2010 ELECTION WATCH: Alfred Vargas intends to run for councilor in Quezon City

May 18, 2009
Alfred Vargas wants to run for councilor in the second district of Quezon City.

Kahit concentrated siya sa kanyang showbiz career, buo na rin ang loob ni Alfred Vargas na maging isang public servant.


"Ngayon nagko-concentrate muna ako dito sa All About Eve, at medyo buo na yung loob ko na tumakbo as councilor sa district 2 ng Quezon City," pahayag ni Alfred nang nakapanayam recently ng PEP (Philippine Entertainment Portal).


What made him decide to run, to think na bata pa naman siya? "Actually hindi na nga ako bata, twenty-seven na 'ko, turning twenty-eight na 'ko, and I think I'm at the right age na. 'Saka gusto ko talagang tumulong, feeling ko time na ng pagbabago.


"Tuwing nagta-travel ako, nasasayangan ako sa Pilipinas, ang laki-laki naman ng pag-asa natin."


Saan siya nasasayangan?

"Yung potential natin as a nation, yung talent na nandito yung resources natin. Basta gusto kong makatulong kasi there's no other time to change but now and feeling ko makakatulong ako."

Continue reading below ↓


Kaya ba niyang pagsabayin ang showbiz at politics, if ever? "Feeling ko kaya ko naman.


"Gusto ko pa ngang mag-aral pero ide-defer ko na lang muna kasi dapat this year mag-masters ako, dati Management Economics ako sa Ateneo.


"Ang plano ko i-masters sa Business Ad. MBA, Masters in Business Administration, either of the two, UP [University of the Philippines] or Ateneo, siguro next year na. "Dapat kasi this year pero sasamantalahin ko na muna yung mga opportunites na binibigay sa akin dito sa GMA, so malamang next year.

"Yung studies naman merong once a week sa UP, so madali na lang i-manage yun, yung showbiz yun yung talaga kailangan mas galingan ko ngayon, mas kailangan pagtuunan ko ng pansin muna.


"Pagdating ng politics sa council alam ko meron kaming once a week na meeting plus yung iba mo pang gagawin. Pero kaya naman yun as far as time management is concerned."

Continue reading below ↓


Isa si Alfred sa mga lead stars ng soap opera ng GMA-7, All About Eve na pinagbibidahan rin nina Sunshine Dizon, Mark Anthony Fernandez at Iza Calzado. Kasama rin dito sina Jean Garcia, Richard Gomez and Eula Valdes.


Marami na sigurong pera si Alfred, to think na magastos tumakbo sa isang eleksiyon. "Hindi naman po," tanggi nito.


Handa ba siyang gumastos ng malaki para sa pagpasok niya sa pulitika?

"Siyempre po, kasama naman yun, kasama talaga, pero wala akong planong gumastos ng malaki.


"Ang sa akin lang, mas makilala ako ng tao on my own at mas mapaabot ko sa kanila kung ano talaga yung intentions ko."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alfred Vargas wants to run for councilor in the second district of Quezon City.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results