Katherine Luna to take legal action against ex-boyfriend who leaked their private sex videos

IMAGE 0


May of last year, it was reported that Katherine Luna was booted out of her condo in Eastwood, Libis, Quezon City. A year later, there's another issue surrounding the actress, and it involves sex videos.


Nakapanayam ng Showbiz Central ang sexy actress na si Katherine Luna tungkol sa isang private video na kumalat na sa Internet dahil sa kagagawan ng kanyang ex-boyfriend.

Kuwento ni Katherine, two years raw silang nagsama, at noong mga panahong iyon ay nakaranas daw ito ng physical and emotional pain from her ex-boyfriend.

"Two years kaming nagsama. Sinasaktan na niya ako physically. Abusadong-abusado na talaga ko. Bago siya umuwi, bago siya pumunta ng U.S., meron kaming malaking away. Pinagsusuntok niya 'ko sa ulo nang walang reason. Alam mo yun, parang isang click, biglang uminit ang ulo niya. Kung anu-ano ang mga pinagsasabi niya sa akin. Yung mga bad words na hindi mo talaga kayang sabihin. Hindi talaga niya kayang magbago," ayon sa aktres.

Ang paglalabas ng mga videos ay itinuturing ni Katherine na pangba-blackmail. Aniya, "Personal videos namin yun, e. Oo, mahal ko siya, e. Hindi ko naman alam na, alam mo yun...personal video namin yun. Hindi ko naman alam na hahantong sa ganito."

Ilaw araw pa nga lang ang nagdaan, kumalat na raw sa Internet ang naturang video, at hindi maitago ni Katherine ang sakit at galit.

"Nakita ko, siya lang, siya lang. Napakagulang niya. Ang ipinost niya, yung hindi siya kasama. Ang tinext niya sa akin, tandaan mo, hindi lang 'yan ang ilalabas ko. Marami pa 'kong video at pictures mo na ilalabas.

"Hindi kita tatantanan hangga't hindi mo ako kinakausap at hindi ka nakikipagkita sa akin," ang salaysay ng "Babae sa Breakwater."

Sa pagkalat ng naturang video, nangangamba si Katherine sa magiging reaction ng kanyang pamilya.

"Hindi pa nakikita ng Mama ko, e. Hindi ko pa sinasabing nakita ko na, na ganoon nga...Pero siyempre, yung panganay ko, may isip na. Nanonood na rin siya ng TV at kapag may labas ako, pinapanood niya. Alam na alam niya," ang himutok ni Katherine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabay sabi sa kanyang ex-live-in partner, "Sana, naisip mo man lang...Kung talagang may pagmamahal ka sa mga bata, sana, naisip mo man lang na maapektuhan sila."

Sa pagkakataong ito, mas pipiliin daw ni Katherine na lumaban.

Matatandaan na pangalawang isyu na ito na lumabas sa pagitan ng dalawa. Last year din noong pumutok ang balitang pinalayas ang aktres ng kanyang ex-boyfriend. (Click here to read story.) At kung hinayaan lang niyang mamatay ang isyu noon, may ibang plano sa Katherine ngayon.

Aniya, "Lahat gagawin niya para siraan ako. Akala niya kasi, kapag siniraan niya 'ko, matitigil yung, alam mo yun, itutuloy niya nang itutuloy hanggang sa sumuko ako at bumalik ako sa kanya. Ganoon siya...

"Hindi na...hindi na kita mahal. Sa lahat ng ginawa mo sa akin, alangan naman na mahal pa kita? Sa buong buhay ko sa showbiz, umiiyak na lang ako. Kapag naa-agrabyado ako, umiiyak ako. Ngayon, lalaban ako.

"Idedemanda ko siya," madiin na pahayag ni Katherine.

EX-BOYFRIEND'S SIDE. Right after ng taped interview ng Showbiz Central kay Katherine, nakausap naman ni Pia Guanio via phone interview ang lalaki, na tatawagan natin sa pangalang Carlo, na inirereklamo ni Katherine.

Nang usisain ito ni Pia tungkol sa pambubugbog na paratang ni Katherine sa kanya, "self defense" ang ibinigay na rason nito.

Ang sabi ni Carlo, "No, lumabas na 'yan noon. I said that I was in self-defense. Noon pa yun, e. The reason I do that, kasi, di ba, merong third party at hanggang ngayon, meron pa rin third party."

Inulit ni Pia yung tanong tungkol sa pambubugbog: "So, you're saying na totoo yun, pero noon..."

Sagot ni Carlo, "Yeah, there's a third party involved. Up to today, meron pa rin."

Tila hindi yata naintindihan ni Carlo ang tanong kaya ang tanong ulit ni Pia: "Totoo yung pambubugbog mo?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pambubugbog," ang mabilis na bawi ni Carlo. "It's self-defense. Binubugbog niya ko, so, dinedepensahan ko ang sarili ko. I have records sa mga doctors ko sa Pilipinas. Nabali ko pa yung kamay ko sa kakasuntok ko sa pader. Gumagawa siya ng mga malalaswang movies na sabi niya sa akin, hindi na siya gagawa ng malaswang movie."

Tungkol naman sa mga videos, inamin ni Carlo na siya ang nag-leak ng mga ito.

Ang paliwanag niya, "Ito ang istorya. Yes, ako ang nag-release ng videos pero, hindi para makuha siya ulit kung hindi, para makaganti sa kanya sa ginawa niyang pangangaliwa sa akin."

May hangganan ba ito?

"Nothing..." ang mabilis na sinabi ni Carlo. "Gusto ko lang makaganti. Minahal ko siya. Noong magbalikan kami, napamahal ako sa mga anak niya. Minahal ko siya. Disappointed ako sa kanya. Last message ko lang sa kanya...

"I know, we don't have enough oras, pinaka-last message ko sa kanya. Napamahal ako sa dalawa niyang anak. Ipagmamayabang ko na pinalaki ko yung dalawa niyang anak, tinulungan ko...Even I wanted, sinabi niya sa inyo na tawag ako nang tawag sa kanya.

"I am requesting, nagre-request lang ako sa kanya, 'Please, puwede bang ako na ang magpa-enroll sa panganay mo?' Kasi, napamahal ako sa kanya, sa mga anak niya. Ang mali ko lang, nagmahal ako sa puso. Mali pala na magmahal sa puso, dapat pala, sa ulo ka nagmamahal."

Dugtong pa nito, "Ang susunod na tanong, mahal ko pa ba siya? Ang pagmamahal naman, hindi naman basta isusulat sa papel at puwede mong burahin, di ba?"

Ang komento ni Pia, sa tingin daw niya, ang pagri-release ni Carlo ng private videos won't make Katherine trust him with her kids.

Ang sabi ng businessman na naka-base sa ibang bansa, "I'm fine...okey na ko run. Naka-revenge ako sa kanya, sa pangangaliwa niya sa akin. And if you think, I'm trying to be difficult at nakikipagbalikan ako sa kanya, no, all I'm doing is naawa ako sa mga anak niya. Napamahal ako sa mga anak niya. Yung apoy ng puso ko, para sa mga anak niya, hindi na sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya sa ginawa nitong pagkalat ng video ay ang mga anak ni Katherine, na sinasabing mahal niya, ang napahiya?

Mabilis itong sumagot ng, "Wait...the children are too young to understand anything. The children go out with me, not with her. Kahit itanong n'yo sa landlord. Sinasabi nilang, 'Bakit mas malapit po sa inyo ang mga bata, hindi sa ina nila?'"

Sa huli, nagpasalamat na lang si Pia kay Carlo sa pagpapaunlak nitong magpa-interbyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN