Kristine Hermosa on team-up with Jericho Rosales: "May chemistry pa kami."

IMAGE 0


Five years after their last TV series, the team-up of Kristine Hermosa and Jericho Rosales will be revived once again. Will they be able to revive the adoration of the viewers as well?


Kung nabitin ang mga Echo-Kristine fans sa MMK episode nila noong Disyembre na pinamagatang "Gayuma," masusulit naman ang paghihintay nila sa balik-tamabalan ng dalawa sa teleseryeng Dahil may Isang Ikaw ng ABS CBN.

Sa nakaraang pictorial ng Dahil May Isang Ikaw, hindi maitago ni Kristine ang kanyang excitement dahil muli silang magkakasama ng aktor.

"Of course, I'm so excited na magkakatamabal uli kami ni Echo, ang tagal-tagal naming naghintay. Di matuluy-tuloy nun 'tapos heto na, magsisimula na kami," ang bulalas ng Star Magic talent.

Dagdag pa niya, "Ang gagaling pa ng mga kasama namin, marinig ko pa nga lang ang mga pangalan nila—from Ms. Lorna Tolentino, Mr. Gabby Concepcion, John Estrada, Ms. Chin-Chin Gutierrez, Sid Lucero, Karylle, under the direction of Direk Jerry Sineneng—marinig ko pa lang mga pangalan nila, bigat na bigat na ako.

"Sabi ko nga, malaking pressure ito, mabigat na responsibility, but at the same time, I'm very, very excited na magsisimula na kami. This will be aired on July so malapit na talaga."

Bagamat mahigit limang taon na ang nakalilipas mula noong nagsama ang dalawa sa primetime slot ng Kapamilya network, naniniwala si Kristine na hindi nawala ang chemistry sa pagitan nila ni Jericho. Masaya rin niyang ikinuwento na tila bumabalik na sa dati ang closeness nila ng aktor.

"Well, alam ko may chemistry pa rin kami. Sa ngayon nate-take ko pa ang kakulitan niya, ganun naman talaga kami pag magkasama. Nakakatuwa na bumabalik naman yung closeness namin, yung pagiging jolly namin pag magkasama kami, yung pagiging makulit."

Maging si Kris Aquino ay napansin ang paghawak-hawak ni Kristine kay Jericho. Tuloy, inisip ng TV host na mukhang may special feelings pa raw ang aktres sa kanyang ex-boyfriend.

Agad naman itong klinaro sa amin ni Tin, "Kumportable lang talaga ako sa kanya, ang tagal din naman ng pinagsamahan namin as love team, as friends, and alam naman ng lahat na naging kami before but it doesn't mean anything. Palagay lang talaga ako sa kanya pero walang ibig sabihin yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, nilinaw naman ni Echo sa kanyang mga interviews na hindi naman daw niya niloko si Kristine noon, contrary sa mga lumabas na balitang ipinagpalit niya si Tin kay Cindy Kurleto.

Nang banggitin ang bagay na ito sa 25-year-old actress, umiwas na magbigay ng komento si Kristine lalo't alam naman ng lahat na masaya na siya sa piling ng rumored boyfriend na si Oyo Sotto.

"Talaga ha? Wala lang, smile na lang ako. Masaya naman talaga ako..." ang nasambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN