Eula Valdes anxious to know airing date of pending project with ABS-CBN

IMAGE 0


After All About Eve, Eula Valdes is set to work on another project. She's currently clueless about it, but she's already welling up with excitement.


Magtatapos na ang serye ni Eula Valdes sa GMA-7, ang All About Eve ngayong June 5, pero hindi pa alam ng aktres kung kailan naman magsisimulang ilabas sa ere ang upcoming drama series niya sa ABS-CBN, ang The Wedding, na pinagbibidahan ni Anne Curtis.

Inamin ni Eula na nagulat siya noong marinig nito ang anunsiyo sa isang TV show sa Channel 2 na sa May 11 ipapalabas ang The Wedding. Sa hindi malamang dahilan, hindi natuloy ang pag-ere ng nasabing show.

"In-announce nila na May 11 raw yung airing. Nataranta talaga ako kasi hindi man lamang nila ako in-inform. Sumama ang loob ko sa kanila," na ang tinutukoy nito ay ang bumubuo ng nasabing serye mula sa Kapamilya Network.

Malinaw raw kasi niyang inilatag sa management ng ABS-CBN ang mga kundisyunes na hiningi niya.

"Alam naman nila yung sitwasyon ko. Nag-text ako sa kanila na humihingi ako ng 12 midnight na cut-off ng taping. Yun bang, hanggang 12 midnight lang ako puwedeng mag-taping.

And sinabi ko rin na huwag magsasabay sa airing ng All About Eve [which was May 9], yun ang usapan namin.

"Hindi sila puwedeng mag-deny kasi nga naka-save lahat ng mga text messages nila sa akin," ang kuwento ni Eula.

Nakahinga lang raw ng maluwag si Eula nang mabalitaan niyang hindi natuloy ang airing ng The Wedding noong nakaraang May 11.

"In fairness naman, gumawa naman ng paraan si Enrico Santos. Nagpapasalamat naman ako sa kanya. Ang sa akin lang naman, word of honor, and they kept naman their word of honor," pahayag pa rin ni Eula.

Nag-last taping na si Eula sa All About Eve kahapon, May 20, na ginawa sa Ospital ng Makati, ngunit wala pa ring ideya si Eula kung kailan ilalabas ang nasabing project niya sa Kapamilya Network.

"Hindi ko alam kung tapos na. Sa ABS kasi, kahit tapos na ang taping ng project, kailangang may marketing pa kung kailan nila ilalabas sa ere yung show," ang kuwento ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw nang ma-pressure ni Eula sa posibilidad na baka ilabas ang TW sa panahong may bago na naman siyang project sa GMA-7.

Ang mabilis niyang sabi, "Naku, hindi ko na problema 'yan. Basta, sinabihan ko na sila."

Ngayon, mas gusto munang manatili ni Eula sa GMA-7 lalo't may nababalitaan siyang bagong project na ibibigay sa kanya. Nag-i-enjoy din daw kasi ang aktres sa pakikipag-trabaho sa naturang network.

Hindi nga raw niya maramdamang malungkot sa pagwawakas ng AAE dahil alam niyang magkikita pa sila ng mga kasama niyang sina Jean Garcia, Eric Quizon, Richard Gomez, Keempee De Leon, Iza Calzado, Sunshine Dizon, Mark Anthony Fernandez at iba pa.

"Naku, makikita ko naman ang mga 'yan, e. May mga usapan na kaming gimik ng mga yan," ang nakangiti niyang sabi.

Sabi nga ni Eula, ang gaan ng pakikipagtrabaho niya sa staff at production ng AEE. Pero bago pa raw mabigyan ng malisya ng iba, nag-enjoy rin naman siya sa pakikipagtrabaho sa mga shows niya sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN