sinuportahan nila 'ko nang bonggang-bongga! So, I'm looking forward for another 16 years now that I'm in GMA."

Bilang Kapuso pa rin?

"Sobra! Sobra! So far, so good, for three years. At saka, nararamdaman ko naman na ang GMA, naniniwala sa kakayahan ko as an artist. That's why, nakakataba talaga ng puso."

GRATEFUL. Last year, on Sweet's 15th anniversary show, super thankful na siya sa mga nangyari sa kanyang career. Sa one year na nadagdag sa kanyang career, masasabi ba niyang mas blessed pa siya?

"Siyempre, oo... mas tumatagal ka sa industriya or kahit na anong bagay na nagawa mo, mas dapat kang magpasalamat sa Panginoon. Mas maging masaya at mas maging thankful. Mas, in a way, kailangan mong pahalagahan ang sarili mo dahil every year, mas parami nang parami ang mga taong inaaliw mo at ine-entertain mo."

LESSONS. "Sa 16 years ko, one thing I learned is to believe in my God-given talent at kapag naniniwala ka sa talentong bigay ng Panginoon, you will never go wrong, at yung ibang tao, maniniwala rin sa 'yo at bibilib din sa kakayahan mo as a person, and, sa case ko, as an artist."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What about the people who still don't believe in him at nandiyang inaaway pa rin siya, affected pa ba siya?

"Hindi na! Dinededma ko na lang sila! After 16 years, na-realize ko, mas maraming naniniwala sa akin kesa sa hindi. At sa mga detractors, hinahayaan ko na lang silang pumangit."

Sa kabuuan ng show niya, ano ang masasabi niyang pinaka-favorite niya?

"Alam mo, walang itulak-kabigin. One thing lang I'm so happy is, may naipakita na naman akong dalawang bago sa show na ito. Naipakita ko yung dalawang characters, si Tweetums nga yung not a girl but not yet a woman. She's very sweet but very naughty, at si Divina Valerie Daot na parte na ng buhay, nagtitinda ng mga pirated DVD. And of course, my opening monologue that talks about reciprocity.

"ACTION, REACTION, KARMA!" "I was so serious about it that, for the last sixteen years, na-realize ko na nag-survive ako sa showbiz because of reciprocity. Kapag mabait ka sa ibang tao, mabait din ang ibang tao sa yo. Kapag mahal mo ang isang trabaho, papasok din ang trabaho sa yo. Kapag mabait ka sa kapwa mo artista, magiging mabait din sila sa yo.

"Susuportahan mo sila, susuportahan ka nila. It's all about reciprocity. Give and take. Action, reaction, karma!"

Masaya rin si Sweet dahil parehong napuno ang dalawang gabi ng show niya. Lalo na ang last night kunsaan ang kasabay pa niya ay ang concert sa Mall of Asia ng dalawang Davids of American Idol.

"Hindi ako natatakot sa ganyan," sey niya. "At saka ito naman, ang tagal ng preparation. January pa lang, may date na 'ko na May 15 and 16."

Yun nga lang, mukhang sa salita na binitawan ni Sweet, tila matagagalan pa bago muli siya magkaroon ng anniversary show na katulad ng ilang taon na rin niyang ginagawa.

"E, kasi mahirap din mag-mount ng solo show. Baka sa 20th year pa, Sweet 20! Basta, bahala na, ayokong magsalita nang patapos."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL SWEET WITH RIVAL STATION. Kapansin-pansin naman sa audience ang mga taga-ABS-CBN na mga dati niyang kaibigan when he was still a Kapamilya. Touched ba siya na patuloy pa rin siyang sinusuportahan ng mga ito?

"Oo! Kasi alam ko naman na kaibigan ko pa rin sila, and I think that was really important. And I was serious earlier na sinasabi ko, ako lang yata ang Kapuso star that actually gets invited sa mga ABS-CBN's shows, di ba? Wala namang masama dun di ba? Ganoon lang naman kasimple yun."

Sa huli, naniniwala si Sweet na hindi raw magiging possible ang two-night concert niya without his sponsors na nagtitiwala sa kanya—like his media partner GMA-7, ang PEP, Calayan Surgicenter, Jollibee, Hairwatch Salon, Bing Cristobal, ABS Interactive, at Kulay Express Printing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN