Jean Garcia on daughter Jennica: "Mas matapang ang bagets..."

IMAGE 0


Jean Garcia tells PEP that despite their breakup, her daughter Jennica (inset) and Mart Escudero have remained good friends. She says: "Ang alam ko nga ay friends na silang dalawa. They talk bilang magkaibigan which is okay for me. Hindi kasi ako ganyan, e. Matagal bago ako naka-recover para kausapin o harapin ulit ang huling nakarelasyon ko. Sabi ko nga, iba si Jennica. Mas matapang ang bagets kesa akin talaga."


Sa last taping daw ng All About Eve na ginanap sa Ospital ng Makati last May 20, kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jean Garcia ang kanyang anak na si Jennica Garcia.

Ilang buwan na rin ang lumipas mula noong nakipaghiwalay si Jennica sa boyfriend nitong si Mart Escudero. Ang sabi naman ni Jean ay okay ang kanyang anak at masayang nagte-taping ng bagong show nito na Adik Sa 'Yo.

"Okey naman si Jen. She's been taping for her new show. Nakakatuwa nga ang bagets kasi ang dami niyang kuwento. Happy rin siya kasi nga ang Kuya Dennis [Trillo] niya ang ka-partner niya," ang bungad ng magaling na character actress. (Matatandaang nagkasama sina Jennica at Dennis sa Gagambino.)

Sa pagpapatuloy ni Jean, "Overall, Jen is doing fine. Wala akong nakikitang signs na depressed siya or malungkot siya. Masayang-masaya ang bagets."

Nabanggit din ni Jean na noong makipag-break si Jennica kay Mart, umiyak daw ito sa kanya. Hindi naman daw ito nagalit sa anak dahil alam niyang mararamdaman din nito balang araw ang tinatawag na heartbreak.

"Noong sinabi nga sa akin ni Jen na wala na sila ni Mart, siyempre, nalungkot din ako. Kasi umiiyak siya noong sinabi niya sa akin. As a mother, instantly iku-comfort mo ang anak mo. Naawa rin ako pero yun ang buhay, e. Minulat ko naman si Jen sa ganyang mga possibilities.

"Noong nagliligawan pa lang naman sila, marami na akong nasabi kay Jen. I want her to enjoy her life, pero huwag masyadong magseryoso sa lovelife. Bata pa sila ni Mart and they have so many years pa to do what they want and meet other people. Pero kung kaya ba nilang magkaroon na ng relasyon, nandiyan ako for them.

"Pero siyempre, hindi naman parati masusunod ang gusto natin sa buhay. Darating ang time na may ganyang mangyayari at nasabi ko na kay Jen na 'yan ang paghandaan niya dahil masakit talaga ang first heartbreak," ang mahabang kuwento ni Jean.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging bukal din si Jean sa pagsasabing hindi dapat tularan ng anak ang mga sinapit niya sa pag-ibig.

Aniya, "I made myself an example to my daughter. Huwag niyang tularan ang mga pinagdaanan ko. Ayokong umiiyak siya dahil nag-fail ang current relationship niya. I want her to be strong and accept things as they are. Like what I said, hindi lahat ng gusto natin ay maibibigay."

Ilang araw lang daw na nakitang malungkot ni Jean si Jen. Natutuwa siya at mabilis daw itong naka-recover.

"Nagulat ako na biglang one day, okey na siya. Nakangiti na at parang tapos na ang dumaan na problema niya. That day nga lumabas na siya with her friends at nag-enjoy.

"I wish nga na I had my daughter's strength noong gano'ng edad ako. Napaka-emotional ko talaga noon. Very dependent ako sa ibang tao kaya it took me a long time bago maka-recover. Nagpapasalamat ako na my daughter did not inherit the weak side of my personality. Jen learned from what happened sa buhay ko and that, I guess, made her a strong person."

Ang maganda naman daw ay naging magkaibigan naman sina Jen at Mart after the breakup. Though hindi pa nga raw nakikita or nakakausap ni Jean si Mart since the breakup, alam niyang nagkakausap ang dalawa.

"Matagal ko nang hindi nakikita si Mart, e. I don't know nga. Siguro wala lang pagkakataon na nasa isang lugar kami. Ayoko namang isipin na nagtatago siya kapag nakikita niya ako, di ba?" malakas na tawa ni Jean.

Dugtong niya, "Para sa akin, it's good na they are friends ni Mart. Mahirap din kasi na nag-iiwasan kayo. E, maliit lang ang mundo natin, di ba? Kaya it's good na both of them have accepted and made amends with one another. It's good to be friends with your ex."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung ligawan ulit ni Mart si Jennica, okay lang ba ito for Jean?

"Ay, may gano'n ba? Hindi ko alam 'yan. Pero it all depends on Jennica. Nasa kanya ang desisyon kung gusto pa niya ulit makipagbalikan kay Mart.

"Lagi ko naman sinasabi kay Jen na if someone or something was meant for you, babalik at babalik naman 'yan. Puwedeng mabilis bumalik at puwede ring taon ang magdaan before malaman mo na para pala sa iyo 'yon.

"Kung totoo nga na may nasabing gano'n si Mart, for me, okey iyon. It means that Jen means a lot to him. Yun nga lang, kailangan ma-convince niya si Jen. Mahalaga kasi sa isang relationship ang trust. Kapag nawala ang trust, the respect goes out as well.

"Pero it all depends on Jen. She's 19 years old at in control siya sa magiging damdamin niya. Bilang isang ina, nandito ako to give her advice and guide her. Naturuan ko naman ang anak ko kung ano ang dapat sa hindi dapat, e. I know that Jen will make the right decision when it's needed."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN